HANNAH POV
Dahan dahan akong humiga sa kama niya, nakatingin lang ako sa kisame, wala pading pinagbago ang kwarto, mabango at mukhang nalilinisan ito ng maayos, napaside ang ulo ko at saktong nakita ko ang isang box na kulay black, lumapit ako dun at binuksan ito, Wala siyang padlock kaya pwede kong bukas.
Ngayon makikita ko na lahat ng tinatago mo.
Pero ng pagbukas ko nakita ko dun mga picture ko, puro siya stolen picture at nakangiti pa ako, kusang lumuha nalang ang mata ko at napangiti, napatingin ako sa isang camera na maliit at mukhang necklace siya, pinindot-pindot ko ito at saktong napanood ko kung papaano ko siya sagutin.
"Lance?"
"Mm?"
"Kung sasagutin naba kita ngayon---"
"Talaga!"
Natawa ako dahil sa biglang pagsalita niya, kilala ko boses niya dahil sakanya din ito.
"Ano ba patapusin mo nga muna ako!" Kakunot na noong sabi ko.
"S-sige patapusin na kita ngayon"
"Ivan, Sabastian, Valdez, sinasagot na kita"
"I love you Hannah!... Mahal mo ko? Gusto kong marinig boses mo"
"Oo mahal nga kita" kangiting sgaot ko.
Pinatay ko ang camera at humiga nalang sa kama, kaya pala sinasabi nilang bawal pakialamanan ang gamit ng iba, kasi nasaktan lang ako.
Hindi na mamalayang pumipikit na ako at mukhang inaantok na nga.
"Hannah, sorry kung nasira ko promise ko sayo, promise babawi ako"
"Mahal"
"Babawi ako, patawin mo lang ako please" nagsimula siyang umiyak at yumakap sakin.
"Lance, mahal pa din kita" umiyak narin ako.
"Mahal mo ko?"
"Oo, Kasi diba papakasal pa tayo" kangiting sagot ko.
"O-oo papakasal tayo, tapos lilibutin natin buong mundo, pero pwede ring huwag na" natatawang sabi niya.
"Sira pero pwede din" pangsangayun ko. "I love you mahal" kangiting sabi ko.
"I love you too mahal" " Sabi din ni Lance.
"I didn't talk to you because I don't want to hurt you again" bulong sakanya at naiiyak na naman ako.
"Aray! Bakit moko sinampal!" Biglang sigaw ko at dun ko lang napagtanto na nanaginip ako.
"S-sorry m-may.....L-lamok sa pisngi mo" sagot naman nito.
"Tangaina ka!" Sigaw ko dahil sa sakit ng pisngi ko.
"Tangaina ka rin" mura niya sakin.
Tangina talaga neto.
Tumayo ako at nagpamewang sa harap niya. "Tch, you know what! Ganyan ba pagiging gentleman mo?"
"Eh ano naman sayo? Hindi ko nga maayos pakikitungo ko sa ibang babae, sayo pa kaya!"
"Paki ko! Basta ako masusunod, gagalangin mo ako ayaw at sa gusto mo, boss ako dito kaya ako sundin mo"
Tama ako boss dito kaya ayusin mo trato mo sakin.
"Ayoko nga, bakit naman kita susundin?" Nakataas ang kilay niya.
Lintek boss mo ako ginaganyan mo na ako.
"Seyempre boss mo ako!" Sigaw ko habang nakaturo sa sarili ko.
YOU ARE READING
Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)
Random[SEQUEL] LMINE: HANNAH LAUREN SANCHEZ IVAN SABASTIAN VALDEZ