Masayang-masaya si Jema dahil nakasama niya uli ang pamilya niya. Syempre, extra happy siya kasi pati yung taong pinakamamahal niya ay kasama din nila.
Pabalik na ngayon ang dalawa sa Manila. Halos mag-aalas-otso na ng gabi habang binabagtas nila ang express way. Nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan si Jema ng maalala niya ang mga naganap sa Laguna.
Nandun yung pinagmamasdan niya ang mama nito na kausap si Deanna habang naghahanda sa kusina. Hindi man niya masyadong marinig ang pinag-uusapan nila, pero alam niyang nagkakatuwaan ang mga ito dahil sa hagikgik at pabulong-bulong na ginagawa nila, parang may tinatagong sikreto. Hmmm.. Eh baka nga meron... Kahit na naghiwalay sila, nagpapasalamat si Jema dahil hindi pa rin nagbabago ang turing ng pamilya nito kay Deanna. Si Deanna naman, halata ding nag-eeffort siya para hindi mailayo ang damdamin sakanya ng mga ito. "May pag-effort? Bakit kaya? Sa tingin mo Jema, bakit?" Tanong ng isip niya dito.
Naalala niya yung paglolokohan ng kapatid nito kay Deanna habang naglalaro ng PS4. Talo si Deanna. Correction. Nagpatalo ito. Nagpapalakas?
Naalala niya yung saya sa puso niya habang magkakasalo silang lahat sa hapag-kainan. Para lang nung dati, nung sila pa ni Deanna. Lahat sila masaya, busog sa pagkain at sa kwentuhan. "I can live like this forever." yan ang sabi ni Jema sa sarili niya kanina.
Naalala niya ang palihim na pag-uusap ng papa nito at ni Deanna sa garden nila. Wala namang nakitang tensyon si Jema habang pinagmamasdan niya ang mga ito mula sa sala nila. Ang sigurado niya, masinsinan ang pag-uusap nila. Kung tungkol saan? Hindi niya alam.
Naalala niya ang bawat pag-asikaso ni Deanna sa kanya kanina. Mula nung sinundo niya ito nung umaga sa condo niya, nung makarating sila sa Laguna hanggang sa paghatid niya rito pabalik uli ng Manila.
Naalala niya ang pag-aalaga nito sa buong pamilya niya. Hindi pa rin nagbabago si Deanna. She remains to be the sweetest, generous and loving Deanna. Matutunaw na yata ang puso ni Jema nito.
At naalala niya ang sagot ng mama nito sakanya ng tanungin niya ito tungkol sa pagpunta ni Deanna sa Laguna ng ilang ulit. "Anak, tanungin mo si Deanna. Alam ko na nag-aalangan ka pang magtiwala sa kanyang muli. Ask her first, then I will tell you our side of the story. Kung magtutugma ang sasabihin namin, then you'll know that she is telling you the truth."
Huminga muna ng malalim si Jema bago nagkalakas ng loob na tanunging muli si Deanna. Tiningnan niya muna ito at naawa naman siya sa itsura nito dahil kababakasan na ng pagod. "Deans?" simula niya.
"Yes?" Naka-smile na tugon ni Deanna.
"Bakit ka nagpunta sa Laguna twice?"
Si Deanna naman ang huminga ng malalim, sinulyapang muli saglit si Jema bago binalik ang tingin sa daan. "Tinatanong pa ba yun? Syempre dahil sa'yo."
Lito pa rin si Jema sa sinabi nito. "Care to explain?" Mahinang sabi nito.
"Hmmmm.. Last night, after ko manggaling sa condo mo, tinext ko si Mafe. Fortunately she was still awake that time. Doon niya nabanggit na uuwi ka nga ng Laguna." Maya't-mayang binabaling ni Deanna ang tingin nito kay Jema para tingnan ang reaction nito. So far, wala pang violent reaction mula dito.
"Kaya, I took that chance na makasama ka." Patuloy nito. "I could have just showed this morning na lang, but I want to do it properly."
"What do you mean?" tanong ni Jema dito.
"Gusto ko na gawin yung best for you....and sana for us..." sabay tingin uli nito sakanya. Para namang kinurot ang puso ni Jema sa "for us."
"Somehow I knew na baka late ka na magising today. Kaya I grabbed that opportunity to drive to Laguna muna bago kita sinundo." Nakita naman ni Deanna sa mukha ni Jema ang pagtataka.
YOU ARE READING
GaWong: I Choose You
RomanceThe Queen Falcon and the Queen Eagle. This is fiction, na sana maging makatotohanan. #Gawong Walang akong maisip pa na synopsis guys. Pakibasa na lang ang part 1. Hehe. Parang synopsis na rin ito ng story.