HANNAH POV
Papunta na kami sa airport kung nasaan 'yung Private jet na pinaglandingan nung nakaraan na pagdating namin dito, medyo natagalan kaming makaalis sa harap ng hotel dahil bukod sakin kaylangan ko ring asikasuhin si Trixie dahil baka kung ano pang mangyari sa tiyan niya.
Pagkadating namin kasama na naman 'yung mga crew na kasama namin papunta dito sa Paris, inaasikaso naman si Axel lahat ng gagawin kaya nagsalita na ito na papalipad na ang airplane.
Pinalipad niya ito ng maayos kaya kumalma narin ako dahil pati sa labas ng airport merong mga tao na gusto akong tanungin.
"Madam ayus lang kayo?"
Tumingin ako kay Trixie kaya inayos ko 'yung buhok ko sa mukha ko. "Oo ok lang ako, Ikaw ok ka lang? Baka mamaya may ano pang mangyari sa baby mo"
"Madam okay na ako, hidni naman masakit katawan ko, Ikaw nga dapat hindi okay sakin eh-"
"Bakit naman?" Mabilis na tanong ko.
"Madam nakita ko sa kamay niyo kanina na may kumalmot sainyo, dapat nga ako ang proprotekta sainyo"
"Ano Trixie okay lang ako dahil wala naman akong dapat protektahan sa katawan ko"
"Pero Madam boss kita at secretary niyo ako, dapat 'yun ang gagawin ko sa ginawa niyo kanina-"
"Trixie huwag ka ng makulit, ayus lang sakin na makalmot ako kesa kung anong mangyari diyan sa baby mo" seryosong sabi ko at dun lang siya tumango.
May lumapit saamin na crew at binigay na saamin 'yung pagkain na pinili namin kanina sa menu, kumain muna kami bago ako natulog, hindi raw makatulog si Trixie kaya hinayaan ko nalang dahil kanina pa ako inaantok.
Pagkagising ko naramdaman kong pa landing na 'yung eroplano kaya napatingin ako kay Trixie, tulog pa siya kaya marahan ko nalang siyang ginising kaya gumising naman ito.
"Trixie let's go" Aya ko kaya tumayo naman na ito.
"Madam, tinatamad ako" kangusong sagot niya.
"Andito na tayo oh, huwag ka namang tamarin"
"Opo" kanguso pading sagot niya.
Pagkababa namin may sasakyang palapit saamin, bumaba ako ng hagdan ng eroplano habang tinanggal ang shades ko, may nagbukas ng pinto ng sasakyan kaya pinauna ko na muna si Trixie dahil inaantok pa ang mukha at baka matumba pa ito.
"Sinabi mo na ba kay Captain Miller na sakin kana saaabay?"
"Opo Madam, kanina nung nasa ere tayo" kapikit na sagot niya.
Hindi na ako nagsalita at sinabi sa driver na sa The Manifold village dahil dun nakatira si Trixie, bagong village lang 'yun saamin kaya malapit lang. Bumabyahe kami at ako naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana.
Malaya na ba ako?
Pagkarating namin sa bahay ni Trixie inalalayan ko nalang siya papasok at pinahiga sa kama niya dahil inaantok pa raw, pinagsabihan ko siya na hindi muna papasok at tawagan nalang si Grayson para may Kasama siya dito sa bahay saka tumakbo paalis.
Pagkapasok ko sinabi ko kay Manong na deretsyo bahay na, pagkauwi ko pumasok naoang ako sa bahay, nasalubong ko pa si Nathalie na hawak hawak ang aso ko.
"Tita!" Sigaw niya at lumapit sakin.
Lumuhod ako para yakapin at halikan sa pisngi. "Musta? Bakit hawak mo aso ko? Hmmm?" Tumawa lang siya at inaamoy ang aso ko.
"Akin nalang daw po muna sabi ni Ate Thalia"
"Ahh asan sila?"
"Asa likod po" sagot naman nito.
YOU ARE READING
Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)
Diversos[SEQUEL] LMINE: HANNAH LAUREN SANCHEZ IVAN SABASTIAN VALDEZ