2

64 27 0
                                    

Olivia's Point of View

Nagising na lang ako ng tirik na ang araw, tumayo na ako at ngayon ko lang napansin na nakaalis na pala si je. Pumunta ako sa balkonahe upang magpahangin nang may makita akong bulaklak mula sa tapat.

Napangiti na lang ako dahil alam kong siya lang naman ang nagbigay nito. Inamoy ko ito at palihim na pinagmasdan ang bahay nila je na katabi lang ng bahay namin.

Agad akong pumasok sa loob at sinara ang pinto. Pumunta ako sa book shelves ko at kinuha roon ang isang libro na paborito ko. Agad ko itong binuklat at bawat pahina nito ay may mga tuyong bulaklak na syempre galing lang kay je.

Muli kong kinuha ang bulaklak na bigay niya lang kanina at napangiti, inamoy kong muli ito at hinalikan, Pagkatapos ay nilagay ko ito sa ika-143 na pahina ng librong yun at sinara ito't binalik sa book shelves.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad ko ng inayos ang gamit ko dahil excited na talaga akong mag-college kasama si je. Agad akong lumabas sa bahay ng matapos ako at dumeretso sa bahay nila je.

Naabutan ko naman roon na nagwawalis ang nanay niya kaya ngiti ko itong binati.

"Good morning po Aling Agnes!" Ngiting bati ko rito upang mapatingin siya sakin at nangiti rin.

"Oh! Good morning Oleng! ah! Jeremiah!" Tawag niya sa anak at ng makalabas ay ngiti itong napatingin sakin. "Si Olivia!" Turo sakin ni Aleng Agnes.

"Alis na po kami inay." Ngiting paalam ni je sa nanay niya at nagmano dito.

"Mag-iingat kayo ha." Paalala ni Aling Agnes sa amin, Lumabas na si je sa maliit na gate at gawa sa bakod na gate nila.

"Sige ho." Sabi niya.

Agad na kaming sumakay sa loob ng kotse at nag-paalam sa nanay ni je. Agad ko ng pinaandar ang kotse at pinaharurot ito.

Nang makarating kami ay agad na kaming bumaba sa kotse at ngiting sinalubong ang ganda ng unibersidad dito. Dito kami magcocollege sa UP diliman.

Naabotan namin ang mga kaibigan ni je na maingay na nag-aasaran sa gilid habang dala-dala ang mga instrumento na gamit nila.

"Pare tignan mo si meryll oh. Para nanamang mascot." Asar ni Vincent habang turo-turo ang isa ko pang kaibigan na si meryll, Agad silang nagtawanan habang tanaw si meryll na naglalakad papalapit sakanila. "Tignan mo pareee."

"Hiiii~" Mahinhin pakunwaring bati ni meryll sakanila ngunit natawa lang ang iba.

"Pare December ba ngayon?" Tanong ni Vincent. "Bakit chong?" Tanong din ni Federick "Di ah. Anong disyembre." Tanggi naman ni Andrew.

"Eh bakit parang may Christmas tree dito?" Asar ni Rolito na kilala sa grupo nila na malakas ang tama, Kunwari pa itong may nararamdamang kung anong espiritu sa paligid niya.

"Nasan?"

"Pare, puro Pine tree lang ang nandito." sabi ni Vincent.

"San? oi san?

"Nasan?"

"San???"

"Anong Christmas tree pinagsasabi mo?" tanong ni andrew kay rolito.

"Ehhh ayan oh christmas tree." Turo ni rolito kay meryll dahilan para magtawanan silang muli. Trip talaga nila itong si Meryll, Ewan ko ba siguro lahat sila may gusto sa kaibigan kong kikay-kikay, andami-daming palamuti sa kung saang banda ng suot niya pati sa buhok niya.

"Heh! Palibhasa kasi wala kayong alam sa fashion ano? This is Japanese Fashion!" Pagmamalaki ni meryll sa damit at style niya ngayon dahilan para tumawa nanaman sila rolito.

Starting Over Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon