Sa hotel room nila na nakita ni Jema si Ella. Silang dalawa ang naging roommates mula nung lumipad ang National Team papuntang Thailand.
Si Ella ang nagsilbing ate ni Jema noon, lalo na nung naghiwalay sila ni Deanna. Siya lagi ang kasama nito habang umiiyak siya. Si Ella ang tagapakinig niya sa lahat ng sakit at pangungulila niya kay Deanna. Kaya malaki ang pasasalamat ni Jema dito. Kumbaga, she helped her to feel better.
Noong sila pa ni Deanna, maya't maya ay tinutukso siya nun ng girlfriend niya na parang may crush sa kanya si Ella. Hindi na lang ito pinapansin ni Jema kasi ate talaga ang turing niya rito. Pero totoo nga siguro ang gutfeel ng dati nitong karelasyon. Few months after their breakup at matapos maiiyak na halos lahat ni Jema ang lungkot na nadarama niya, bigla bigla namang umamin si Ella sa kanya na nahuhulog na daw ang loob niya dito. Ayaw naman niya itong paasahin at noon din ay sinabi niya na hindi niya kayang ibigay ang gusto niya. Lalayo na dapat si Jema sa kanya, pero nangako naman si Ella sa kanya na kakalimutan niya ang yugtong iyon sa kanilang pagkakaibigan. Ayaw kasi ni Ella na lumayo at masira ng tuluyan ang nabuong relasyon nila. Unti-unti, nawala din ang awkwardness sa pagitan nila. Mas lalo tuloy natuwa si Jema dahil alam niya na talagang kaibigan lang talaga si Ella para sakanya.
Pero lahat ng iyon ay biglang nag-iba mula ng makita ni Jema ang sulat na ginawa ni Ella para kay Deanna. Kailangan niyang malaman ang totoo.
At nasa harap niya na ito ngayon. Heto, si Ella. Nakaupo sa may balcony table sa hotel room nila. Kinakabahan si Jema sa paglapit niya dito. Natatakot siyang marinig ang mga sasabihin niya. Una para kay Deanna at pangalawa, para sa pagkakaibigan nila.
"Oh nandiyan ka na pala." Bati ni Ella sakanya. "San ka nagpunta?" Ayaw sanang tumingin ng diretso ni Jema sa mga mata ni Ella dahil makikita niyang mugto ang mga ito. Pero kailangan niyang makita ang reaksyon nito kapag tinanong na niya ang tungkol sa sulat na nakita niya sa kwarto ni Deanna. "Umiyak ka ba?" Pag-aalalang tanong ni Ella, sabay lapit sa kanya. "Ate Ella..." Sa wakas ay nakapagsalita din si Jema. Tinitigan lang siya nito, animo'y inaantay ang susunod niyang sasabihin.
"Nag-usap.... Kinausap mo ba si Deanna?" Medyo may pag-aalinlangang tanong ni Jema. Biglang nag-iba ang itsura ni Ella pagkarinig ng tanong na yun. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. "N..nagkausap ba kayo? Anong sinabi niya sa'yo?" "Sagutin mo ako ate Ella, kinausap mo ba siya?" Umiwas si Ella, lumayo ito sakanya at dumiretso sa may kusina. "Hindi ko alam ang sinasabi mo." "Ate Ella! Sabihin mo naman yung totoo please!" Medyo napataas na ang boses ni Jema dahil gusto niya talagang malaman kung anong nangyari sa kanila. "Kung anuman ang sinabi sayo ni Deanna, hindi yun totoo." Pangangatwiran ni Ella.
"Liar." Sigaw ng isip ni Jema. Ayaw niya itong kumprontahin agad at baka mas lalo itong di umamin sakanya. "Nakita ko yung sulat mo kay Deanna. Anong kailangan niyong pag-usapan na patungkol sa ating dalawa?" Pabaling-baling ang tingin ni Ella sa kusina, parang hindi alam kung saan niya itatago ang mukha niya. "Jema, please wag kang maniwala kay Deanna." "Wala siyang sinabi sa akin. Hindi niya nabanggit na nag-usap kayo. Yung...." nagsimula ng mangilid ang luha ni Jema. "Yung sulat mo, nakita ko sa table ni Deanna. Bakit ate Ella? Para saan yun? Hindi ko maintindihan."
"Makinig ka sa akin Jema." Sinabi iyon ni Ella habang papalapit ito sakanya. Gusto niyang hawakan ang mga kamay nito, pero umiwas si Jema. Ang gusto niya lang ay marinig ang totoo. "Please Jema. Huwag kang magalit sa akin." Pagsasamo nito sa kanya. "Ate, huwag mo sana ako bigyan ng rason para magalit sayo. Ang gusto ko lang, maging malinaw sa akin ang lahat. Ano'ng nangyari?"
"I'm sorry Jema." Nakayokong sabi ni Ella. "Sorry saan?" Kinakabahang sumbat ni Ella. Patuloy lang na nakatingin si Ella sa baba. "Sinabi ko kay Deanna na hayaan na lamang tayong dalawa. Na kung talagang nirerespeto niya ang desisyon mo noon, hahayaan niya tayo pareho sa..... sa relasyon natin..." Halos pabulong na sambit ni Ella. Parang nabingi si Jema sa narinig niya. "Pinakausapan ko siya na ibalato na lang itong SEA games para sa oras ko sayo, natin pareho. Na ayokong may iniisip kang iba, na may ibang iisipin pa ang girlfriend ko. I'm..... I'm sorry Jema." Iniangat ni Ella ang ulo niya para makita ang reaksyon ng dalaga. Hindi nga siya nagkamali. Sinalubong nga siya ng galit ni Jema.
"Natin? Girlfriend? Tayo ate Ella?!!" Halos itulak ni Jema si Ella sa sama ng loob nito sa kanya. "Jema sorry! Inunahan ako ng takot at selos! Natakot ako na mawala ang pinagsamahan natin dahil nandito na naman si Deanna!" Pangangatwiran ni Ella. "Hindi mo kailangang mag-imbento ng kung anu-ano para makuha yun ate Ella! Kaibigan kita, hindi yun magbabago dahil sa nandito si Deanna! Pero iba ang ginawa mo! Pinagkatiwalaan kita! Hindi mo ba alam ang epekto ng mga sinabi mo kay Deanna? At sa akin? Napakaselfish mo naman ate! Si Deanna itatapon ang opportunity na ito sa career niya dahil sa pagsisinungaling mo!" Mataas na ang boses ni Jema. Wala na siyang pakialam sa kung sino man ang makarinig sa kanya. Basta ang alam niya, galit siya at kailangan nya itong ilabas. Dahil kung hindi, sasabog siya. "Sorry Jema.. I'm sorry!" Nagmamakaawang sabi ni Ella. "Hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko sayo ate Ella. Nadurog ang pagtitiwala ko sayo. I didn't expect this from anyone, especially you!" "Jema...."
"Please ate Ella, umalis ka na. Gusto kong mapag-isa. Ayoko ng marinig pa ang iba pang pangangatwiran mo." Pagtataboy ni Jema.
"Pero Jema..." sagot nito. "Umalis ka na please!!" Pasigaw na sambit naman ni Jema. Wala ng nagawa si Ella kundi sundin ang hiling nito. Para siyang natalo sa sugal.... Sabagay, matagal naman na siyang talo sa sugal ng pag-ibig. Talo siya ni Deanna sa puso ni Jema.Nang makaalis si Ella, parang nawala lahat ang lakas ni Jema kakaiyak, kakasigaw at kakaisip sa nangyari.... At kakaisip kay Deanna. Sa dami ng mga bagay na tumatakbo sa isip niya, pinili niya munang mahiga sa kama. Nagsimula na namang tumulo ang mga luha niya. Maya-maya'y, nakatulog na ito. Naitulog niya ang pagod at sakit.
Paggising ni Jema ay umaga na. Sa sobrang pagod na nadama niya kahapon, napahaba din pala ang tulog niya. Alas syete na ng umaga ng magising siya. Hinawakan nito ang ulo niya, pumikit uli habang iniisip kung totoo ba ang lahat ng nangyari kahapon. Makalipas ang ilang minuto, napabalikwas siya. Biglang bumilis ang pintig ng puso niya. Muling bumalik ang sakit sa dibdib niya. Isa lang ang unang pumasok sa isip niya. Ang puntahan at kausapin si Deann.
Halos hingalin na siya kakatakbo papunta sa kwarto ni Deanna. "Please Deanna, hintayin mo ako." Pagkarating niya sa may pintuan ng room 315, nag-ipon muna siya ng lakas ng loob bago kumatok.
Unang katok. Walang sagot. "Siguro tulog pa siya."
Pangalawang katok. Walang sagot. "Baka nasa banyo pa."
Pangatlong katok. Walang sagot. "Nandyan siya, ayaw ka lang niyang pagbuksan."
Pang-apat. Panglima. Pang-anim. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang kumatok at tawagin ang pangalan ni Deanna, pero wala pa ding iniluluwa ang pintuan sa harapan niya. Maya-maya, may lumapit na hotel staff. "I'm sorry ma'am. But Ms. Wong left few hours ago." Pagkarinig iyon ni Jema ay bigla na lang itong umiyak. Nagulat naman ang staff sa reaksyon ng dalaga."Gusto kong umuwi ng Pilipinas. Kailangan kong makausap si Deanna. Kailangan niyang malaman ang totoo." Iyun ang paulit-ulit na sinisigaw ng utak ni Jema. Pero paano niya ito magagawa? Paano ang SEA games? Alin ang mas matimbang?
YOU ARE READING
GaWong: I Choose You
RomanceThe Queen Falcon and the Queen Eagle. This is fiction, na sana maging makatotohanan. #Gawong Walang akong maisip pa na synopsis guys. Pakibasa na lang ang part 1. Hehe. Parang synopsis na rin ito ng story.