Chapter 29

625 26 2
                                    

"So Gabby." Panimula ng pag-iimbestiga ni Jema sa kasintahan nito ng matapos ang party habang naghahanda silang matulog.

"Sus, baby ko naman oh. Nagseselos ka?" Nangingiting sabi ni Deanna sabay yakap nito kay Jema while brushing her hair.

"Naku Deanna Wong ha, huwag mo ako dinadaan sa pacute mo diyan." Pagtataray ni Jema sa kanya. "Makatingin sayo yung Gabby na yun, akala mo pinaglihi sa glue eh. Napakalagkit!"

"Hahaha. Hala, nagseselos nga po talaga ang girlfriend ko." Pangangantyaw ni Deanna sakanya habang mas lalo niyang hinigpitan ang yakap nya dito.

"Tse! Ako magseselos dun? Halos mamuti na ang face niya sa kapal ng make up eh. Tsaka teka nga Wong, may dapat ba akong ikaselos?? Ha?" Tanong nito kay Deanna bago ito humarap sa kanya na nakairap ang mata.

Huminga ng malalim si Deanna at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Jema. "Jessica, wala kang kailangang ikaselos kay Gabby. Wala po yun sa kalingkingan mo. Nagkagusto ba ako sa kanya? No! Siya malamang ang may gusto sa akin. Alam mo naman ang tipo ko. She didn't even come close, you are the only one Jema. Kung meron mang akong nagustuhan ng sobra, ikaw yun. Ikaw lang. Mahal na mahal kita." Mamaya ay sinserong sambit ni Deanna.

Naantig naman ang puso ni Jema. Di agad siya nakasalita. Pero naisip niya na huwag agad bibigay sa girlfriend niya. Pakipot lang muna ng slight.

"Arrrraaaay!" Pasigaw na sabi ni Deanna matapos siyang kurutin sa tagiliran ng dalaga. "Baby naman oh!" Pagproprotesta nito.

"Aysus! Daming drama Deanna! Kala mo ok na ako sa pasweet-sweet mo na yan ha! Baka mamaya biglang sumulpot na naman yang Gabby na yan!" Sunud-sunod na sagot ni Jema.

Kinulong uli ni Deanna ang kasintahan nito sa mga bisig niya. "Baby naman eh. Kahit namang sumulpot man yun kahit saan, I don't care. Eh kanina na nga lang, you easily took care of her behaviour. Kahit nagagalit ka ngayon, ako naman kinikilig. Kasi nararamdaman ko na pinagdadamot mo ako kasi mahal mo ako. I won't let her or anyone ruin this holiday. Kaya please baby, huwag na magtampo?" Panunuyo ni Deanna dito.

Nakahinga naman ng malalim si Jema habang yakap siya ni Deanna. Gumanti na rin ito sa yakap ng kasintahan. "Hmmmm.. Okay po. Sorry baby. Eh nakakainis lang kasi siya. Ayoko lang naman na umaaligid-aligid yun. Baka di ko siya matantya." Sabay ng mahinang tawa ni Jema pagkasambit niya yun. Natawa na din si Deanna sa turan nito.

"Haha. Ang cute mo Jessica. Cute mo'ng magselos. Pero hayaan na natin yun okay? Basta ako ang focus ko eh ang maenjoy natin, lalo ikaw ang Cebu." Sabay halik nito sa noo ni Jema.

"Hmmmm.. yes baby. Me too. Di ko lang talaga maiwasang di mainis kanina. Haaay. Mahal nga yata talaga kita." Malambing ng tugon niya kay Deanna.

"Hahaha. Yata ka diyan baby. Mahal mo ako. Sure na. At syempre, mahal din kita. Pakiss nga!" Sabay nguso ni Deanna kay Jema.

Tinulak naman ito ng dalaga at patakbong humiga sa kama. "Magtoothbrush ka muna baby. Amooooy ano eh..." pang-aalaska nya dito.

"Anong amoy ano ka diyan baby???" Sabay buga ng hininga ni Deanna sa palad nito. Tila di maipinta ang reaksyon niya pagkatapos ng ginawa niya.

"Hahahaha. Amoy alak ka Deanna Wong! Eeeewwww!!" Tawang-tawang sabi ni Jema dito.
Wala ng narinig na sagot si Jema kasi dali-dali ng pumunta sa banyo si Deanna para magsipilyo.

Di nagtagal ay tumabi na rin si Deanna sa girlfriend nito.

"Miss pwedeng pa-kiss?" Simula nito dito.

"Hmmm. Wala na ba tayong air pollution diyan?" Di pa din natatapos na pangangantyaw ni Jema dito.

Hindi sumagot si Deanna, bagkus as hinagkan si Jema gamit ang isang bisig nito sa bewang to restrain her pagkatapos ay sinimulan ng kilitiin ito.

"Ahhhhhh!! Nooooo!! Hahaha. Deanna Wong! Stop!!!" Tuluy-tuloy na protestan ni Jema dito.

"Anong sabi mo baby? Haha. Air pollution ba??" Tumatawang sabi ni Deanna habang patuloy pa rin sa pangingiliti sa nagpupumiglas na dalaga.

"No baby!! Please baby stop!! Ang bango-bango nga baby eh. Kahit wala ng toothbrush eh. Babbyyy! Haha. Tama na!!" Jema pleaded habang hinahabol ang hininga nito.

"Good! Madali ka palang kausap Ms Galanza eh. Now where's my kiss?" Sagot ni Deanna na kumalma na sa pangingiliti kay Jema.

"Hmmp! Kainis ka Deanna Wong!" Kunwari ay protesta ng dalaga dito.

"Aba. Ayaw pa din ng kiss?" Sabay taas ng isang kamay nito at sumenyas na kikilitiin na naman siya nito.

"Ahhh ehhh.. syempre kiss na baby!! Sus di ka na mabiro eh. Eto na oh. Mwwahh!" Hinalikan ni Jema ang pisngi nito, "Eto pa oh. Mwaah!", sa kabila naman at pinaulanan niya ng halik ang buong mukha ni Deanna. Huminto ito ng ang labi na lang ng dalaga ang di nadadampian ng halik niya. She caressed Deanna's face and looked at her peacefully.

"And of course, this." Pumikit si Jema at dahan-dahang hinalikan ang mga labi ni Deanna. It took few seconds before Jema's lips left Deanna's. "I love you Deanna." Bulong nito sa kasintahan pagkatapos ay hinagkan ito ng mahigpit.

"I love you too, Jessica."

————————————————

Hi guys! Sorry sa super duper late update! I hope you guys are all okay. And don't forget to watch PVL. :)

GaWong: I Choose YouWhere stories live. Discover now