HANNAH POV
Habang nagmamaneho akong umiiyak, napadpad nalang ako dito sa isang park na kung saan merong mga kung ano anong mga laruan para sa mga bata, mukhang malapit lang ito sa village ko. Pumunta ako sa slide, pabilog ang hugis ng pagi-enter-an kaya umupo lang ako sa parti na ito hanggang sa may marinig akong iyak ng kung ano. Parang bata.
"Mommy d-dada" iyak nito.
Siguro naman hindi ako minumulto sa sinabi kanina a ni Trixie.
Tinignan ko ang kanan na bahagi ko saktong napatingin ako sa isang babaeng mukhang madungis at umiiyak.
"Pst Hoy" mahinahon na tawag ko dito.
"Huwaaa!" Biglang sumigaw.
"Shuuush kumalma ka lang ha, Teka sino kasama mo at bakit umiiyak ka?"
"Ala po ako kasama, labuy po ako" kasong sagot nito.
"Ha? Palaboy ka? Eh paano?" Sunod sunod na tanong ko.
Lumapit nalang ako sakanya at tinanggal ko ang jacket na nakasuot sa katawan ko at pinasuot ko rito, meron naman siyang damit pero marumi at may punit punit na ito.
Wawa 'yung jacket ko, Dior 'yan eh.
"Salamat po" bulong nito at niyakap ang sariling katawan.
Inayos ko ang buhok niyang gulo-gulo saka ko pinatingala para magkatinginan kami.
"Gusto mo pagkain?" Tanong ko at dun lang siya ngumiti.
"Opo sana kasho ala po akong pewa"
"'Yun lang, Sige huwag kang magalala bibili tayo" pagkasabi ko palang ay tumango naman ito.
Kinuha ko ang bag ko at binuhat ito, isinakay ko siya sa kotse ko at tinignan pa itong mabuti, pinalaput ko siya sakin at kumuha ng wipes para punasan ang mukha niya, pagkatapos kong gawin ito isinara ko nalang ang pinto sa pumunta sa driver seat para paandarin ang kotse paalis dun, habang nagda-drive ako lagi ko siyang tinignan at nakatingin din naman ito sakin.
Pumunta ako sa drive thru na McDo at iuuwi ko itong batang ito, pagkadating namin sa bahay nagaalangan pa itong lumabas sa kotse ko dahil baka siguro anong gawin ko sakanya.
"Anu gawin atin ito?"
"Dito tayo kakain, sa loob tayo kakain" kangiting sagot ko.
"Opo" kaya bumaba narin ito.
Hinawakan ko ang kamay niya at kinuha ang bag ko saka isinukbit sa braso ko, kinuha ko narin ang pinamili kong pagkain para dito sa bata.
Dumeretsyo kami sa sala at inayos ang pagkain niya saka binuksan ang tv, nilagay ko ito sa cartoon, ako na ang sumusubo sakanya habang nanonood ito.
"Madam sino siya?" Tanong ni Lucy.
"Tingin ka nga ng damit para dito sa bata" Hindi ko sinagot ang tanong niya pero umalis naman na siya para magtingin ng damit.
Habang nanonood siya ngumingiti narin ito at pumapalakpak narin, napangiti naman na ako dahil umaayos narin ang itsura niya. Tumingin ito saakin at napanguso.
"Akit po?"
"Ha? Wala oh kain kapa dali" pagsusubonko sakanya at ngumanga naman ito.
"Hmmm tarap po, thank you po" tumayo siya at niyakap ako.
Kahit marumi itong batang ito pero mas lalong gumaan ang loob ko sakanya, masyadong marumi pero okay naman ang amoy.
"Taga saan ka nga pala?" Pagtatanong ko.
YOU ARE READING
Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)
Random[SEQUEL] LMINE: HANNAH LAUREN SANCHEZ IVAN SABASTIAN VALDEZ