Jeremiah's Point of View
Ilang araw na akong balisa at wala sa sarili simula ng mangyari nung nakaraan sa amin ni Oleng. Idagdag mo pa ang hindi niya pag-pansin sa'kin nito lang mga araw na ikinalulungkot ko at tila wala akong magawa sa tuwing tinatanggihan niya ako, ako pa nga ang nahihiya sa tuwing nagsasalita ako at siya naman ay parang walang naririnig at nararamdaman sa paligid niya.
Nandito naman ako ngayon sa bintana habang nagpapatugtog ng piano, sakto namang lumabas mula sa pinto si oleng banda sa balkonahe. Agaran akong dumungaw sa bintana at tinignan ito. Napatingin siya sa'kin pabalik ngunit kalaunan ay parang aksidente lang itong napatingin sa hindi niya kakilala, nakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko.
Lalo na ng makita kong hinatid ni Charles itong si oleng sa bahay nila ay nakaramdam din ako ng ano man, masaya pa silang nagpaalamanan sa isa't isa, halata na ngayon ang pagiging maganda ni oleng at lagi naring nakalugay ang mahaba nitong buhok na dati ay laging nakatali, pinagmamasdan ko siyang makapasok mula sa loob ng bahay nila habang ako ay nakadungaw lang sa bintana.
Sa flower farm din nila oleng ay pumunta ako at nadatnan ko sila na nagtatanim, tintulungan ni charles si oleng sa pagdidilig at magkasamang nag-aasaran, pinunasan rin ni oleng ang pawis mula sa noo ni charles, napatulala nalang ako. Napansin naman ako ni Tita Marlyn at sinabing lapitan ko na ang anak niya. Nang malapitan ko sila ay agad akong napatingin kay oleng.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko sakaniya ngunit walang reaksyon ang mukha nito at tila di niya ako kaano-ano sa inaasta niya.
"May ginagawa kami ni charles." sabi nito, wala na akong nagawa kundi ang umatras ng dahan-dahan at naglakad papalayo, hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang maramdaman ang bagay na'to, para bang may tinataboy sa'kin pabalik.
Minsan ay lumabas rin kami ni Elaine para mag-date ngunit tila naiinis na sa'kin nun si elaine dahil lagi na akong wala sa sarili at nakakailang tawag na siya sa'kin ngunit di ko siya napapakinggan, nagpapanggap nalang ako sakaniya na ayus lang ako pero ang totoo... isa lang ang tumatakbo sa isip ko, si Olivia.
---
Nandito kami ngayon ng mga kaibigan at ka-banda ko rin sa bahay nila Vincent upang makapag-handa na sa gaganaping live performance sa audition na matagal na naming inaalala at pinaghahandaan.
Heto ako ngayon at hindi sila magawang pakinggan habang nasa ibang bagay umiikot ang isip ko at tila di na maistorbo dahil sa pagkatulala, hindi ko naman napansin na nasa tabi ko na pala si elaine.
"Is there a problem? I called you 3 times why can't you hear me?" dismayadong tanong sa'kin ni elaine, napa-ayos naman ako ng tayo at napahinga ng malalim.
"Hinihintay mo si olivia huh?" sabi niya pa, hindi na lamang ako nakaimik. "Je, isa lang ang gusto kong sabihin sa'yo. Whatever happens je, don't make me look like a fool okay?" seryosong dagdag niya at agad akong tinalikuran upang maupo sa tapat nila rolito at nakacross-arms na nakatingin sa'kin ng masama.
"Oh, mga tol? bukas ah? wag niyo kakalimutan may audition tayo, 3 pm ah?" rinig kong sabi ni vincent sa likod ko.
"Okay." sagot ni andrew.
"Pero anong kanta?" tanong ni rolito.
"Yung kay charles." banggit ni vincent, napakunot na lamang ang noo ko at pailing-iling na naglakad papalabas sa pinto, tinawag pa'ko nila vincent pero hindi ko na nagawa pang lingunin maski isa sakanila at agad ng umalis roon.
BINABASA MO ANG
Starting Over Again
RomanceAlam mo ba yung pakiramdam na nahuhulog ka sa isang taong manhid? makasarili? at higit sa lahat hindi ka kayang makita? dahil iba ang turing sayo. Masakit hindi ba? ang makitang tumingin sa iba ang taong lubos mong pinaglilingkuran. Ang taong matag...