121

48 3 0
                                    

HANNAH POV

Maggagabi na at dun ko lang si Thalia maihatid sa bahay kasama si Sienna, pinilit lang naman ako ni Thalia na isama si Sienna sa bahay para may kasama ito sa bahay, pinark ko lang ang kotse ko sa labas ng bahay at isinama si Sienna sa loob dahil alam kong nagaalala na ang magulang ko kung bakit late na umuwi si Thalia.

"Mommy!" Sigaw ni Thalia.

"Anak bakit ngayon-" hindi niya natuloy ang sasabihin nito at tumingin ito saakin saka Kay Sienna na natutulog sa balikat ko.

"Ah Ate okay na ako, pwede ka ng umalis"

"Sige, Mom we have-"

"Anak pwede dito ka muna, maguusap lang tayo please"

"Sige pero saglit lang dahil tulog na itong bata"

Naglakad kami papunta sa sofa at dun ko nakita si Kuya na busy sa laptop niya, tumingin siya sakin pero binaling niya na ulit ang tingin sa laptop niya.

"Anak sorry dun sa ginawa ko dati, dun sa sampal na binigay ko sayo"

"Okay lang"

"Anak patawarin mo na ako please" pagmamakaawa nito.

"Okay lang ako Ma, hindi naman masakit"

Masakit hindi lang 'yung sampal.

"Kung ganun, babalik kana ulit dito?"

"Hindi maayos na buhay ko sa bahay ko, kaya okay na ako dun, lalo na may pinagkakaabalahan na ako"

"Ano?"

"Si Sienna, inapon ko na siya at ako na nagaalala sakanya kaya minsan narin ako nagpapakita sa office"

"Yeah I heard" biglang singit ni Kuya. "Mas inuuna mo pa 'yang batang 'yan kesa sa binigay sayo na dapat Ikaw ulit ang nagpapatakbo" dagdag nito.

"Anak-"

"No Mom, it's fine, at least she's busy with anything kesa sa company na binigay sayo-"

"Ano ba Kuya, marinig ka ng bata-"

"I don't care!" Sigaw nito. "Dapat kasi sayo mas iniintindi mo 'yang trabaho mo, hindi trabaho bilang baby sitter niyan" turo niya kay Sienna.

"Dada" bulong ni Sienna.

Tumingin ako sakanya at tulog padin ito, napakunot ang noo ko ng bigla niya itong kinusot ang mata at unti unting dinilat ang mga mata, saktong siyang napatingin kay Kuya, at si Kuya naman ay galit nakatingin sa bata.

"Where's dada, Mommy?" Tanong niya sakin.

"Dada?" Paguulit ko. "Ahh diba I said to you, Hindi pa ako nakahanap ng Dada mo"

"Dada" kangiting itinuro si Kuya.

"I'm not your Dada" seryosong sabi agad ni Kuya.

Pinakita niyang 'yung necklace niya at fun ko lang nakita na may picture si Kuya dun sa loob ng necklace at pinakita kay Kuya.

"Nathalia?" Hindi makapaniwalang sabi ni Kuya.

All this time alam niya kung sino ang totoo niyang tatay.

Tumingin ako kay Sienna at nakatingin lang ito kay Kuya na at may mga luha na sa mata niya, lalapit na sana si Kuya kay Sienna pero nagtago ito sa leeg ko at pinulupot ang kamay sa leeg ko.

"Alis na po tayo dito Mommy" dinig kong bulong nito sakin.

"Anak ko" pagsusumamo ni Kuya.

"Mommy alis na po tayo" naiiyak na sabi ulit ni Sienna.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now