Acceptance
HANNAH POV
Sumapit ang gabi at mukhang wala silang balak na umahon sa tubig, habang umiinom ako ng wine dito ay biglang sumasagi sa isip ko si Axel, hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyun, alam kong nasaktan ko siya at hindi ko sinasadyang masaktan ko siya ng sobrang sakit, kahit ako din naman aasa kapag may nahbibigay sakin ng rason kung papaano ako iibig sa isang tao.
*Flashback
Nasa park kami at nasa ferris wheel lang kami, matulin lang ang pagikot ng ferris wheel hanggang sa mahinto ito at ma-stuck kami sa taas, tumingin ako kay Axel at napatingin naman ito saakin.
"Are you okay?" Tanong niya.
"Bakit nahinto?" Tanong ko.
"I don't know but you can hold my hand if kinakabahan ka"
Hinawak ko pabalik ang kamay niya at ngumiti, huminga ako ng malalim at baka kung ano na namang mangyari saakin dito, nakakahiya kaya. Walang nagsalita saamin ng Ilang minuto pero napatingin ako sakanya.
Ang ingay ng katahimikan.
"Hannah" pambabasag niya ng katahimikan.
"Hmm?" Mahinahon ko Sabi habang turo ang sarili ko.
Seyempre ako lang naman kasama niya dito.
"Gusto kita" mahinahon niyang sabi at medyo natigilan naman ako sa sinabi niya.
Nabinhi ba ako dun?
"Ah Axel-"
Hindi ko na tuloy ang sasabihin ko ng bihal siyang natawa. "I know na hindi mo alam kung anong sasabihin mo, ako nga rin eh, hindi ko alam kung bakit ako nagkagusto sayo.... Siguro I admire you, sa lahat ng nangyayari sayo hindi ka sumuko, siguro-"
"Axel" pagpuputol ko sakanya, tumingin siya sakin na may halong luha na ang mga mata niya saka siya ngumiti. "Hindi mo naman kaylangan sabihin 'yan eh.....Pero hindi ko na kasi kayang magmahal ng iba, Hindi ko narin alam kung kaylan pwede pero pinipilit ko pa kasing buoin ang sarili ko dahil sa dinami dami ng problema ko....... Hindi ko na alma kung anong sasabihin ko sayo"
Nagpatuloy ang luha ko kasabay ng luha niya, ayokong saktan siya pero hindi ko gustong mahalin siya ng kagaya ng binigay niya sakin.
"Hannah, I know na may hinihintay kang bumalik sayo kaya hindi ka nagpapakita ng kung anong pwede kong isipin. Mahal kita pero hindi ko alam kung itutuloy ko ba o titigil ko na..."
Napatitig lang ako sakanya at hindi alam ang sasabihin ko.
"...I know it's hard to believe but I stopped it even though Franklin forbade me to mainlove you, I stopped, promise I really stopped but we're in Palawan, I feel like I have hope in you, even if you deserve to be reached and loved , it hurts if you don't love me back but I just want to admit, I love you Hannah even though I know you're still waiting for someone to come back to you, I can tolerate my stupid love for you" natawa ito at tumingin saakin.
"Axel" naluluhang sabi ko sakanya.
"Anyone can fall in love with you in no time at all, just one look at you, I love you not only for your physical appearance, I like you because of your different habits .... I don't feel bad for you when you reject me but I hope you can choose someone who will make you happy and truly love"
"Axel kahit bigyan kita ng pagkakataon para patunayan sarili mo sakin...... Mahirap akong mahalin" umiiyak na ako pero pinipigilan ko lang na huwag lakasan.
"Hindi ka mahirap mahalin kung pinalayas mo na ang dati mong mahal Hannah..... Pero siguro ako tatanggapin ko nalang na hindi tayo pwede"
"Sorry" yumuko ako at tulo padin ng tulo ang mata ko.
YOU ARE READING
Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)
Random[SEQUEL] LMINE: HANNAH LAUREN SANCHEZ IVAN SABASTIAN VALDEZ