Holiday Jealosy

1.2K 29 4
                                    

On their way home to the Wong's residence, hindi naubusan ng kwento ang magkapatid na Nix at Cy sa bawat madaanan nilang tourist spots at mga kainan. Jema could only feel super welcomed, and that fact makes Deanna extra happy.

Two-storey house ang tahanan ng mga Wong. Modern ang design nito, may dark brown, white and gray ang pintura sa exterior nito. Prominent din ang malaking glass wall sa harapan ng bahay nila, kita ang high ceiling sa loob ng receiving area nila at ang sophisticated nilang chandelier.

Pagkapasok nila sa loob ng bahay, kita ang pagkaelegante nito but it was still very homey. Halata ding mamahalin ang mga kasangkapan nila. Open plan ang dining at lounge area nila. The kitchen is beautiful and tidy. May malaking counter din doon, bagay kay Mrs Wong dahil mahilig talaga itong magluto.

"Welcome to Cebu, Jema!" Pagbati ni Mrs Wong na kasalukuyang nasa kusina, maya pa ay lumakad na ito papalabit sa kanilang bisita. She hugged Jema and then Deanna.

"Thank you po tita. Asan po sina tito?" Tanong nito sa ginang.

"Oo nga mommy, nasan sina dad and the boys?" Hirit din ni Deanna.

"They are setting up the barbecue for your inuman session tonight diyan sa veranda." Walang kagana-ganang sagot ni Mrs Wong.

Nagkatinginan naman ang magkasintahan, si Deanna medyo ngumingisi.

"Naku si mommy naman, hayaan niyo na si dad. Ngayon na nga lang po kami makakapagjamming uli." Malambing na sabi nito sa ina.

"Ay naku Jema, pagsabihan mo nga itong si Deanna na huwag ng kunsintihin pa ang tito mo. May highblood pa naman yun." Pagsusumbong nito sa dalaga.

"Oh 'by, rinig mo si tita ha? Hinay-hinay lang kayo mamayang gabi. Baka mamaya eh malasing ng sobra si tito, lagot ka kay tita." Pagpapaalala ni Jema kay Deanna.

"Naku, lagot na. Dalawa na ang kumander." Mahinang sabi ni Deanna.

"Araaaaay!" Medyo pasigaw na sabi ni Deanna pagkatapos siyang kurutin ng mommy nito sa tagiliran. "Mommy naman eh!"

"Sus, batang to. Kahit kailan, ang kulit!" Turan ni Mrs Wong.

Natawa naman si Jema sa mga ito. Maski sa bahay pala nila ay sadyang pilyo din si Deanna.

"Gutom ka na Jema?" Tanong nito sa dalaga.

"Ehem.. mommy, ako gutom." Singit ni Deanna.

"Tse. Dun ka sa daddy mo. Inom gusto niyo di ba?" Pang-aalaska nito sa anak.

"Kaya nga baby, dun na kayo sa alak. Pero opo Tita, gutom na nga po ako. Mas lalo po ako ginutom sa masarap na amoy ng niluluto niyo." Kunwari ay pagtataboy din ni Jema sa girlfriend nito.

"Hala sila. Nagkampihan na. Dadddddyyyy! You're favorite daughter is here! Mom hates us both!" Pasigaw na sabi ni Deanna habang umiiwas sa nagbabadyang hampas ng kanyang ina sa braso nito.

"Deanna Wong!! Mana ka talaga sa daddy mo!" Pahabol nito sa tumatakbong anak.

"Pasensya ka na Jema ha, maingay talaga dito sa bahay lalo na pag nandito si Deanna. Batang yun talaga."

"Hahaha. I kinda expected na po tita, sobrang kulot talaga niya." Natatawang sagot ni Jema.

"Hay, oo nga. Pagod ka sa byahe? Upo ka muna doon while I prepare the table." ika ni Mrs Wong.

"Please let me help you po tita, hindi po ako pagod." Magalang na sagot ni Jema dito.

"Sure ka hija?"

"100% sure po tita."

Masayang nagsalu-salo ang pamilya Wong kasama si Jema. Napuno ang tahanan nila ng tawanan at asaran. Syempre, busog din ang lahat dahil masasarap ang mga hinandang pagkain ni Mrs Wong.

GaWong: I Choose YouWhere stories live. Discover now