Goodbye Deanna. Goodbye Jema.

1.7K 27 0
                                    

Pagsara ni Deanna ng pintuan, hindi na niya napigilan ang pagragasa ng luha mula sa mga mata niya. Ang sakit. Alam niyang masasaktan siya, pero hindi niya naihanda ang damdamin niya sa ganitong klaseng pagkatalo. Ang di mapili ng taong mahal niya.

Dali-dali siyang naglakad..tumakbo.. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga paa niya. Hiling na lang niya, ay maipadpad siya ng mga ito sa lugar na malayo kay Jema, kay Ella, at sa lahat ng sakit na nararamdaman niya. Sa bawat hakbang ng pagtakbo niya, ay ang patindi ng patinding pagdurog sa kanyang puso.

"Ako ang talo. Lagi na lang talo." Sa isip at puso ni Deanna, ito lang ang paulit-ulit niyang naririnig. Parang sirang plaka. Bawat salita, animo'y pangungutya ang tinatapon sa kanya. "Talo ka Deanna. Talo ka."

Namalayan na lang ni Deanna na nasa rooftop na pala siya. Dama niya ang pagsapo ng hangin sa kanyang mukha. Kita niya ang kinang ng mga ilaw sa nagtataasang mga gusali. Ang dilaw at pulang ilaw mula sa mga sasakyan. Kung normal na gabi lamang ito, ang mga kumikislap na mga ilaw ay ikasasaya ni Deanna. Hindi ngayon. Isa lamang ito sa isang milyong memorya niya na kasama si Jema. Pareho silang narerelax sa city lights. Sa magulo pero parang mga kumikinang na bituin na itsura ng Maynila sa gabi pag nasa rooftop sila ng kanilang condo. Doon sila bumuo ng pangarap, doon nila tinuro ang mga gusaling paborito nilang puntahan, doon nila pinagmumura ang mga daanan na lagi na lang traffic, doon sila gumawa ng memories.

Ngayon, ang city lights ng Thailand ay nagsisilbi na lamang na mapait na paalala na hindi nya na lahat iyon magagawa kasama si Jema. Napatingin na lang siya sa langit. Walang bituin, madilim ang kalangitan. Naramdaman ni Deanna na mukang di naman siya mag-isa, kasi dinamayan siya ng langit. Sinabayan ng madilim na langit ang dinaramdam niyang pagkabigo.

——————————————————————————-

Napahagulgol si Jema pagrinig niya sa "Goodbye, Jema."

Seven months ago, ang tapang tapang niya na bitawan ang salitang iyon kay Deanna. Sa sarili niya, iyon na ang pinakatama at pinakamasakit na desisyon. Ang tuluyang paglagay niya ng tuldok sa relasyon nila ang napili niyang pinanindigan sa oras na yun. Hindi  niya kaya, pero kinaya niya. Ang alam niya, break up ang makakabuti sa kanila pareho. "Goodbye, Deanna."

Pero bakit ngayong siya ang sinabihan ng ganun, biglang ganito ang reaksyon niya? Bakit nung nanggaling na ito kay Deanna ay parang hindi na niya kayang panindigan ang parehong tapang na pinakita niya nung siya ang unang nagpaalam?

Nalilito siya. Ang pag-iyak at pagsabog ba ng dibdib niya ay dahil lang sa "Goodbye, Jema." O dahil naipon lahat ng sakit, panghihinayang at ang pagguho ng mundo niya mula nung sinabi nya ang "Goodbye, Deanna"?

Kung kanina nabibingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya sa mga sinabi ni Deanna, ngayon naman, nabibingi siya sa katahimikan sa loob ng kwarto ni Deanna. Tiningnan niya ang paligid ng room niya, medyo magulo, "Typical Daenna." ang nasabi nya sa sarili niya. Nakabukas pa ang dalawang maleta niya sa sahig, parang nadaanan ng ipo-po ang loob ng mga ito. Usually, maayos ang tupi ni Daenna sa mga damit niya pag may out of town sila nun. "Nagmamadali na siguro siya na makalayo sa akin." Malungkot na bulong ni Jema. "Saan kaya iyon nagpunta?"

Nakita niya ang isang pamilyar na jacket na nakasabit sa dining chair. Maliit ang hotel room ni Deanna, pero may enough space para sa maliit na dining set. Lumapit si Jema dito, iniangat niya ang nakasabit na jacket mula sa upuan. Tama nga siya, iyun nga ang jacket na binigay niya kay Deanna noon. May nalagay na boss baby na print sa harapan, lagi niya kasing tinutukso si Deanna na mataray at masungit na boss, pero malambing at cute cute na baby niya. Kulay itim ito, gaya ng halos lahat ng mga damit niya. Di nya matiis na di amoyin ang damit ni boss baby. Inilapit nya ang hoodie sa maliit niyang ilong. Yung scent na gustung-gusto niyang amuyin sa bandang leeg ni Deanna, yun na yun ang amoy ng hoodie na hawak niya. Natatandaan niya pa nun, ayaw niyang alisin ang pagkakayakap at pagkakasubsob nya sa leeg ni Deanna pag magkasama sila. Lagi niyang sinasabing "Ang bango bango naman ng boss baby ko na to!!" Sabay nakaw na halik sa leeg ng girlfriend niya. "Jemaaaa! Baby nakikiliti na ako! Tama na please!" Pagmamakaawa ni Deanna habang pigil ang tawa. "Last singhot na lang po Deanna Wong. Hmmmmmm.. Hmmmmmm.. Hmmm!!" Ayaw pa sanang tigilan ni Jema.. "Done na.. Done na! Done na Jessica!" Saway naman ni Deanna.

Nasa gitna ng pagbabalik tanaw si Jema ng pamansin ang isang sulat papel sa dining table. Kung hindi siya nagkakamali, ay parang sulat kamay iyon ni Ella. Naguluhan si Jema. "Bakit may sulat dito si Ella?" May iba siyang biglang naramdaman, at ayaw niya kung ano man yung nararamdaman niyang iyon. Kinuha niya ang papel at mas lalo niyang di maintindihan kung bakit ganun ang sinabi ni Ella.

" Deanna. Can we talk? This is about Jema and me. Meet me tomorrow at the park. 9:00am. -Ella"

"Bakit gusto kausapin ni Ella si Deanna? Tungkol sa aming dalawa?"

Parang biglang may jigsaw puzzle na lumitaw para mabuo na ni Jema ang tanong sa isip niya. May sinabi ba si Ella para piliin ni Deanna na umalis sa SEA game? Kaya ba nagpaubaya at nagpaalam si Deanna dahil may nasabi sa kanya si Ella?

Mas lalong nanlumo si Jema sa samu't saring tumatakbo sa isip niya ngayon. Kailangan kong makausap si Ella. Mabilis pa sa alas kwatro ang pag-alis ni Jema sa room ni Deanna. "I want to know what happened! Anong sinabi mo kay Deanna, Ella?!" Sigaw niya sa isip niya.

GaWong: I Choose YouWhere stories live. Discover now