I want you to be happy.

4K 50 2
                                    

Deanna has fully decided to go back home. Sa isip niya, iyun ang mas tama, pero sa puso niya, mag gugustuhin niyang makita siya. Siya lang.

Pero, mas malakas ang utos ng utak niya na pagalawin ang katawan niya para mag-empake. Dalhin lahat pati ang emosyon niya papuntang eroplano, pauwi ng Pilipinas. Wala na siyang pakialam kung natupi ba niya ng maayos ang damit niya o hindi. Ang alam niya lang, kapag hindi niya pa bilisan, mas bibilisan ng bugso ng damdamin niya na puntahan ang taong mahal na mahal niya.

Pero hindi tama. May mahal na siyang iba. Ang bukod tanging tama ay ang lumayo siya.

Nasa gitna siya ng pag-eempake at pagdidiskusyon ng isip at puso niya ng marinig niya ang sunud-sunod na katok sa pintuan ng hotel room niya. Naisip niya, baka si Ella na naman yun. Baka ipakiusap na naman ni Ella na huwag na siyang tumuloy sa SEA games at ipaubaya na lang ang oras na ito sakanila ni Jema. "Aalis na ako Ella. Ikaw ang pinili niya. Ikaw ang panalo." Masakit na sinagot ni Deanna ang sarili sa isip nya. Huminga siya ng malalim. Ayaw na sana niyang pagbuksan ang kung sino man na nasa labas ng kwarto niya dahil alam niyang si Ella yun. Pero kusang inilapit siya ng kanyang mga paa sa pintuan, at ang kanyang mga kamay naman ay hinawakan ang door knob. Bigla siyang kinabahan. Parang may kung anong kurot siyang naramdaman sa dibdib nya. Pagpihit niya sa door knob at makita kung sino ang nasa harapan niya, ay halos hindi siya makinga.

Jema....

Nagtama ang kanilang mga mata. Mababakas ang lungkot sa mga mata ni Jema, lungkot na may kahalong pangungulila. At galit? Alam na alam ito ni Deanna. Kabisado niya ang bawat galaw ni Jema, maski ang klase ng paghinga niya. Pero bakit siya galit? Yan ang tanong niya sa sarili niya.

"Aray!" Nasambit bigla ni Deanna ng bigla siyang sinipa ni Jema sa kanang paa niya.

"Akala ko ba hindi mo mailakad masyado ang paa mo sabi ni Coach? Bakit nakatayo ka pa, eh sinipa na nga kita?" Galit na sabi ni Jema sakanya matapos ang ginawa niya. Sabay dali-dali itong pumasok sa kwarto niya. Gulat na sinundan ni Deanna ng tingin ang babaeng mahal niya na padabog na pumasok sa room niya. Gulung-gulo siya kung bakit siya nandito at kung bakit galit siya.

"Itatapon mo na lang ba ang pangarap mo Deanna ha?!" Tuluy-tuloy na sabi ni Jema. "Di ba pangarap mo na makasali sa national team ngayon? Tapos ngayon, bigla-bigla kang may injury? At uuwi ng Pilipinas?"

Magkaharap na sila ngayon.

"Jema, ano'ng magagawa ko kung bigla na lang sumakit ulit ang paa ko?" Sa wakas ay nakakuha din ng lakas ng loob si Deanna na sagutin siya. Hindi lang niya sigurado kung maitatawid niya ang pagsisinungaling nya. Kung mapapaniwala niya si Jema na hindi siya ang dahilan ng pag-uwi niya. "Ayokong ako pa ang maging dahilan ng pagkatalo ng team natin. Mas mabuti na na ngayon pa lang, nakapagsabi na ako. Para makahanap na agad ng kapalit while the training hasn't started yet." Pagkasabi niya yun ay tumingin lang si Deanna sa baba. Akala mo'y may balon sa kinatatayuan niya. At kita yun ni Jema. Nakikita niya na hindi totoo ang mga sinabi nya.

"Hindi ako naniniwala. Nandun ako nung nagkaroon ka ng injury. Nandon ako nung nagpapagaling ka." Habang nagsasalita siya, ay nakayuko lamang si Deanna. "Nandun ako nung halos hindi mo yan mailakad hanggang sa nag-improve ka. Kitang-kita ko yung.... sakit na dinadala mo nun. Ako yung..." Nasundan ng hikbi ang boses ni Jema. Pag-angat ng ulo ni Deanna, tumambad sa kanya ang naluluhang si Jema. Nasasaktan ang taong mahal niya.. "Ako yung kasama kasama mo, kaagapay mo nung nagpapalakas ka. Kaya alam ko Deanna kung totoo o hindi ang sinasabi mong injury kay coach."

"Jema..." ang nasambit na lang ni Deana. Sinubukan niyang lapitan ito pero pinigilan siya ni Jema.

"Ako ba ang dahilan kaya ka uuwi na ng Pilipinas?" Tuloy na ang iyak nito. "Ako ba Deanna? Ako ba ngayon ang hadlang sa pangarap mo? Kasi ayoko..." naiiling iling siya habang tuluy-tuloy ang bagsak ng luha sa mga mata niya. "...ayoko na ako ang rason para di mo na gawin ang bagay na pinakamamahal mo."

Huminga ng malalim si Deanna. Tumingin siya sa taas. Pinikit ang kanyang mga mata, animo'y nag-iipon ng lakas para masabi ang nasa puso niya. Pagbukas ng kanyang mga mata, ang maamong mukha ni Jema ang sumalubong sa kanya.

"Ang pangarap ko?" Nangiti siya, isang malungkot na ngiti, ngiti ng pagkatalo. "Si Jema ang pangarap ko." Parang may magnet na humihila sa kanya papunta kay Jema. Unti-unti, humakbang siya papalapit sa kanya. " I played volleyball all my life. I have peaked. Yung pangarap ko na maging member ng magandang team, nakamit ko na. Etong SEA games? Pangatlo ko na ito." Isang hakbang na lang ang pagitan nila sa isa't isa. Tumigil si Deanna sa paglapit sa kanya. Tinitigan lang niya si Jema. Parang minememorise ang bawat detalye ng mukha nito. "Pero ikaw Jema, you are my dream." Sabay hawak sa pisngi nito. Napapikit si Jema sa pagdampi ng mainit na palad ni Deanna sa balat niya. "And I want you to be happy. Kahit alam ko na hindi ko maabot ang pangarap ko, gusto ko na maging masaya siya, maging masaya ka. If my being here will make you unhappy, or kayo ni Ella, ako ang lalayo. Ako ang magpapaubaya. You deserve the happiness Jema. Huwag na huwag mong hanapin sa sarili mo na kasalanan mo na hindi ako maglalaro. That's my choice. I stand by it. I am choosing you to be happy. Masaya na ako ng masaya ang pangarap ko. Hindi ko lang kaya na makita kang masaya kasama ng iba sa iisang lugar. I will be happy seeing you smile from afar."

Deanna closed their gap. Slowly, Deanna moved her lips closer to Jema's forehed. As Jema closed her eyes, Deanna planted a soft kiss on her forehead. Nang maramdaman ni Jema na lumayo na ang labi ni Deanna, pinili ni Jema na ipikit ang mata niya ng mas matagal. Ayaw niyang makita pa lalo ni Deanna ang pagbuhos ng luha nya. Unti-unti ding lumakad papalayo si Deanna. She can't bear staying with her in one room. Natakot siya na marinig mula kay Jema na mahal na mahal nga niya si Ella. She couldn't breathe, kailangan na niyang lumabas sa sariling kwarto niya. Pagmulat ng mata ni Jema, Deanna was already near the door. Palabas na siya ng pinto sabay sabing... "Goodbye Jema."

Pagsara ng pinto, dun na naramdaman ni Jema ang bigat ng puso niya, kasabay nun ang pag-agos ng ilog sa kanyang mga mata.

Gusto niya siyang habulin. Gusto niya siyang ikulong at lunurin sa yakap niya. Gusto niyang sabihing "Mahal na mahal kita Deanna! Ayaw kitang mawala uli!.  Gusto niyang ipaalala kay Deanna na siya ang pangarap nito. Si Deanna na kukumpleto sa puso at buhay niya. Pero pano? Paano niya ito gagawin kung nagpaubaya na ito para sa iba?

Mas mabigat pa ito kumpara nung naghiwalay sila. Ang makita si Deanna na ganun kaselfless kahit sobrang nasasaktan siya ay parang isang libong saksak sa dibdib niya. Ayaw niyang ganung nasasaktan si Deanna, ayaw niyang makitang nasasaktan ang nag-iisang taong pinakamamahal niya.

At higit sa lahat, ayaw niyang mawala sakanya ang taong pinapangarap nya na nag-aakalang mas masaya siya sa piling ng iba.

GaWong: I Choose YouWhere stories live. Discover now