The Hidden Chef

1.3K 28 1
                                    

Maghahapunan na nung dumating si Jema sa Laguna, namili pa kasi ito ng mga groceries at pasalubong para sa pamilya niya. Pinahintay muna niya ang Uber driver kasi di niya kakayaning buhatin lahat ng pinamili niya ng minsanan.

Sakto namang papalabas ng bahay si Mafe nung binubuksan ni Jema ang kanilang gate. Napatili ito. "Ate??! Ateeeeee!!" sabay takbo papunta sa gate ng masigurado niyang ang kapatid nga niya ito. Niyakap niya ito agad sabay alaskang sabi, "Bakit nandito ka na?? Nakick-out ka ba sa National Team? Sabi na eh. Ibang Galanza dapat kinuha nila eh." Mapang-asar na sabi ng nakababata nitong kapatid. "Sira-ulo!" Sabay tulak na sagot ni Jema. "Mamaya ko na ikwento, tulungan mo na muna akong ipasok tong mga pinamili ko. Sina mama nasa loob?" "Eh lumabas sila ate, baka pabalik na rin ang mga yun. May binili lang yata sila saglit." Tsaka sila sabay na pumasok sa tahanan nila.

Humilata agad si Jema sa sofa nila, medyo napagod din siya sa byahe at pamimili. "I miss our home!!" relax na relax na sabi ni Jema. "Wow! Maka-miss our home naman, akala mo naman kung ilang taon ng nangibang bansa. OFW ka te?" Nakapamay-wang na sabi ni Mafe. "So ano nga ate, bakit ka nandito?" Ulit na tanong nito. "Teka nga Mafe, sa tono ng pananalita mo parang dismayado kang makita ang napakagandang kapatid mo ah?" Kunwari ay galit na sabi ni Jema. "Tama at mali ang sinabi mo ate. Tamang dismayado ako, pero maling napakaganda mo." Napatawa pa ito ng malakas. Binato tuloy siya ni Jema ng unan. "Arrraaay naman!!"

"Buti nga sa'yo! Wala kang pasalubong! Mamaya ko na ikukwento, pag nakauwi na sina mama para minsanan na lang." Tumayo si Jema at kumuha ng malamig na tubig sa ref. Uhaw na uhaw nga pala siya, nalimutan niya ito simula ng asarin siya ng kapatid niya.

"Basta ate ah, bilisan mo magkwento mamaya. May lakad kasi ako." Medyo may pag-iingat na sabi ni Mafe. "Lalabas ka pa mamaya? San naman ang punta mo ha? Date? May date ka??" Mapang-imbestigang sagot ni Jema. "Wala! Basta sabihin ko na lang din mamaya pagkatapos ng kwento mo." "Ano nga??" Pamimilit ni Jema. "See! Kanina ikaw ang pinipilit na magkwento ayaw mo, tapos ngayon ikaw na ang namimilit, ikaw din tong galit. Pwes, manigas ka din ate." Sabat naman ng bata. "Nakkkuuuu! Kukutusan na kitang bata ka. Kung di ka lang talaga nagmana sakin eh!" Natawa na lang pareho ang magkapatid.

Maya-maya, narinig na nila ang pagdating ng kanilang mga magulang. "Ma, pa!" Sigaw ni Jema habang patakbong niyakap ang mag-asawa. "Jema!" Sabay yakap naman ng mga ito sakanya. "Tapos na ba ang training niyo anak? Di ba kakaalis niyo lang nung nakaraan?" Tanong ng ina nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sakanila. "Ikwento ko na lang po sainyo sa lamesa, may inuwi po akong Jollibee." Inakay niya ang mga ito sa hapag, habang nag-ayos naman ng mga pinggan si Mafe. Nasa trabaho naman ang panganay nilang kapatid na si Jovy.

"Bakit ka nga nauwi anak?" Tuloy na pagtatanong ng ama ni Jema dito habang sila'y naghahapunan. Tumigil bigla si Jema sa pagkain at tumahimik saglit. Parang iniisip niya kung paano niya sasabihin ang dahilan ng pag-uwi niya. Hindi naman lingid sa kaalaman ng pamilya niya ang tungkol sa relasyon nila ni Deanna. Kilalang-kilala nila ito bilang mabait, marespeto, mapagmahal at maalagang bata. Sinuportahan nila ang pagmamahalan nilang dalawa. Malaki ang pasasalamat ni Jema sa pamilya niya dahil tinanggap nila si Deanna. Ang hiling lang ni Jema noon ay ang pagtanggap din sana ng pamilya ni Deanna sa relasyon nilang dalawa.

"Uhmm.. Kasi po, ma, pa." Panimula nito. "May nangyari po kasi, at kinailangan kong umuwi agad."

"Ano'ng nangyari anak? May sakit ka ba?" Pag-aalalang tanong ng nanay nito.

GaWong: I Choose YouWhere stories live. Discover now