Versus

1.1K 33 8
                                    

Biglang nag-iba ang timpla ni Deanna pagkakita sa taong nasa pintuan ng condo ni Jema. Biglang kumunot ang noo nito. Gusto sana niyang pagsarhan uli ito ng pintuan, kaso baka malagot naman siya kay Jema.

Kung gulat si Deanna, ganun din ang reaksyon ni Ella dito. Pareho nilang di inaasahan na magtatagpo na naman ang landas nila, bonus pa kasi pati si Jema ay kasama nila.

"Hi Jema." Bati ni Ella.

Bago pa man makapagsalita si Jema ay naunahan na siya ni Deanna. "Ano'ng ginagawa mo dito?" Bakas sa boses nito ang inis.

"Ano man ang rason ko sa pagpunta dito ay labas ka na dun Deanna. Hindi ikaw ang ipinunta ko dito." Mapaklang sagot ni Ella sakanya. Nagkatinginan ng masama ang dalawa. Akala mo dalawang boksingerong handa ng magbitaw ng mga suntok sa isa't-isa.

Napansin na ito ni Jema, kaya pumagitna na ito sa kanila.

"Stop!" Medyo napalakas na sambit ni Jema. Para namang dalawang basang sisiw sina Ella at Deanna, na halos sumabay yumuko pagkarinig kay Jema. "Tigilan niyo nga yan. Kung manggugulo kayo pareho, please, I want to be out of it. I want a quiet night!"

Tahimik naman ang gabi sana ni Jema, dumating lang si Deanna, ayun. Kilig. Spark. Fireworks ang nangyari.

But now, Ella is here. Bakit?

"Sorry Jema." Panimula ni Ella. Hindi naman na nagsalita si Deanna. Nanahimik na lang ito, kesa naman may masabi pa siya kay Ella na ikakagalit nito, at pati ni Jema.

"What brought you here ate Ella?" Naiiritang sagot ni Jema. 'Ate', hindi yun napalagpas ni Deanna. "Bakit 'ate' ang tawag ni Jema kay Ella? Akala ko ba sila?" Naguguluhan pero may bahid sayang tanong ni Deanna sa sarili nito.

"Ah...eh.. Hindi kasi kita nakita sa party ng team kaya nagbakasali ako na baka nandito ka lang sa condo mo. Dadalaw lang sana at mangangamusta."

"Mangangamusta, eh hating gabi na nga." Padabog na sabi ni Deanna. Hindi naman malakas ang pagkakasabi niya pero rinig iyon ni Jema.

"Aba, mukhang nagseselos si Deanna Wong ah." isip ni Jema. "Siya rin naman, hating-gabi din namang pumunta dito." Dagdag pa nito.

"Ah. Okay naman ako. Hindi ka na sana nag-abala, anong oras na oh." Sagot ni Jema kay Ella.

"Pero pag si Deanna ang dadalaw ng ganitong oras, okay lang?" May pagtataray at lungkot na sagot ni Ella.

Bigla namang natigilan si Jema, kasi tama nga naman, bakit si Deanna? Sasagot uli sana si Jema pero naunahan na siya ni Deanna.

"Dinalhan ko siya ng pagkain, sabi kasi ni ate Jia baka di pa nagdidinner si Jema kaya binilhan ko siya ng makakain." Katwiran nito. Hindi naman dapat niya kailangang magpaliwanag kay Ella, pero ginawa niya pa rin para tigilan na sana nito ang pagtatanong kay Jema.

"Talaga? Parang wala namang sinabi si Jia kaninang kinausap mo siya sa party ah. Hindi naman niya nabanggit na gutom o kailangan mong dalhan si Jema ng pagkain." Pagkasabi nito ni Ella ay tiningnan agad ni Jema si Deanna.

"Patay. Nabuking na yung alibi ko kay Jema." Sabi ni Deanna sa sarili. Hindi niya tuloy matingnan ng diretso si Jema na kasalukuyang nakakunot ang noo. Imbes na sagutin niya si Ella, sinubukan niyang idivert ang topic.

"Were you eavesdropping earlier? Ha!" Singhal ni Deanna kay Ella. "Why wouldn't you mind your own business?"

Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Ella sa tinuran ni Deanna. Totoo kasi ito.

At the party earlier, hindi napansin si Deanna ang presensya ni Ella. Kabaliktaran naman ito kay Ella. Kanina niya pa siya nagmamasid kay Deanna. Naghihintay din si Ella sa pagdating ni Jema, pero bigo ito dahil hindi siya dumalo sa party. Nakikinig lang din sa gilid si Ella sa mga kwentuhan ng mga iba ding players. Nang mapansin niyang lumapit si Deanna kay Jia, she knew that it will be because of Jema. Kaya naman, dahan-dahan itong lumapit sa kanila (without them knowning) para pakinggan ang pag-uusap ng mga ito. Tama nga hinala niya na tungkol kay Jema ang topic nila. Narinig niya na pupuntahan ni Deanna si Jema sa condo nito. Dahil dito, sumunod din si Ella. Kahit na kinausap na siya ni Jema noon pa na kaibigan lang talaga ang turing niya dito, hindi pa rin talaga siya handang magpaubaya. Kahit si Deanna na ang panalo, mula noon at hanggang ngayon.

"I wasn't eavesdropping! Magkakalapit lang tayo kanina, kaya di ko naiwasang marinig ang usapan niyo ni Jia!" Medyo malakas ang pagkakasabi ni Ella.

"Tama na!" Naiiritang sabi ni Jema. "I want you two out of my condo. Tumigil na nga kayo sa bangayan niyo. You two weren't supposed to be here. Wala din naman akong sasabihin sa inyo pareho. So kung magsasagutan at magtataasan lang kayo ng boses, please, go home. Umalis na kayo." Naiinis na sabi ni Jema sa dalawa.

"Jema...." Sambit ni Deanna.

"Go. Please go. Both of you." Pagtataboy nito sa dalawa.

Hindi naman na nagsalita si Ella. Nakayuko itong naglakad papalabas. Si Deanna naman ay nagdadalawang isip pa kung aalis ba talaga siya o magmamatigas.

"I'm sorry Jema." Pagsusumamo nito.

"It's okay. Ayoko lang ng gulo. Pagod ako. Ayoko ng dagdagan pa ng sakit ng ulo ang gabing ito." Mahinang sabi nito.

"I understand. I'm sorry. Hmmmm.. Sana di nawala ang appetite mo. Eat your ramen and chicken." Pagpapaalala nito bago tuluyang umalis.

Tumango lang si Jema sa sinabi ni Deanna. Nang makaalis na ang dalawa, bigla namang nakaramdam ng lungkot si Jema. Akala niya makakasama niyang kumain si Deanna. Akala niya makakausap pa niya ito ng mas matagal. Napangiti naman siya sa nalaman niya kay Ella, mukhang gumawa-gawa lang ng rason si Deanna, dinamay pa si Jia, para lang may kunwaring dahilan siya sa pagdalaw nito sakanya ngayong gabi. Huli, pero di kulong.

Ito na siguro ang pinakamatagal na elevator sa buong buhay ni Deanna. Paano kasi, kasabay nito si Ella. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Maya-maya pa ay nagsalita si Deanna.

"Ate? Ina-ate ka ni Jema?" Kanina pa ito gustong linawin ni Deanna. Kasi, iba ang kwento sa kanya ni Ella tungkol sa namamagitan sa kanila ni Jema bago siya umalis ng Thailand. Hindi pa rin kumikibo si Ella.

"I thought kayo? Yan ang sinabi mo sa akin sa Thailand." Sunod na tanong ni Deanna. Pero wala pa ring sagot si Ella. Medyo naiinis na si Deanna dito.

"Tiiinnggg.". Umabot na ng ground floor: parking area ang elevator.

"Get lost Deanna." Nakairap na sagot sakanya ni Ella bago ito lumabas sa elevator at pumuntang sasakyan nito. Bago pa makasagot si Deanna ay nakalayo na ang kausap nito.

Pala-isipan pa rin kay Deanna ang status ni Jema at Ella. Pero since 'ate' ang tawag sa kanya ni Jema, malamang walang 'sila'.

May pag-asa ka pa Deanna Wong.

Nabuhayan lalo ang loob ni Deanna. Mas may chance na magkabalikan sila ni Jema. Si Ella kaya? Titigil na kaya siya? "I doubt it." Bulong ni Deanna sa sarili.

——————————————————————————-

Hi guys! Sorry sa late update. And pasensiya rin sa short chapter 11. Gusto ko lang isingit itong role ni Ella before the next chapter about Deanna's mom.

Anyway..... Sino ang excited sa upcoming interview ni Deanna by Boy Abunda? Sikat na sikat yarn??

60% ko ng tanggap na magmomove-on na talaga ako sa GaWong. Kaya din natagalan ako ng update kasi nalulungkot ako sa lablayp ni mareng Jema. Sige na, happy na siya kay Ella....

....pero kasi di ko talaga ramdam ang kilig sa kanilang dalawa. Siguro kasi mas maliit si Ella kesa kay Jema?? Kung sana mas matangkad si Ella, pwede pa akong kiligin eh. Haha. Seryoso ako sa height pramis! 😂 Lalo na kung si Ella ang mas lalake sa kanila ni Jema.

...Next Chapter Coooooming!

GaWong: I Choose YouWhere stories live. Discover now