*** Play the music before reading.. ❤️
Eight months ago......
Kagaya ng ibang relationships, sinubok din ang pagsasama ni Deanna at ni Jema. Dahil pareho silang kilala bilang volleyball players mula nung college pa sila, hindi maiwasan na maging topic sila sa social media. Bawat galaw nila ay binibigyan ng kahulugan. Kung sana lang ay magaganda lahat ang nakukuha nilang mga komento, okay na okay sana, pero hindi talaga maiiwasan na may masabing hindi maganda ang ibang tao. Naiintindihan naman ito ng dalawa, noong una, ito ang mga pinag-aawayan nila pero natuto na rin silang balewalain ang mga bad publicities dahil alam naman sa sarili nila ang totoo.
Kahit na nakapag-adjust na rin sila sa mga tsismoso at tsismosa sa paligid nila, may mga pagkakataon pa rin na nasasaktan sila, lalo na si Jema.
Parang istorya sa pelikula ang kwento ng dalawa. Si Jema ay galing sa payak na pamumuhay. Sanay sa hirap at ang gusto ay ang makatulong para maiahon din ang pamilya bito. Ang pamilya naman ni Deanna ay mas nakakaangat sa buhay. Sa Ateneo nag-aral si Deanna, pero ito ay nanatiling tahimik, mahiyain at humble. Hindi siya gaya ng ibang mga Atenista na mahilig lumabas at gumala. She is a home-buddy. Higit sa lahat, hindi niya pinaparamdam kay Jema na mas mababa ito sakanya. Walang arte ito kapag bumibisita sila sa pamilya ni Jema sa Laguna. Kaya hindi naging mahirap sa mga magulang at kapatid nito na tanggapin at mahalin.
Alam naman na noon pa ni Jema ang kaibhan ng mundo nila ni Deanna. Pero hindi mo talaga siguro mapipigilang mahulog sa isang tao, kung siya na talaga ang napili ng puso mo. May nakapagsabi na sa kanya sa Twitter na user daw siya, kaya siya nakipagrelasyon kay Deanna. Wala ito sa isip o plano ni Jema. Magaling at kilala na rin ito bago pa man naging sila ni Deanna. Marami ang humahanga dito, hindi lamang sa galing nito sa volleyball kundi dahil sa ganda nito, kabaitan at pagka-humble. Pinagtatanggol din siya ni Deanna. Si Deanna ay tahimik pero dahil sa galing at appeal nito, marami ang nagkaka-crush dito. Siya ang laging dahilan ng pagtili ng mga tao na nanunuod sa court.
Dahil dito, hindi rin matanggal ang mga posts sa social media na naglilink kay Deanna sa iba. Alam naman ni Jema na noon pa, malambing na si Deanna sa mga kaibigan nitong mga babae, lalo sa team nila sa Ateneo. Hindi naman ito naging issue sa kanila, maliban na lang sa mangilan-ngilan na nakikita ni Jema online na minsan, kinaiinisan niya. Hindi naman nagkulang si Deanna sa pagpaparamdam sa kanya na siya lang ang mahal niya at gustong makasama nito. "Bakit kasi, daming gustong umangkin sa baby ko?" Yamot na isip nito basta may nakikita sa Twitter.
Kung may isa mang sumubok at patuloy na sumsubok sa relasyon nila, ay ang pamilya ni Deanna. Bilang may lahing Chinese at pagiging Katoliko ng mga ito, naging mahirap ang pagtanggap nila kay Jema. Nakakalungkot dahil kabaliktaran ang nangyari sa pamilya ni Jema para kay Deanna. Sa unang pag-amin ni Deanna sakanila, hindi maiwasang napagsabihan ito ng kanyang mga magulang. Masakit ito kay Deanna, pero alam niyang mas masakit iyon kay Jema at sa pamilya niya. Nagpapasalamat na lang siya dahil mahaba at malawak ang pag-intindi ni Jema. Buti na lang, ang mga kapatid nito ay naghayag ng suporta sa dalawa, na hangad nila ang kaligayahan ng kanilang kapatid at ng napili nitong mahalin.
Gusto mang ipakilala ng personal ni Deanna si Jema sa kanyang mga magulang, pero matindi ang pagtanggi ng mga ito. Minsan, nag-iiyakan na lang ang magkasintahan dahil dito. Minsan, napanghihinaan na ng loob si Jema, pero patuloy ang paglaban ni Deanna para sa kanilang dalawa. Kinukurot ang puso ni Jema tuwing ipinapagtanggol siya ni Deanna, "Mahal nga niya ako.". Kung may tanging hiling si Jema ng mga panahong iyon, yun ay ang pagtanggap nila sa gusto ni Deanna, at ang pagtanggap din sa relasyon nila.
"Baby, sorry ha. Sorry na natatagalan yung sa pamilya ko." Bulong ni Deanna malapit sa ulo ni Jema habang magkayakap sila sa sofa ng kanilang condo. "Nahihiya na ako sa'yo at sa pamilya mo." Patuloy nito. "Sana hindi ka mawalan ng pasensya sa akin hanggang sa maayos ko ang lahat." Sabay ng paghigpit ng pagkakayakap niya dito.
YOU ARE READING
GaWong: I Choose You
RomanceThe Queen Falcon and the Queen Eagle. This is fiction, na sana maging makatotohanan. #Gawong Walang akong maisip pa na synopsis guys. Pakibasa na lang ang part 1. Hehe. Parang synopsis na rin ito ng story.