115

47 3 0
                                    

HANNAH POV

"Madam bakit niyo naman ako iniwan dun" reklamo ni Trixie ng makarating kami ng hotel room namin.

"Sorry bigla akong hinila ni Axel eh-ohh sayo na" binigay ko 'yung box na binili ni Axel kanina.

"Nice Madam! Buti nalang may kapalit sa pagmumha ko sa camera kanina"

"Wait ano sabi mo?" Kakunot noong tanong ko.

"Madam hindi niyo talaga alam ang kung papaano ako nakalayas sa mga 'yun, ayaw paawat! Buti nalang andiyan si Malabs ko" kinikilig na sabi niya.

Napataas ang kaliwa ko labi sa sinabi niya, boyfriend niya siguro 'yun.

"Hoy Ikaw Trixie, sabihin mo nga sakin, ano mo ba 'yung Captain Miller nayun?"

"Boyfriend!" Agad na sagot nito.

"Boyfriend?" Paguulit ko.

"Yes Madam tagal na kami mga 5 years na"

Tumango nalang ako. "Bi-break din kayo" pabulong ko.

"Wow Madam apaka bitter mo!" Sigaw niya. "Kaya hindi ka nagkaka boylet eh" pabulong din niya.

"Hoy! May shota ako!"

"Abay sino naman Madam" nakapamewang pa.

"Oppa!"

"Ha?" Naguguluhang tanong niya.

"Oppa asawa ko, marami oppa gusto mo isa isahin ko pa"

"Hoy Madam ambisyosa ka, kahit koreana ka lang Madam pero hindi padin mapapasayo mga 'yun" saka ako tinalikuran ulit at kumain.

Oo nga 'no. Tama may point.

Humiga nalang ako sa kama ko at pumikit, hindi ako makatulog sa sitwasyon ko ngayon, lalo na ninakawan pa ako ni Axel ng halik kanina, hindi ko rin alam para saan 'yun.

Napahawak ako sa labi ko ng maalala ko ulit 'yung ginawa niya, malambot din naman labi niya pero bigla kong naalala si Lance, mababaliw na ako.

"Huuupp"

Napadilat ang mata ko sa narinig ko, pagkabangon na kita ko si Trixie na patakbo sa bathroom, agad ko itong sinundan hanggang sa loob ng bathroom.

Nagsusuka sa lababo?

"Hoy Trixie okay ka lang?" Inayos ko ang buhok niya para hindi malagyan ng suka niya.

Nag-hilamos na siya at nagpunas narin ng mukha sa ako tinignan, inalalayan ko siya papunta sa sofa pero hindi pa kami nakakalapit ay bigla na itong huminto.

"Madam nahihilo ak-"

"Hoy Trixie! Putek anong gagawin ko sayo!" Sigaw ko ng bigla itong nahimatay.

Inalog-alog ko siya saglit pero hindi padin siya gumising, tumakbo ako papunta sa labas at kumatok sa pinto nila Axel.

"Sagliiiiiit!" Sigaw ng nasa loob. "Ano ba-Madam Hannah" kangiting sabi ni Cap Miller.

"S-si Trixie na hinamatay please tulungan hindi ko alam gagawin ko" mabilis na sagot ko at tinuro ang pinto ng kwarto namin.

Nang narinig niya siguro ang Trixie bigla nalang itong tumakbo papasok sa kwarto kaya sinundan ko ito, inalog-alog niya si Trixie pero wala talaga.

"Hannah tumawag kana ng ambulance ako na magpupunta sakanya!"

Tumango nalang ako at magda-dial na sana pero biglang in-off ni Axel cellphone ko.

"Nakatawag na ako, alalayan nalang natin" sabi niya, saka tinulungan si Cap Miller saka bumaling sakin. "Stay here, I'll talk to you later"

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now