104

65 5 0
                                    

IVAN POV

"Sir?"

"Mmm? Ano? Manlaladi ka na naman?" Sarkastik na tanong ko.

"Sir naman eh, sorry po dun sa mga taong nilalandi kita, hindi ko naman kasi alam na fiancé niyo pala si Miss Sanchez"

Napakunot ang noo ko dahil sa paliwanag na hindi ko inaasahang sasabihin niya. "Sino?" Tanong ko ulit.

"Si Miss Sanchez 'yung CEO ng Sanchez Corp"

"Sino nagsabi sayo?" Seryosong tanong ko.

"Kinomprota ako ni Danica, Sabi niya huwag na daw kitang landiin kasi magpapakasal na daw kayo ni Miss Hannah kapag may time na kayo sa isa't isa"

"Tch" Singhal ko pero tumango nalang.

Lumipas ang ilang oras at may tumatawag na naman sa cellphone ko.

Si Hannah.

"What now Mr. Valdez!" Sigaw niya.

"What now too?" Panggagaya ko.

"Baka gusto mong torturin kita sa firm mo, pumunta ka dito!"

"Tch oo na!" Pabalik na sigaw ko.

Tinignan ko ang oras, alas dos ng hapon at mamaya pa ang meeting naming magti-take ng project, bahay at mga hospital ni Franklin, hindi ko alam kung bakit galit na galit sakin 'yung babaeng 'yun, baka hindi na ako makapagpigil sakanya eh masakal ko siya ng d'oras. Kinuha ko nalang ang blazer ko pati susi ng kotse ko.

"Sumabay kana sakin" puna ko sa secretary ko bago pa makapagsalita.

"Pero Sir-"

"Huwag ka ng umangal, baka kakaangal mo tanggalin kita sa trabaho mo" bulong habang nangunguna sa paglalakad.

Paglabas namin ng firm sumakay natin siya sa passenger seat at ak sa driver seat, minaneho ko ito at medyo malayo ang company nila Hannah pero may isang oras pa naman para makarating dun, wala pang kalahating oras nakarating narin kami, agad kaming pumunta sa elevator at deretsyo sa office ni bruha slash ghost.

Pagkabukas ko ng pinto, may vase na tumama malapit sa mukha ko pero ang natamaan ay ang pader na malapit sa tv. Tinignan ko ang basag na vase malapit sa kinatatayuan ko, Hindi ito malayo sobrang lapit niya, tinignan ko si Hannah at nalilisik ang mata niya.

"What's your problem?! Tell me!" Galit na sigaw ko.

Sino ba namang hindi magagalit muntikan na ko dun.

"Sorry, muntikan kapa" Sabi niya. "Sana matamaan ka nalang" bulong niya.

"Are you dumb or what! You want to kill me!" Sigaw ko padin.

"No, sana 'yang secretary mo natamaan!"

"Ano ba talagang problema mo!"

"Nang dahil diyan hindi ako pwedeng matanggal sa pagiging model! Ano ba kasing pumasok sa kokote ng secretary mo at binunggo ang secretary ko!"

"Sabihin mo nalang kasi-"

"Nang dahil sa letter na dapat magre-resigin sakin hindi natuloy dahil isang oras late ang sulat na pinagawa ko" maiiyak na sabi niya.

Tinignan ko ang secretary ko at nakayuko na ito.

"Madam kumalma kayo, kinausap ko naman na 'yung management na may hawak sayo, pupunta ka sa Paris ulit Madam" Sabi ni Trixie.

"Paano?! Para pilitin ulit nila akong mag-diet, huwag makipag-date sa ibang tao hindi naman ako kpop idol na magdi-date ng palihim at sino naman idi-date ko! Saka Isa pa ayoko na maging model Trixie!"

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now