I See You

1.1K 32 0
                                    

Sa mga sumunod na araw, naging abala si Jema sa bahay nila, condo, pagluluto kay Deanna at pangungulit sa kapatid niyang si Mafe kung kamusta na ito.

"Ate, kung sana kasi ikaw na lang ang magpunta kay ate Deanna. Di sana natatanong mo lahat ng mga tinatanong mo sakin ngayon. Ang labo mo din eh!" Naiinis na sabi nito sa kapatid niya. Totoo naman kasing di maubus-ubusan ng tanong itong si Jema. Natatakot na nga si Mafe at baka makahalata si Deanna na hindi na normal ang mga pinagtatanong nito.

"Hayaan mo na. In two days, babalik naman na ako sa training. Naubos niya ba kanina yung dinala mong ramen?" Patuloy na tanong nito.

"Oo. Simot na simot. Pero parang nababagot na din si ate Deanna sa condo niya. Kaya sabi ko, next na dalaw ko, sa labas na lang kami kakain. Parang uuwi din yata siya sa Cebu." kwento ni Mafe.

"Ah sige. Saan mo siya balak dalhin? Hmmm. Maigi na rin siguro na umuwi siya saglit sa kanila, for sure excited na rin siyang makita ng family niya." Alam ni Jema kung gaano ka-family oriented si Deanna. Nakita nito ang paglalambing nito sa mga kapatid at magulang niya. Hindi man niya nameet ang lahat sa kanila, pero hindi naman nagkulang si Deanna na pagtrabahuan na ilapit ang loob ng mga magulang niya kay Jema. Masakit at mabigat ito para sa dalawa. Kung nahirapan si Jema, alam niyang ganun din kay Deann.

"Itatanong ko kay ate Deanna kung saan niya gusto. Miss mo na? Gusto mo makita?" Panunudyong sabi nito sa ate niya.

"Sira. Kahit miss ko yun, baka hindi naman ako miss. Alam mo na, Caitlin is around." May bahid na lungkot na sagot nito.

Parang biglang nabuhayan ng loob si Mafe para sa ate niya. "Hala ate! May naalala pala ako!!!" Pumapalakpak na sabi nito.

"Ano? Ang ikakatuwa ko din ba yang pinapalakpakan mo?" Pagtatanong ni Jema.

"Sigurado! Miss ka din ni ate Deanna. Period." Nakangiting sabi nito.

"Huwag mo nga ako pinagloloko Mafe ha." In denial pero medyo kilig na sagot ni Jema.

"Oo nga. Kwento ni ate Deanns, napanaginipan ka daw niya nung gabi na nasa ospital siya. Para daw totoo eh." Pagsisimula ni Mafe sa kwento niya. Pamilyar ang sinasabi ng kapatid niya. Hindi dahil sa narinig na niya ito, pero dahil nangyari talaga iyon. "Basta narinig ka daw niya, nagsosorry ka daw. Na mahal mo daw siya. Tapos umiiyak ka. Grabe ate, parang nasa movie lang." Pag kwa'y natatawa na kinikilig na kwento ni Mafe.

"Ahh.. ano pang sabi niya?" Usisa pa ni Jema.

"Yun lang, feeling daw talaga ni ate Deans, nandun ka nun. Parang totoong-totoo daw ate. So yun, in short, miss niyo ang isa't-isa." Ngumiti na lang si Jema sa sinabi ng kapatid.

—————————————————————————

Sabay ng umalis ng bahay ang magkapatid, si Mafe susunduin si Deanna, habang si Jema naman ay mamimili ng mga dadalhin pabalik ng Thailand. Hindi na rin tinanong pa ni Jema ang kapatid kung saan ang punta nila ni Deanna. Pinaalalahanan lang niya ito na huwag niya itong pagurin at nagrerecover pa siya.

"Saan mo gusto kumain Mafe?" Tanong ni Deanna ng dumating ito sa condo niya.

"Ikaw ate Deans, ikaw naman ang manlilibre eh." Biro nito.

"Ako naman talaga. San ba tayo? Kunin muna natin car ko." Natatawang sagot ni Deanna.

"Ate mag-Uber na tayo! Huwag ka munang magdrive. Tsaka kung saan mo gusto kumain, dun tayo." Sambit naman ni Mafe.

GaWong: I Choose YouWhere stories live. Discover now