Tiny Steps Back To You

1.2K 35 0
                                    

*** Magbackground music kayo while reading.. 😘

Back to present....

Matapos ang di inaasahang pagtatagpo ni Jema at Deanna sa mall, hindi na sila nakatulog ng maayos pareho. Puno sila ng iba't-ibang emosyon.

Kay Jema, pangungulila, saya— dahil nakita niya si Deanna at lungkot dahil alam niyang nandyan si Caitlin. Si Caitlin na kasama din ni Deanna bago sila maghiwalay.

Kay Deanna, saya na masilayan uli ang babaeng mahal niya, lungkot dahil hindi niya man lang ito nahagkan, at pag-asa. Parang may kung anong kumakatok sa puso niya na nagpapahiwatig na ang pagkikita nila ni Jema ay sign para huwag muna siyang bumitiw. Gusto siyang paniwalain ng puso niya na isa siya sa mga rason ni Jema kung bakit ito biglaang umuwi. Pero sana totoo nga, dahil kung oo, hindi na talaga hahayaan pa ni Deanna na mawalay ito sakanya.

Makalipas ang dalawang araw, lumipad na pabalik sa Thailand si Jema. Dala pa rin nito ang alaala ni Deanna, parang ramdam pa niya ang init ng paghawak ng kamay niya dito nung nagkita sila sa mall. " Tama na Jema. Let Deanna find her happiness." Malungkot na paalala ng isip nito.

Pero ang puso ni Jema ay may ibang gustong ipaalala dito. Gusto nitong maalala ang mga ginawa ni Deanna para magkaayos sila pagkatapos nitong tapusin ang relasyon nila. Halos araw-araw ang pagtawag nito sakanya noon, hindi lang sakanya kundi pati sa pamilya at mga kaibigan nito. Pinuntahan siya nito sa condo at sa bahay nila sa Laguna, pero nagmatigas si Jema. Ayaw niyang marinig ang mga paliwanag ni Deanna. Takot siya. Takot siya dahil alam niyang sa kunting lambing lang ni Deanna, sa kunting paliwanag nito ay babalik ito sakanya. Kasi mahal na mahal niya ito. Takot siya na baka kapag nangyari yun, ay magawa uli ni Deanna na magsinungaling sakanya. Paano na naman niya pupulutin ang sarili niya sa pagkakalubog? Kaya pinili niya na huwag ng pakinggan pa si Deanna.

Pero kabaliktaran ang nararamdaman ni Jema ngayon. Gusto niyang malaman ang nararamdaman ni Deanna. Nais niyang marining kung si Caitlin na ba talaga. Ayaw na niya magmatigas, pero parang huli na. May iba na. At wala siyang karapatan na humingi ng paliwanang. Wala na. Matagal na.

Pagkalapag ng eroplano sa Thailand, nagpakabusy na agad si Jema sa training, dahil kung hindi, magiging abala ang puso at isip niya sa kakaisip kay Deanna.

Deanna. Deanna. Deanna. Bago ang pagtulog, maski sa panaginip at paggising ni Jema, ang pangalan na yan ang unang pumapasok sa isip niya. "Pambihira naman. Ayaw na nga kitang isipin Deanna Wong eh, ang kulit-kulit." Naiinis na sabi ni Jema pagkagising nito. Naghanda na ito agad para sa training dahil kung hindi, matatagalan pa ang tambay ni Deanna sa utak niya. "Divert Jema, divert!" Pagpapaalala nito sa sarili.

Hindi naman pinalampas ni Deanna na hindi siya sagutin ni Mafe tungkol sa pag-uwi ng kapatid nito. "May inasikaso lang daw siya Ate Deans eh." pagsisinungaling ni Mafe dito. "Hindi ko na rin masyado natanong kasi sa training tapos syempre prinarioritize ko din yung kaibigan kong naaksidente." Sabay kindat kay Deanna. Natawa na lang ito. "Baliw ka talaga Mafe. As in yun lang talaga?" Pangungulit nito. "Eh meron pa ba dapat ate?" Makahulugang tanong ni Mafe sakanya. "Matalino ka ngang bata ka. Eh, alam mo na yun!" Nakangiting sagot ni Deanna. "Ewan ko ba sainyong dalawa ate Deans. Ako nahihirapan sainyo eh. Malapit naman ng bumalik ng Pilipinas si Ate Jema, kausapin mo na lang. Okay?" Payo ni Mafe dito. "Eh kung sana ganun kadali eh. Tsaka kung walang masasagasaan na tao."

"Sino??" Naiintrigang tanong ni Mafe, bago ito uminom ng tubig. Ang nasa isip ni Mafe ay si Caitlin dahil siya lang naman ang laging nababanggit ni Jema sakanya.

"Si Ella." Halos mabilaukan si Mafe sa tubig na iniinom nito. "Oh, ayos ka lang?" May pag-aalalang tanong ni Deanna habang hinahagod ang likod ni Mafe. "Si Ate Ella?? Panong nangyaring si Ate Ella?" Gulat at natatawang sabi ni Mafe. "Bakit ka natatawa? Eh sila tong laging magkasama, maski sa Thailand. Tsaka kinausap na rin ako ni Ella." May lungkot na sambit ni Deanna. "Sigurado ka ba diyan Ate Deans? Maikukwento yan ni ate sakin kung nag-iba na ang pagtingin niya kay ate Ella. The last time na nagtapat si ate Ella kay ate Jema eh, binusted yun ni ate Jema." Pagpapaliwanag ni Mafe.

GaWong: I Choose YouWhere stories live. Discover now