HANNAH POV
Pumunta ako ng office dahil may gagawin akong importante, puro nalang papeles hinahawakan ko, pagpasok ko bumungad sakin si Trixie.
"Call Lance may sasabihin ako sakanya"
"Madam busy siya ngayon-"
"Call him now" mahinahon padin na sabi ko.
"Sige po Madam" kinuha niya 'yung cellphone niya at nag-dial dun. "Hello Sir, punta daw po kayo kung p-pwede sabi ni Madam... Sige po"
"What now?"
"Yes daw po Madam, punta daw po siya pero saglit lang siya"
Pagkasabi niya saktong bumukas ang pinto at bumungad saamin si Lance.
"Bakit mo nanaman ako pinatawag?" Bungad na tanong niya.
"Aangal ka?"
"Oo, Miss Sanchez marami akong ginagawa isiningit lang kita sa schedule ko tapos manermon ka lang" mahinahon na sabi niya pero mukhang busy talaga siya.
"So nakaka-abala pala ako sayo"
"Yes, dahil hindi lang Ikaw ang may ginagawa lalo meron akong kasong dapat ipanalo ko" mabilis na sagot niya.
"Pera lang naman 'yan eh" pabulong ko.
"What? Do you think that money can-"
"Yes Mister Valdez, kung wala kang pera hindi ka makukulong, but if you have a lot of money they was just give you a lot money just what do want" putol ko sakanya.
"Huh, Puro laman kasi ng utak mo pera, kaibigan ko ang nakasalalay dito dahil abuse ang ginawa ng suspect at hindi man lang nakagawa ng paraan ng kaibigan ko para manghingi ng tulong, you know what money just a piece of shit"
Now I'm busted.
"Then go ahead, pumunta ka sa firm mong walang kwenta!" Sigaw ko.
"Talaga, dahil ma-stuck ka sana ulit sa elevator magisa mo!"
Tangina nito, nagbanta pa.
"Madam kaylangan niyong mag-sorry papagalitan ka ng Lola mo" biglang sabi sakin ni Trixie
"Ayoko siya mag-so-sorry sakin kapal ng mukha niyan" gigil na sabi ko.
Totoo naman kapal ng mukha niya, Akala niya siya lang may ginagawa.
Ilang minuto pa ang nakalipas at pumasok si Mom dito sa office ko at mukhang may problema yata.
"What was that Hannah?" Tanong niya.
"Anong what was that?" Pabalik na tanong ko.
"Hannah, hindi lang Ikaw ang nasa schedule nung tao, may ginagawa siya sa firm dahil may pinapanalo siyang laban"
"Ano bang sinasabi niyo Mom"
"Ang sinasabi ko, ayusin mo ang pananalita mo kay Lance, marami ding ginagawa 'yung tao kaya huwag kang pasakit ng ulo. May mga bagay din siyang ginagawa"
"Sorry" payukong sabi ko.
"You know what anak, CEO ka at Chairman ka rin, be professional in your position not being childish to him, naka-move on na 'yung tao sayo kung sana ayusin mo pakikitungo mo sakanya, puro kasi sarili mo iniisip mo"
"Yes Mom, I'm sorry"
"Okay, sige na aalis na ako" saka niya ako tinalikuran.
Tinignan ko si Trixie pero wala siyang ginagawa, suminghal nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko, maya-maya pa may tumawag sakin 'yung lalaking nangungulit sakin na makipagdate sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/304023476-288-k435791.jpg)
YOU ARE READING
Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)
Random[SEQUEL] LMINE: HANNAH LAUREN SANCHEZ IVAN SABASTIAN VALDEZ