Walang kumikibo sakanila sa loob ng sasakyan. Matiim lang na nakatingin si Deanna sa daan habang si Jema naman ay nakakunot-noong nakamasid sa bintana. Tila nagpapakiramdaman sila kung sino ang unang magsasalita. Medyo traffic ngayon bilang rush hour kaya mas napapatagal ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.
Naalala ni Deanna na buhayin ang radyo.
"Oohhh—ohh.. Hindi ko maisip, kung wala ka..
Oohh— ooh.. Sa buhay ko.."
- Kung Wala Ka by Hale.Ayos din naman ang timing ng kanta, akma pareho sa kanila. Gustuhin kaya nila na mawala na naman ang isa't-isa?
Maaraw din naman kanina, pero simula ng bagtasin nila ang daan, biglang dumilim at tuluyan ng pumatak ang ulan. Nakikisabay din talaga ang weather sa drama nitong dalawa ngayon.
Nagpanggap sila pareho na hindi apektado ng kanta at ng nakaka-emo na ulan. Mukhang pride chicken yata ang kinain nila pareho.
Biglang natigil ang kanta ng may tumatawag kay Deanna. Naka-carplay kasi ito kaya connected ang phone sa kotse ni Deanna. Kita rin sa LCD ng sasakyan nito kung sino ang tumatawag. Di naman maiwasang di tumingin ni Jema sa screen.
"Caitlin Viray."
"Sino pa nga ba. Of course it's her." Inis na sabi nito sa sarili.
Napansin naman ni Deanna ang pag-irap ni Jema ng marealize kung sino ang tumatawag. Napailing na lang ito, napansin din yun ni Jema.
"Nasugat ka na nga, papatakan pa talaga ng kalamansi." Bunton naman ni Deanna sa sarili, alam kasi nito na mas galit pa ngayon si Jema. Nag-aalangan tuloy siya kung sasagutin ba niya or hindi. Kung di sasagutin, sasabihin panigurado ni Jema na guilty siya. Pag sinagot naman niya, maririnig lahat ni Jema ang pag-uusapan nila dahil naka-carplay nga siya.
"Eh wala naman kayong dapat ikatakot ni Caitlin di ba? Wala naman kayo ginagawang masama, sabi mo di ba?" Sabi ng other self ni Deanna.
Hirap pero pinindot din ni Deanna ang green button sa screen.
"Hello?" Pagkwan ay sabi nito.
"Hi darling!" sagot naman ng nasa kabilang linya.
"Patay." Yan na lang ang nasabi ni Deanna sa sarili. Kita niya ang lalong pagkunot ng noo ni Jema dahil sa narinig nito.
"Oh..hi!" Nauutal na sabi nito.
"Ano'ng nangyayari sa'yo darling?" Tanong ni Caitlin.
"Ah, wala naman. Napatawag ka?" Usisa nito.
"Just want to make sure na magkikita tayo mamaya darling." Magiliw na sabi nito.
"Ehh.. Of course darling......." Napapikit na lang uli si Deanna sa sinabi nito. Sinulyapan niya si Jema pero nakatalikod ito sakanya kaya di nya alam ang reaksyon nito.
"Great! I'm so excited na darling!" Bakas sa boses ng dalaga ang tuwa.
"Actually, we're on our way na." Balita niya rito.
"Even better! I'm so proud of you darling!" Pagbibida niya dito sabay hagikgik.
"I'll text you later pag naka-park na. We'll see you sa study room?" Ika ni Deanna.
"Sure thing. It will be fine darling. Take care." Pagkatapos nun ay binaba na ito ang telepono.
Bumalik naman sa radyo uli ang settings ng carplay pagka-end ng call ni Deanna.
".........At ngayon, nandiyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang-hanggan
'Di paaasahin, 'di ka sasaktan...."
- Ikaw at Ako by Moira
YOU ARE READING
GaWong: I Choose You
RomanceThe Queen Falcon and the Queen Eagle. This is fiction, na sana maging makatotohanan. #Gawong Walang akong maisip pa na synopsis guys. Pakibasa na lang ang part 1. Hehe. Parang synopsis na rin ito ng story.