120

62 2 0
                                    

HANNAH POV

Dalawang linggo ang nakalipas, gawain ko lang ay trabaho sa office, pag-alaga Kay Sienna at dun sa aso ko, pinatingin ko si Sienna sa Doctor at maayos naman na ang katawan niya dahil may mga sugat ito dati pero naging maayos naman na. Tinuturuan ko lang siyang magbasa at magsulat sa pangalan niya.

Sienna Grace Sanchez.

Siya ang nagisip ng pangalan niya pero hindi ko pa nasasabi sa attorney ko na aampunin ko ang bata, natatakot kasi ako baka ayaw niyang maging Mommy niya ako.

"Madam andyan po kapatid niyo at pinsan, kasama po nila si Ma'am Rye"

"Papasukin mo nalang sila" tumango ito at bumaling ako kay Sienna na nilalaro ang aso ko. "Sienna, gutom kaba?"

"Hindi po" sagot nitong hindi tumitingin sakin.

"HANNAH!" Malakas na sigaw ng kung sino.

Pagtingin ko sa kung saan galing ang sigaw, napangiwi nalang ako pero lumapit narin para yakapin sila.

"Welcome me back!" Sigaw padin ni Rye.

"Hoy umalis kana pala sa Manager mo?" Tanong naman nitong Cy.

"Oo-"

"Bakit hindi mo sinabi saamin?" Pagputol niya.

"Eh kaya ko naman eh" kamot ulong sagot ko.

"Alam niyo huwag na kayong mag-away dahil may good news kami sayo" turo ni Rye sakin.

"Ano?"

"'Yung Manager mo, alam mo ba? Makulong na dahil may model na nagreklamo, ayun kulong ang Lolo niyo" pagchichika niyo.

"Mahal bakit mo naman ako iniwan dun!" Tumingin ako sa pamilyar na boses. "Hi Hannah" kangiting bati nito sakin.

"Hi" bored na pagbati ko pabalik sakanya.

"Grabe ah! Sumexy kalang pero ugali mo ganun padin" natatawang sabi ni Liam.

"Pinupuri mo ba ako o nilalait?" Pinagtaasan ko ito ng kilay.

"Hmmm..." Nagisip pang nakahawak sa baba nito. "Pwede namang both" saka ngumiti.

"Baka gusto mong makalabas dito na buhay" pagbabanta ko na dahil hindi na nga ito tatahimik kapag pinagpatuloy ko pa.

"Harsh mo naman" mabilis niyang sabi na nakahawak pa sa dibdib niya.

"Alam niyo tumigil na nga kayo, baka mamaya kung ano pangmangyari sainyo mga Ate at Kuya, is picking of Kuya, where's Kuya Ethan? At Camille" si Thalia.

"Ewan, baka may kinausap lang yata sa cellphone, baka papasok nayun-oh ayan na pala eh" nguso ni Rye kay Ethan na pa

"Sorry Darling, may sinagot lang akong tawag"

Darling? Psh dowow.

"It's fine, si Hannah oh"

"Oh Hi" ngumiti ito at nilahad ang kamay sa harap ko.

Kukunin ko na sana iyun para batiin rin pero bigla itong kinuha ni Cy.

Problema neto?.

"Wew selosa" dinig kong bulong ni Liam.

"Let's may binili pala kami for you, oh" binigay niya kaya kinuha ko naman ito.

"Mommy Hannah sino po sila?"

Kusang lumaki ang mata ko ng bigla kong narinig ang boses ni Sienna sa likod ko, tinatawag niya akong Mommy pero mas lalo akong kinabahan ng kumunot ang noo ng mga kaharap ko.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now