Alas otso na ng umaga ng magising si Jema, hindi kasi siya nakatulog agad matapos ang paghaharap nilang tatlo nila Deanna at Ella. Napailing na lang siya nung bumangon ito sa kama niya. "Hay Jema, parang scene sa teleserye lang yung ganap kagabi ah. Iba ka mare!" Sabi niya sa other self niya. "Kaya nga. Ganda-ganda ko bigla mare! Pinag-aagawan yarn?" Sagot naman nito.
Tumayo na ito agad at nagsimula ng maghanda para sa byahe niya pauwi ng Laguna bago pa siya tuluyang mabaliw sa pakikipag-usap sa sarili nito.
"Ate san ka na?? Palabas ka na ba ng condo mo?" Atat na tanong ni Mafe sa ate niya habang kausap ito sa telepono. "Sabihin mo sakin kung malapit ka na sa antayan ng taxi ha?" Dugtong pa nito. Halos mag-10:30 na ng umaga ng nakagayak si Jema.
"Naku Mafe, ang kulit mo talaga. Opo, pababa na po ng building. Magbobook pa ako ng Uber mamaya, dami ko kasing bitbit. Kung sana sinundo mo na lang ako ano para naman natulungan mo sana ako." Hirit naman ni Jema sa kapatid niya.
"Oo, don't worry ate may tutulong sa'yo mamaya. Inasikaso ko na kaya yung Uber mo pauwi dito." Pagmamayabang nito.
"Aba. Talaga ba Mafe? Iba talaga ang nagagawa pag may kapalit na pasalubong ah. Hahaha. Ano pala plate number ng Uber?" Tanong nito.
"Eh basta ate. Sinabi ko na sa driver na malapit ka na sa lobby. Pag nakita mo, alam mo ng siya yung Uber driver mo." Tumatawang sabi ni Mafe.
Sakto namang nasa lobby na si Jema, patingin-tingin sa paligid kung nasaan ang sinasabing Uber driver ni Mafe.
"Mafe, wag mo akong pinagloloko ha. San na ba yung sinasabi mo.........." Hindi na natapos ni Jema ang sasabihin niya ng makita ang isang pamilyar na mukha, malaki ang ngiti, napaka-papi at naglalakad papunta sa kinatatayuan niya.
"Ate, pupuntahan ka na daw ng Ub....." sabi ni Mafe, ng biglang putulin ito ng kapatid niya.
"Mafe, patay ka talaga sa akin mamaya." Pananakot ni Jema sa kapatid habang nakatingin sa papalapit na Deanna.
"Ayiieee! Kunwari pa yung isa diyan! You're welcome ate. Inaasahan ko na yung dagdag na pasalubong. See you later! Oh, ingat ka, wag masyado pahalatang kinikilig. Marupok ka pa naman." Natatawang sabi ni Mafe. Tama naman ito. Marupok talaga si Jema, marupok kay Deanna. Hindi na niya sinagot ang kapatid, bagkus binabaan niya na lang ito ng telepono.
"Good morning! Tulungan na kita diyan." Bati ni Deanna sabay kuha sa bitbit na mga gamit ni Jema.
"Bakit ka nandito?" Kunwaring tanong ni Jema kay Deanna.
"Hahatid kita sa Laguna." Agad na sagot naman nito.
"Sino may sabi? Kaya ko namang magbyahe mag-isa. Okay lang ako. Thank you though." Sabay kuha uli ng bag kay Deanna. Sinubukan niya itong hilahin pero hindi naman ito binitawan ni Deanna.
"Alam kong kaya mo, pero mas mapapanatag ako kung maihahatid po kita. Tsaka, yun din ang utos sakin galing Laguna. I promised na ihahatid kita, and I will make that happen." Kumikindat-kindat na sabi ni Deanna.
"Oh easy ka lang Jema, wag marupok. Pero ang cute nga kasi ni Deanna Wong. Kainis!" utos ng utak ni Jema.
"Hindi mo naman kailangang gawin yun. Tsaka huwag mo ng alalahanin yung sinabi ni Mafe. Mas nakakatanda ako dun, kaya ako sundin mo. Okay?" Katwiran nito.
"Ahh.. Pero mas nakakatanda naman sila kaysa sayo." Bawi ni Deanna.
Naguluhan naman si Jema sa sagot nito. Last time she checked, 4 na taon pa rin ang tanda niya kay Mafe. Mahina yata sa Math itong si Wong ah.
"Mas matanda ako kay Mafe." Maikling sambit nito.
"I know. Pero sina Tito at Tita, mas malayong matanda sa'yo." Kita ni Deanna ang pagkalito sa mukha ni Jema. "Hindi si Mafe ang nag-utos sakin. Well, sakanya ko actually nalaman na uuwi ka ng Laguna, pero kila Tito at Tita talaga ako nagpaalam kung pwede kitang ihatid."
YOU ARE READING
GaWong: I Choose You
RomanceThe Queen Falcon and the Queen Eagle. This is fiction, na sana maging makatotohanan. #Gawong Walang akong maisip pa na synopsis guys. Pakibasa na lang ang part 1. Hehe. Parang synopsis na rin ito ng story.