Under the Night Sky

1.2K 32 6
                                    

Nagdaan ang mga araw na ang mga ngiti sa labi ni Jema ay dahil sa iisang tao. Si Deanna.

Naging consistent naman ito sa pangako niya na maghihintay hanggang sa maging handa uli si Jema na ibigay ng buong-buo ang puso niya. Alam niyang mahal siya nito, pero naiintindihan niya ang pag-aalinlangan ng dalaga. They have been through alot before, mainly dahil sa pamilya ni Deanna.

Parang may isang masugid na manliligaw si Jema. Walang mintis ang pakilig moments ni Deanna dito.

Bouquet of sunflowers- Checked.

Chocolates- Checked.

Panliligaw sa magulang- Checked.

Date sa labas- Checked.

Lutuan sa bahay- Checked, para sa effort. Hindi naman kasi talaga nagluluto si Deanna.

Panliligaw sa mga kaibigan- Checked.

Panliligaw kay Mafe- Hindi na kailangan. Botong-boto na kasi ito kay Deanna.

Wicked wings- Checked.

Hatid-sundo- Super checked.

Pag-iintindi sa mood swings niya. - Checked.

Ramen. - Checked.

Paghalik sa noo nito. - Checked.

Pagyakap. -Checked.

Halik sa labi. - Checked, more please. Haha.

"Ano pa ba kulang mare? Ano pa hanap?" Tanong ng other self ni Jema.

Nangingiti na lang si Jema, paano ba naman kasi, alagang-alaga siya ni Deanna.

Halos alas osto na ng gabi ng matapos ang training nila Jema. Matiyaga namang naghihintay si Deanna sa may bleachers. Proud na proud ito kay Jema, napakagaling naman talaga nito sa volleyball. May pahiyaw-hiyaw pa ito kapag nakaka-score si Jema. Tumatawa na lang si Jema kapag naririnig niya itong nagchicheer.

"Aysus. Yang ngiti mo Jema abot na hanggang Laguna! Pakipot din minsan Jessica!" Pang-aasar ni Kyla.

"San ang ngiti ha?" Sabay poker face bigla nito sa kaibigan. "Inggit ka lang eh, wala kasi si Dylan mo para magcheer." Bawi nito ditong natatawa.

"Tse! Batuhin kaya kita ng bola?" Asar talong sagot ni Kyla.

"Ingat ka Ky, babato mo sakin? Iispike ko yan pabalik sayo. Hahaha." Sabay irap kunwari ni Jema.

"Cooooooaaacccch! Si Jema oh!" Sumbong ni Kyla. Si Jema na tuloy ang nambato ng bola sa kaibigan. Nagtawanan na lang sila pagkatapos.

Tampulan ng asaran si Jema sa locker ng team nila, syempre dahil sa panliligaw uli ni Deanna sakanya. Lahat naman sila ay gusto ng magbalikan uli ang dalawa, si Jema na lang talaga ang hinihintay.

"Bilib naman talaga ako kay Deanna, perfect attendance sa paghatid-sundo sa team mate natin ah." Simula ni Alyssa.

"Ayiiiieeeeeee!!!!!" Parang choir dahil sa pagkakasabay-sabay na sabi ng team mates niya.

"Mas bilib ako kay Jema!" Sagot naman ni Jia. "Kasi kahit super effort na si Deans eh nata-tiyaga pa talaga niya. Kailan ba Jema?" Tanong nito. Naghintay naman ng sagot ang lahat ng tao na nasa locker nila.

"Eh darating din tayo dun ate. Syempre second chance na ito, so dapat okay na talaga ang lahat before uli maging kami. Alam niyo naman, parang telenobela ang lovelife ng lola niyo nun." Sagot nito sakanila.

"Hmmmm.. sabagay. May point ka diyan mare." Singit ni Aby. "Pero malakas ang feeling ko na, tama na talaga ito. Diiizzz izzz it shwishyyyy!! Kasing haba na talaga ng hair mo si Rapunzel!!" Pumapalakpak na sabi ni Aby.

GaWong: I Choose YouWhere stories live. Discover now