DEANNA'S POV
Magtatatlong oras na siya sa rooftop pero kasing dilim pa rin ng paligid niya ang laman ng puso at isip niya. Isusuko na ba niya talaga ang laban para mahulog uli ang loob ni Jema sa kanya?
"I guess it's about damn time Deanna. Kaya nga nakipaghiwalay sayo si Jema nun di ba? Para makalimutan ka na niya? Kasi nahihirapan na siya?" Yan ang utos ng utak niya. Ang respetuhin ang desisyon ni Jema, ang palayain siya at hayaang makahanap ng taong makakapagpasaya sa kanya.... At mukhang meron na nga. Si Ella.
Pinikit niya ang kanyang mga mata at pilit pinipigilan ang pagpatak ng luha niya. "I'm letting you go Jema." Bulong niya sa hangin. "I'm letting you go. I hope you will finally find your happiness in Ella." Dasal niya'y dalhin ng hangin ang bawat salita niya sa mga tenga ni Jema. Gusto ni Deanna na malaman nito na bukal sa loob niya ang pagpapaubaya sakanya. The least she wants is for Jema to worry about her getting hurt. Alam ni Deanna na magiging mas masakit at mabigat pa ang mga susunod na mga araw, buwan o taon habang sinusubukan niyang mahilom ang napakalaking sugat sa puso niya. Hiling niya lang ay makayanan niya. "Please help me God. I need you right now. Give me the strength and healing." Huminga siya ng malalim, parang nagsilbi itong tuldok sa desisyon niyang hindi na paggambala sa buhay ni Jema.
Pinunasan niya ang kanyang luha, inayos ang sarili at naghanda ng bumalik sa kwarto niya. Doon naghihintay ang mga gamit niya at ang huling memorya niya na kasama si Jema. Lahat ng mga iyon, babaunin niya pauwing Pilipinas.
Aalis siya ng Thailand na hindi na magpapaalam o magpapakita pa kay Jema. Mabigat, mahirap, pero pilit niyang kakayanin.
"Oh, are you leaving at this time Ms. Wong?" Naguguluhang tanong ng hotel staff kay Deanna. "I am." sabay ng simpleng ngiti pero bakas ng pasasalamat dito. "Thank you for your awesome service." dagdag nito.
"Do you want me to organize a taxi for you?"
"I'd greatly appreciate that. Thank you."
"You're welcome Ms. Wong. Have a safe flight going back to the Philippines." Nginitian niya lang ito bilang pasasalamat.
Makalipas ang trenta minutos, dumating na ang taxi para kay Deanna. Nilingon niya uli ang kabuuan ng hotel bago siya tuluyang sumakay sa sasakyan papuntang airport. Hindi niya maipaliwanag ang lungkot na nararamdaman niya. Pag-andar ng taxi, nagsimula na rin ang tuluyang paglimot niya sa babaeng pinakamamahal niya.
Wala pang limang oras matapos niyang lisanin ang hotel, nasa NAIA na si Deanna. Naisip niya, sana kung gaano kabilis at kadali ang byahe niya kaninang pauwing siya ng Maynila, ay ganun din sana kasimple ang proseso ng pag-move-on niya kay Jema.
Hindi na inabala pa ni Deanna ang kanyang mga kaibigan para sunduin siya. Kung sabagay, hindi rin naman nila alam ang bigla nitong pag-uwi at syempre, hindi din nila alam na tuluyan na nga niyang sinuko ang pagmamahal niya kay Jema. Buti na lang, may Uber na ngayon. Hindi na ganun kahirap ang pagkuha ng taxi at mas hindi na talamak ang mga mandurugas na drivers.
Piniling umupo ni Deanna sa likod ng taxi, siniguro niya na nakaseatbelt siya bago nagsimulang umusad ang sasakyan pauwi sa condo niya. Busy siyang nagchecheck sa emails niya ng magulantang siya sa napakalakas na busina. Bago pa siya makalingon sa pinanggalingan ng malakas na ingay, naramdaman niya na lang ang napakalakas na impact sa harap ng taxi na sinasakyan niya. Parang nagflashback lahat ng magaganda at malulungkot na alaala niya kasama si Jema sa loob lang ng ilang segundo. Bago siya mawalan ng malay, isa ang siguradong nasambit niya, yun ay ang pangalan ni Jema.
——————————————————————————
"What? Anong nangyari? Saan?" Halos sunud-sunod na tanong ni Jia sa kung sino man ang kausap niya sa videocall. Alalang-alala ang itsura nito habang nakikipagusap sa telepono. "Kamusta siya? Saang hospital?" Maiyak-iyak siyang tumatango habang nakikinig sa kausap. Matapos ang ilang minutong pakikipag-usap nito sa kabilang linya, lumapit ito kay Ly. Ikinwento niya rito ang malungkot na balita, niyakap na lang niya ang kanyang kaibigan sa sobrang pag-aalala niya sa kalagayan ni Deanna. "Sasabihin ba natin 'to kay Jema? Paano??" Umiiling na tanong ni Jia sa kaibigan. "Sa tingin ko, dapat. Pero sabihin muna natin kay coach. I think it's better if si coach ang magsabi kay Jema. Kasi kung tayo, mag-iiyakan lang tayong lahat." Sumang-ayon naman si Jia sa suggestion ni Ly. Agad nilang pinuntahan si Coach Tai para iparating ang masamang balita.
Inabutan ni coach si Jema na maagang nagtetraining sa court. Kita niya itong tumatakbo, pero pansin niya na hindi siya masyadong focused, na parang may bumabagabag sa isip niya. "Alam na kaya niya?" tanong ni coach sa isip nito. "Jema!" pagtawag nito sa kanya, habang kinakampayan niya ito para lumapit. Agad namang tumalima si Jema. Imbes na tumakbo uli ito paikot sa court, ay dumiretso na siya kay Coach Tai. "Good morning coach! Ang aga niyo din po ngayon ah. " bati nito. "Kamusta ka Jema? Upo ka dito anak." Bakas sa mukha nito ang concern at lungkot. Kinabahan bigla si Jema habang paupo katabi ni Coach Tai. Nang magsimula na itong magsalita, naramdaman na lang ni Jema ang pag-agos ng luha sa kanyang mga pisngi. Kasabay nun ay ang pagbigat ng dibdib niya, parang hindi na siya makahinga ng maayos. Ayaw niyang maniwala sa naririnig niya. Ayaw niyang isipin na nasa malaking kapahamakan ang buhay ni Deanna. Gusto niyang sumigaw.
Naramdaman na lang niya ang pagyakap nina Jia at Ly sa kanya. Hindi na nga niya napansin kung saan sila nanggaling. Pero kailangan na kailangan nga niya ang yakap na yun. Kung hindi, babagsak siya. Hindi niya kaya.
"Coach... Coach Tai.. Kailangan... kailangan ko... pong umuwi... Kailangan.. kailangan ko.. siyang.. makita.." Bawat salita ni Jema ay may kasunod na hikbi.Tuluy-tuloy ang iyak nito. Hindi niya alam kung titigil pa ba ang pagbagsak ng mga luha niya. Hindi niya alam kung pinagtitripan ba talaga siya ng tadhana, mula kasi kahapon panay pagsubok na ang natatanggap niya.
"Jema," panimula ni Coach Tai. "Alam ko abot langit ang pag-aalala mo kay Deanna. Alam namin kung gaano siya kahalaga sa'yo. Papayagan kitang umuwi, pero alam mo na may commitment tayo sa SEA games. I will allow you to go home, pero hindi ko mapapangako na pwede ka magtagal doon. I'm sorry."
"Naiintindihan... ko po coach. Maraming.... Maraming salamat. Malaking.. bagay na.. po iyon.." sagot nito.
Ang mga ka-team niya na mismo ang nag-ayos ng flights at mga gamit ni Jema. Hindi niya pa alam kung ano talaga ang nangyari kay Deanna, ang alam lang niya ay nabangga ng bus ang sinasakyan niyang taxi. Nabanggit din na kritikal ang lagay ng drayber, pero hindi masabi sa kanya kung ano ang kondisyon ni Deanna. Kanina pa siya nagdarasal na sana nasa maayos si Deanna, na kung nasaktan man siya, sana maagap din siyang makarecover. Hindi rin maalis sa isip ni Jema na maguilty dahil wala dapat si Deanna sa Pilipinas kung hindi dahil sa kanya. At some point, gusto niyang sisihin ang sarili sa nangyari.
"Please Deanna, please maging okay ka." Paulit-ulit na yun ang binubulong ni Jema sa hangin. Yun ang dinarasal niya mula sa hotel hanggang sa nasa eroplano na siya. Mas lumalakas ang kabog ng dibdib niya habang papalapit ng papalapit siya ng Maynila. Takot siya sa pupwede niyang datnan sa ospital. Takot siyang makitang nasa malubhang kalagayan si Deanna.
Pagkalapag ng eroplano sa NAIA, agad siyang dumiretso sa Saint Luke's Medical Centre Global City. Ayon sa kaibigan niya, doon daw inilipat si Deanna ng mga magulang niya.
Habang papalapit siya sa hospital room ni Deanna, para namang nawawalan ng lakas ang mga paa niya. Parang lalabas ang puso niya sa lakas ng kutob nito. Kutob ng dahil sa takot, kutob dahil sa makikita na uli niya si Deanna, kutob dahil sa rason na mahal niya talaga siya.
Naabutan niyang medyo nakaawang ang pinto sa kwarto ni Deanna. Akmang papasok siya ng makita niya na may babae sa tabi ng natutulog na si Deanna. Hawak nito ang kamay niya habang umiiyak, bumubulong. Gusto man niyang intindihin ang sinasabi ng babae pero masyado siyang malayo para marinig ito. Kung kanina takot ang nararamdaman niya dahil sa nangyari kanina, ngayon, nadagdagan ang takot niya dahil hindi niya alam kung ano ang papel ng babae sa buhay ni Deanna.
Gumilid ng kaunti si Jema sa pinto dahil ayaw niyang makita siya ng bisita ni Deanna. Pagkagilid niya, sakto namang tumingin sa side ang babae. Namukhaan agad ni Jema ang itsura ng katabi ni Deanna. Si Caitlyn. Parang may kung anong tumusok sa puso ni Jema. "Bakit siya ang kasama ni Deanna? Bakit hindi ang pamilya niya? Bakit hindi ako?"
YOU ARE READING
GaWong: I Choose You
RomanceThe Queen Falcon and the Queen Eagle. This is fiction, na sana maging makatotohanan. #Gawong Walang akong maisip pa na synopsis guys. Pakibasa na lang ang part 1. Hehe. Parang synopsis na rin ito ng story.