13

30 15 0
                                    

Olivia's Point of View

Papauwi na kami ni je dahil nakisabay nanaman siya sa'kin pag-uwi dahil wala nanaman siyang pamasahe pauwi. Heto kami ngayon sa loob ng kotse habang siya ay buong pwersa akong pinipilit tungkol kay Charles na ka-banda niya.

"Sige na, date lang naman yun eh." pilit niya nanaman sa'kin habang nakatingin sa bintana.

"Je? bat ba ang kulit-kulit mo!?" inis na tanong ko dito habang nagmamaneho.

"Oleng, ako masaya na. humahataw na love life ko, alangan namang ako lang? pwede ba naman kitang pabayaan?" sabi niya pa kaya naman napairap ako at napahinga ng malalim.

Ilang sandali ay biglaan kong itinigil ang kotse at tinignan siya ng marahan.

"Sige nga, sabihin mo nga sa'kin. Ano bang mapapala ko kung pumayag akong makipag-date kay charles?" mataray na tanong ko sakaniya kaya naman napatingin siya ng dahan-dahan sa'kin at mukhang di makapaniwala at kunot pa ang noo nito.

"Puma- pumapayag ka? seryoso ka? m-medyo mayabang yun ah." tanong nito sa'kin kaya mas lalo akong nainis at napa-cross arms.

"Eh kaya nga ayoko eh!" inis na sabi ko dito at humarap sa unahan ko.

"Pero.. alam mo? okay din yun eh. uhh.. gwapo naman siya diba? matalino, talented, antipatiko.. Bagay nga kayo." sabi nanaman niya. Kunti nalang at baka masampal ko na talaga 'tong lalaking 'to.

"Alam mo!? Lumabas kana nga dyan! anggulo-gulo mo kausap! at tsaka isa pa ayan na yung gate ng subdivision ng elaine mo! naiinip na'yon! at marami akong gagawin ah! sige na umalis kana." inis na sabi ko sakaniya at iniwas ang tingin.

Dahan-dahan naman siyang lumabas ng walang imik. Nang makalabas siya ay sumilip pa muna siya sa bintana at pinasok ang ulo niya doon.

"Oh ano? payag kana?" mahinahong tanong niya pa, napahinga nanaman ako ng malalim at mataray na tinignan siya.

"Bahala ka!" mataray na sabi ko at inirapan siya kasabay ng pagpatakbo ko ng kotse.

Nakakainis. irereto niya rin ba ako dun? bakit kailangan niya pang gawin yun kung pwedeng kusa nalang niyang ialok ang sarili niya sa'kin. Ganun na lang ba ako kadaling hayaan na ibigay sa iba kahit na may pinakikinabangan na siyang iba. Nakakabuwisit.

Mabilis kong pinatakbo ang kotse habang dala-dala ang galit na namumutawi sa nadarama ko.

---

Jeremiah's Point of View

Nasa bahay kami ngayon nila Charles habang nag-eensayo kami. Inimbita lang kami dito ni charles para makapag-practice at para magsaya. Habang nag-piapiano ako ay inaalala ko parin kung papayag ba si oleng na makipag-date sa mayabang na charles na'yon o hindi.

Habang nag-piapiano ay paulit-ulit na tanong ang binabato sa'kin ni charles, kung pumayag na ba o hindi. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa ginagawa ko.

Kunot noo ako habang pumipindot ng piano dahil sa gulo ni charles sa tabi ko. Bigla namang nagbigay si erick ng juice para sa'min at nagpasalamat.

"Pare, ano? pumayag na?" tanong nanaman niya ngunit hindi ko ito pinansin. "Huy! pumayag na?" tanong nanaman niya. "Huuuuy!" kulit niya.

Napalingon na lang ako sakaniya ng kusa dahil sa kulit niya. "Ano? pumayag na?" tanong niya nanaman.

"Pare, hindi pa, hindi pa." sabi ko at muling pumindot sa piano.

"Wow, pare anghina mo yata eh. Akala ko ba bestfriend mo yun?" tanong niya sabay akbay sa'kin. "Uy! Ano naaaaaa!" kulit niya nanaman at inalog-alog ako dahilan para mapahilamos ako sa mukha ko.

"Ano naaaa!" kulit niya pa at gulong pinagpipindot ang piano dahilan upang mawala ito sa tono.

"Oh sigee, sige, sige, sige, sige pare kakausapin ko ulit." payag kong muli upang matigil na siya sa kakakulit sa'kin.

"Yes! pare, double date yan ah?" sabi niya nanaman kaya tumango na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko kanina. "Yaan mo pare, ako naman taya eh hehehe." kulit nanaman niya at ginulo-gulo nanaman ang tono ng piano. pinipigilan ko na lamang ang inis ko at baka mamaya ay masuntok ko na ang mukha nito.

"Je! pare! kain na! kelan niyo ba tatapusin yang kantang yan? sa pasko?" asar ni vincent sabay tawag sa'min.

"Pasko?" tanong ni rolito. "pasko?" ulit din ni andrew. "Ang pasko ay sumapit, Tara't tapusin na ang awit." sabay nilang kanta ni rolito at andrew. Natawa naman kami nila charles dahil umiiral nanaman ang kalokohan ng mga 'to.

Huminga naman ako ng malalim at dahan-dahang tumingin kay charles. "Charles? pare? mahal ko yung bestfriend kong yun ah." sabi ko rito.

"Pare? seryoso ako kay oleng." sabi nito sa'kin at bakas talaga sa mga mata nito ang sinseridad kung kaya't napayuko nalang akong nakatingin sa piano.

"Oii kumain na kayo!" tawag ulit sa'min ni vincent.

"Pare, kain na tayo! tara na." aya sa'kin ni charles.

"Oh sige, mauna kana." sagot ko at tumango-tango.

Dahan-dahang akong tumingin muli sa piano at tumugtog. Napaka-emosyonal ng tono nito kung kaya't damang-dama ang emosyon nito sa bawat tono.

---

Olivia's Point of View

Nagbabasa ako ng libro ng paborito kong manunulat sa kwarto ko ng biglang may kumatok sa labas ng pinto.

"Pasok." tugon ko kasabay nun ang pag-bukas ng pinto at tumambad sa'kin si mama na may hawak na bulaklak.

Dahan-dahan itong lumapit sa harap ko at inabot sa'kin ang bulaklak.

"Olivia? padala ni jeremiah." sabi ni mama habang abot-abot parin ang bulaklak. Napatingin naman ako dito ng matagal.

Agad kong sinara ang librong binabasa ko at agad kong kinuha sa kamay ni mama ang bulaklak na galing kay je. Nahihiya naman akong tumingin kay mama dahil baka kung anong isipin niya.

Isipin niya pa na nililigawan ako nun. Eh kung nagkataon nalang sana na ako nalang ang niligawan niya ay mas higit pa kay elaine ang sayang mararamdaman niya. Hindi narin niya kailangan pang magpanggap na mayaman.

Nang malakabas na si mama si kwarto ko ay muli akong napatingin sa bulaklak at tinignan ang sulat na nandito.

"To: Oleng
See you tonight at Cafe Legarda

From: Je"

Hindi ko mapigilang mapangiti at kusa ko nalang itong nagawa. inamoy-amoy kong muli ang bulaklak na binigay niya na palagi kong ginagawa sa tuwing nag-iiwan siya ng rosas sa balkonahe. Kinikilig pa ako na parang ewan dito.

Totoo ba'to? niyayaya niya akong mag-date?

Matamis na ngiti ang nanatili sa mukha ko at pumitas ng isang rosas roon. Kinuha ko ang libro ko na binabasa ko kanina at inipit ito sa Pahina 143.

Sometimes, you make me feel like i actually have a chance with you but when i try to take that chance you make me realize, i never really did.

---

#SOA
@Hernameisryukahmention a user

Starting Over Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon