For a few seconds, yung takot na naramdaman ni Jema tungkol sa aksidente ni Deanna ay napalitan ng ibang pakiramdam. Selos?
Oo. Selos na makita si Caitlyn sa tabi ni Deanna. Kung sa typical na araw sana ito nakita ni Jema, malamang ay matagal na siyang lumayo sa dalawa. This time, iba ang sitwasyon. Makita man niyang may ibang babae malapit sa taong mahal niya, hindi siya aalis. She has to see Deanna no matter what happens.
Kahit ramdam niya ang selos, pagtataka at kaunting galit, mas pinili ni Jema na maghintay. Hintayin ang tamang oras para malapitan niya si Deanna, gaano man katagal ang abutin nito. Nagdesisyon siyang pumunta muna sa may reception, may mga mini stores kasi dun. May nagbebenta ng meryenda, bulaklak at may..... Starbucks!
Naalala niya na sobrang hilig ni Deanna sa kape, lalo na ang caramel macchiato. Nagdecide si Jema na magorder ng venti CM, "Kahit maamoy man lang niya ang paborito niya." isip niya. Pagkakuha niya sa order nito sa Starbucks, nagdesisyon na siyang bumalik sa room ni Deanna, nagbabakasakaling wala na si Caitlin.
Tila narinig naman ng langit ang hiling niya, yung taong gusto niya lang na makita ang nandun, payapang natutulog. Unti-unti niya itong nilapitan. Parang kinurot ang puso ni Jema habang pinagmamasdan ang mukha ni Deanna. May bandage ito sa ulo. May kaunting gasgas sa kanang pisngi niya at medyo maga ang babang labi niya. Bigla tuloy naalala ni Jema na mahilig kagatin ni Deanna ang labi niya, it's her habit. Habit na paboritong nakikita ni Jema, minsan kasi sinasadya ng gawin iyon ni Deanna kapag magkasama sila kasi nagpapacute o kaya ay nang-aasar. Kahit na medyo swollen ito, maganda pa ding tingnan si Deanna.
Dahan-dahan niyang inilapag sa side table ang kape at inilapit ang upuan sa tabi ng kama ni Jema. Marahan siyang umupo. Matapos ang masaksihan niya kanina bago siya pumasok sa kwarto ni Deanna, ayaw niyang magising niya ito. Hindi niya napigilang haplusin ang maamong mukha ni Deanna. "I'm sorry." panimula nito habang unti-unting namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata, "kung sana pinigilan ko ang pag-uwi mo hindi ka sana nadisgrasya." Inabot nito ang kamay ng dalaga, hinawakan ng mahigpit at inilapit sa kanyang pisngi. Gusto niyang ipadama dito na nandun siya sa tabi niya, na takot na takot siyang mawala siya at higit sa lahat, ang ipadama ang pagmamahal niya.
"Kailangan mong gumaling. May mga tournaments ka pa di ba? Dami-dami mo pang gusto puntahan." Pinahid niya ang luha nito at tiningnan muli si Deanna. "Gustung-gusto kong sabihin sa'yo na mahal na mahal na mahal kita. Gusto kong marinig at malaman mo na hindi yun nagbago. I'm sorry na nagmatigas ako. Mahal na mahal kita Deanna." Hinalikan ni Jema ang kamay nito habang nakapikit. Sinundan ito ng pagyuko niya. Parang natatakot sa mga susunod niyang sasabihin. "Pero, kung sa paggising mo ay handa ka na talagang talikuran ang lahat gaya nung sinabi mo sakin sa Thailand...... at kung may dumating ng bago sa buhay mo... o kaya ay simula mo ng mahanap yun kay Caitlin... tatanggapin ko yun kahit mahirap." Patuloy ang pagpatak ng mga luha ni Jema. "Ang mahalaga sa akin ngayon ay gumaling ka. Na makabalik ka sa dati. At maging masaya ka dahil deserve mo 'yun. Kahit.... Kahit hindi mo na ako piliin, tatanggapin ko yun."
Ang makita ang taong mahal niya sa ospital ay mabigat na sa dibdib, pero ang ipaubaya ito sa iba gumaling lang siya ay parang pagdurog sa puso niya ng paulit-ulit. Naisip ni Jema na baka ganito rin ang naramdamang sakit ni Deanna nung nagpaubaya siya para kay Ella. Ang sakit-sakit.
Tumayo na si Jema para magpaalam kay Deanna. Inilapit niya ang mukha nito sa dalaga at marahang bumulong. "Mahal na mahal kita Deanna Wong." Inilapat niya ang labi nito sa pisngi ng dalaga at hinalikan ng marahan. "Mahal kita." pag-ulit nito. Pagkatapos nun ay tinungo na niya ang pintuan. Tiningnan niya uli si Deanna bago nito isara ang pinto, pagkatapos nun ay tuluyan na siyang umalis sa ospital. Babalik na lang siya uli bukas para icheck si Deanna.
YOU ARE READING
GaWong: I Choose You
RomanceThe Queen Falcon and the Queen Eagle. This is fiction, na sana maging makatotohanan. #Gawong Walang akong maisip pa na synopsis guys. Pakibasa na lang ang part 1. Hehe. Parang synopsis na rin ito ng story.