Day Off

1.3K 37 2
                                    

Pinagmamasdan ni Jema ang maamong mukha ni Deanna habang ito'y mahimbing na natutulog sa tabi nito. Sa condo na niya sila natulog dahil late na silang nakauwi kahapon galing sa engagement party nila Lester at Caitlin.

Hindi pa rin siya makapaniwala na ang babaeng pinagseselosan niya ay makakasundo niya pala sa bandang huli. At si Caitlin din ang isa sa mga dahilan na nagkabalikan sila ni Deanna. Hanggang ngayon nga hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari kahapon. Nung akala niyang matutuldukan na ang kabanata ng buhay niya with Deanna, kabaliktaran ang naganap. They were given a new beginning, a new start to be together again.

Hinaplos ng banayad ni Jema ang pisngi ni Deanna habang masayang tinititigan ang makapal nitong mga kilay, cute na ilong at mapupulang labi nito. Pinapangako niya na papanindigan niya si Deanna kahit ano pang mangyari mula ngayon. Love is compromise. Kung noon ay napangunahan siya ng takot, ngayon ay mas matapang na siya. Gagawin niya ang lahat para sa pagmamahalan nila ni Deanna. This is their second chance and they promised that it will be worth it.

Dinampian niya ng matamis na halik sa labi si Deanna. "Good morning baby. I love you." bulong nito dito. Bahagyang ngumiti si Deanna, hindi alam ni Jema kung dahil ba nanaginip ito ng maganda o dahil narinig niya ang bulong nito dito. Pero pagkatapos nun ay balik tulog uli ito, sadyang napagod siguro siya kahapon.

Dahan-dahang bumangon si Jema. Suot nito ang loose white shirt at mini shorts. Nagdesisyon siya na magsimula ng magprepare ng breakfast para sa kanilang dalawa lalo pa't pareho sila ni Deanna na mabilis gutumin. Nagtungo na siya sa kusina at nagsimula na siyang maghanda ng pang-almusal.

Pinili niyang magluto ng itlog, spam, instant ramen noodles at fried rice. Wala sila parehong training ngayon kaya mamaya, mas makakapagluto siya ng mas masarap na ulam. Hindi niya pa alam kung may gustong gawin o puntahan si Deanna ngayong araw, but as long as they are together, sapat na yun kay Jema.

Kasalukuyang nagpriprito ng spam ni Jema ng maramdaman niya ang dalawang brasong pumulupot sa bewang nito. Kasabay nun ay ang pagdampi ng mainit na labi sa balikat nito. Napangiti siya dito. "Hmmmm.. Good morning baby." Pabulong na bati ni Deanna dito habang mahigpit pa rin ang yakap niya dito.

"Sarap namang pakinggan ang 'baby' na yan. Good morning baby. Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong niya dito.

"Haven't slept this good for months. Ikaw?"

"Hmmm.. ako din.." sabay tingin ni Jema dito.

"I love you, Jessica." Malambing na sabi nito habang nakatitig sa kanya.

"Mahal din po kita." Sagot naman ni Jema dito. Pagkatapos nun ay naramdaman na niya ang mainit na halik ni Deanna sa mga labi nito. It was just a quick kiss, but long enough to make Jema's heart flutter.

"Hmmm.. gutom na ba baby ko?" Pa-cute na tanong ni Jema.

"Super! Mas nagutom tuloy ako sa amoy ng mga niluluto mo." Excited na sabi nito, natawa naman ni Jema.

"Madali na lang 'to baby. How about you prepare na the table?" utos niya dito.

"Okay po. Just let me hug you for a little bit more." Masuyong sabi nito. Tumango na lang si Jema. Masaya din siya na mayakap ng taong mahal niya. Ramdam niya ang init ng pagmamahal niya mula rito. Makalipas ang ilang minuto ay pinakawalan na rin siya nito at nagtungo na sa lamesa para maghanda. Inasikaso na rin ni Deanna ang coffee nila pareho.

Nauna ng natapos kumain si Jema pero si Deanna ay masarap pa rin ang kain. Balak yatang ubusin lahat ng niluto ng girlfriend niya. Natatawa na lang si Jema habang pinapanuod niya ito.

"Gutom na gutom ang baby ko?" Masayang tanong niya dito habang pinipisil ang isang pisngi nito.

"Eh ang sarap kasi ng luto mo baby." Sabi nito bago sumubo ng pagkalaki-laki.

GaWong: I Choose YouWhere stories live. Discover now