You're Here.

1K 30 4
                                    

"Bakit ba hindi ka mapakali diyan Deans?" curious na tanong ni Ponggay kay Deanna. Kanina pa kasi ito palakad-lakad, may patingin-tingin pa sa taas habang hinahampas-hampas ang cellphone nito sa kanyang palad. Pagkatapos ng training nila ay ganito na ang itsura ni Deanna.

"Hoy! Deanna Wong! Anyare sa'yo? Babatuhin na kita ng sapatos ko kapag hindi ka pa sumagot!" Pasigaw na sabi ni Bea, na kagaya ni Ponggay ay kanina pa hilong-hilo sa ginagawa ni Deanna.

"Arrgghh! Sorry ate Bei and bud. May iniisip lang ako." Sa wakas ay sagot niya sa mga ito, pagkatapos ay bumalik na naman sa palakad-lakad nito.

Nagkatinginan naman ang dalawang kaibigan nito, halatang naguguluhan sa sagot niya.

"Linawin mo nga ng maigi bud." simula ni Ponggay. "Di pa rin namin gets eh. Why don't you tell us what bothers you? Baka matulungan ka namin."

Huminto uli si Deanna sa kakalakad at humarap kina Ponggay. Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"I'm choosing to lie to Jema." mahinang sabi nito?

"What??" Sabay na namang sabi ng dalawa. Pero yung tono ni Bea ay pagalit.

"Wait, wait wait! Are you out of your mind?? Pinaghirapan mo siyang bawiin, then, you're cheating on her?!" Galit na tanong ni Bea.

"No! No! Definitely not! I'm not cheating on her ate Bei!" Mariing sabi ni Deanna dito.

"Then ano?" Naguguluhang tanong ni Ponggay. Obviously, mas curious lalo ang dalawa tungkol sa sinabi ni Deanna.

"Haaaaaa.. My parents are here, Jema doesn't know. I'm meeting up with them tonight, but I told Jema na sainyo ako pupunta." Sagot nito kay Ponggay. "And I don't know if tama ba itong ginagawa ko. No, no, I'll rephrase that. I'm not sure if this time, my plan will be successful." Paliwanag nito.

"Bud, you lost me there. Nagawa mo na tong pagsisinungaling na 'to before? And you want to do it again? Why lie when you can just tell Jema na nandito sina tito?"

"Exactly my thoughts." gatong ni Bea.

"I don't know. I guess, I just want to surprise Jema na matagal na siyang gustong makilala at makita ng family ko. This would have happened last year, kaso there was a misunderstanding. Sa isip ko kasi, parang she deserves the surprise from my family and I. It has been very tough for us, especially on her part and I am hoping that this surprise will lessen her questions about herself not being deserving na ipakilala at tanggapin." Mahinahong tugon nito.

"Wow. That. Is. Love. Deans!! Super deep! But, oo nga noh? You two have been through a lot, and unfortunately, most of it was because of your family nga. I totally understand your point. Jema deserves the surprise really." sagot ni Bea.

"Yes bud. Ang sweet ah!" Sabay yakap ni Ponggay dito. "Pero sabi mo nagka-misunderstanding na kayo the first time you attempted the surprise. Baka naman maulit uli yan?" Nag-aalalang sabi ni Ponggay kay Deanna.

"You know what bud, I'm scared na baka mamaya before the surprise eh mahuli na naman ako ni Jema, and the misunderstanding might happen again. Pero, I have this feeling na, this time, it will be different. I'll risk it again. And if pumalya, panghahawakan ko na lang na ngayon, mas mature at malalim na ang pang-unawa namin ni Jema." sagot nito sa kaibigan.

Natahimik naman ang dalawa sa narinig. Hindi agad mabasa ni Deanna ang reaksyon nila. Pero dahan-dahan niya ring nasilayan ang ngiti mula sa mga ito. They understood her.

"Basta, we're always here for you and Jema. Feeling ko naman, mas hihigit pa sa dati ang surprise mo ngayon Deans. Haaaay! Iba talaga pag-inlove noh ate Bei??? Kelan ka?" Pang-aalaska ni Ponggay kay Bea.

GaWong: I Choose YouWhere stories live. Discover now