Hello, again.

1.2K 27 0
                                    

Halos alas dose na ng gabi ng magising si Jema sa gutom. Naalala niya na isang pancit canton lang pala ang kinain niya bago siya nagdecide na matulog kanina. Medyo maginaw nga ng kaunti nung bumangon na siya sa kama. Hindi naman na niya magawang magluto pa ng kahit anong may sabaw. "Sarap sana ng ramen!" buntong hiningang sabi niya.

Dahil late na nga para magluto pa siya, napagdesisyunan niya na lamang na magpadeliver ng pagkain. Matagal din siyang hindi nakapagJollibee dahil sa SEA games sa Thailand, kaya dito na niya naisipang mag-order ng makakain. 1-piece chicken joy with palabok ang napili niyang bilhin.

"Kuya Arman, pasuyo na lang po ako nung pinadeliver kong pagkain ha? Paakyat na lang dito sa condo kuya please?" Pagpapacute na sabi ni Jema sa security guard ng building nila sa telepono. "Basta ikaw idol. No problem!" Masiglang sagot naman nito. "Thank you kuya Arman! The best ka talaga." Pasasalamat nito. "Yung burger tsaka french fries, meryenda mo na lang kuya." "Naku salamat po Ma'am Jema. Dalhin ko po agad diyan yung pagkain niyo pag dumating na ang delivery."

Close talaga ni Jema si Kuya Arman, ito lagi kasi ang pinapakiusapan niya kapag may kailangan siyang ipagawa sa condo nito. Actually, noong bago pa lang siya dito, hindi naman niya masyadong kinakausap ito. Si Deanna ang unang nakipagkaibigan dito bilang pareho silang mahilig sa basketball. Laging ito ang usapan nila tuwing bibisita si Deanna kay Jema, hanggang sa naging malapit na din ito sa guard. Si Deanna na naman. Deanna. Deanna. Deanna.

Habang naghihintay si Jema sa pagkain niya, nagpalipas oras muna siya na magcheck ng Instagram niya. Panigurado, may mga posts ang team mates niya na nagcecelebrate sa bar. True enough, nandun na nga ang stories nina Jia, Ly, Aby, Bea, at iba pa. May mga nagsasayaw, nagkakantahan, nagbabardagulan, nagtatawanan.

Biglang nag-iba ang tibok ng puso niya ng makita kung sino pa ang nasa bar. Siya. Yung nag-iisang mahal niya. Si Deanna. Nakasuot na naman ito ng black na polo shirt at tattered pants. Maganda pa rin siya as usual. Sa Ig story ni Jia, nakangiti lang si Deanna habang nakahawak ng isang bote ng beer. "Dapat pala sumama ako kanina kay ate Jia." nanghihinayang na sabi ni Jema. "Di sana, nakita at nakasama ko din siya. Kahit sa malayo lang." malungkot na sabi nito.

Naantala ang pag-iinstagram ni Jema ng marinig niya ang mahinang katok sa pinto niya, parang nag-aalangan ang nasa labas na istorbohin siya. "Nahihiya pa tong si Kuya Arman na kumatok." Nakangiting bulong nito habang papalapit siya sa pinto para pagbuksan ito.

"Salamat Kuya Ar...." Pambungad na sabi ni Jema pagkabukas niya ng pinto kaso di na niya natapos ang sasabihin niya pagkakita sa taong nasa harapan niya.

Mahaba ang buhok nito, naka-black polo shirt, may hawak na paper bag, mabango, maganda at nakangiti siya dito. Hindi siya si Kuya Arman, pero kilalang-kilala niya kung sino siya.

"Hello." Matipid na sabi ni Deanna kay Jema. Hello lang yun, pero abot hanggang langit ang epekto nun kay Jema. Few minutes ago, inasam niya na makita at makasama niya kahit sa malayo si Deanna. Ngayon, sobrang lapit na niya dito. Just one step to be exact.

"Anong ginagawa mo dito?" Yun ang namutawi kay Jema ng nakabalik na siya sa huwisyo.

"Nice to see you too Jema." Pagkway pa-cute na sagot ni Deanna sakanya. Kunting pa-cute na lang ay bibigay na talaga ang mga tuhod ni Jema. Nagkatitigan lang uli sila ng ilang segundo. Parang na-blank si Jema dahil si Deanna ang pinakahuling taong inaasahan niyang makita. Order lang naman sa Jollibee ang hinihintay niya, pero iba din kung magbiro ang tadhana.

"Ah.. eh.. sorry. Hello. Bakit ka nandito?" Muling tanong nito kay Deanna.

"Uhmm..." napakamot si Deanna sa ulo, parang nag-iisip ng sasabihing rason ng pagbisita niya dito. "Ramen." Biglang si Deanna naman ang nawalan ng angas.

GaWong: I Choose YouWhere stories live. Discover now