"Okay mommy. I will see you guys later. Sure kayo na ayaw niyo mag-dine-out na lang?", reply ni Deanna sa text message ng mommy niya. Her family finally arrived for her birthday week.
Of course, Deanna is excited. Matagal na rin niyang hindi nakikita ang pamilya nito. She hasn't told Jema about them being in Manila, pero gustung-gusto na niya. May niluluto kasi siyang sorpresa sana para sakanya.
"Baby, dadaan ako mamayang gabi kina Ponggay ha? May pag-uusapan daw kami saglit ni tita about our business." Pagpapaalam at pagsisinungaling nito
kay Jema habang sila ay nag-aalmusal."Okay baby. Huwag ka masyado late umuwi ha? Will you have dinner here?" Tanong nito rito.
"Baka doon na ako kakain baby, alam mo naman si tita, di pumapayag na tinatanggihan kapag nag-alok ng pagkain." tumatawang sabi ni Deanna. Natawa na rin ang kasintahan nito. "What are you going to do today? Sayang, hind nagtapat off natin."
"Baka labas ako later, bili ng kung anong pwedeng bilhin. Hmmmm.. by the way baby, ano'ng request mo for your birthday?" Nakangiting tanong ni Jema.
"Ikaw." Nakangising sagot naman niya dito.
"Deanna Wong!" Natatawang sabi ni Jema sa kapilyohan ni Deanna. "Ano nga kasi baby? Para makapaghanda ako?"
"A date with you. Yun lang ang gusto ko po." magiliw na sabi ni Deanna sabay hawak sa kamay ni Jema.
"Then I will wrap myself up with a red ribbon on top." sabay pisil sa pisngi ng girlfriend nito.
"I'd love that baby." at ginawaran niya ng matamis na halik sa labi si Jema.
Pagkagayak ni Deanna ay nagpaalam na ito kay Jema papuntang training at ang pagdiretso nito sa bahay nila Ponggay— pero ang totoo ay sa hotel ng pamilya niya siya pupuntahan. Nag-aalangan man na itago ito ni Deanna sa kasintahan pero may rason naman kasi ito. Pinagdarasal niya na lang na sana ay maintindihan ito ni Jema.
Pagkalipas ng dalawang oras ay si Jema naman ang umalis sa condo. Napagpasyahan niya na magpunta sa mall para tumingin ng pwedeng iregalo kay Deanna. Kung tutuusin eh hindi naman mahirap hanapan ng gift ito, she is such a simple person. Hindi mahilig sa magagara. Sapatos pa lang ay happy na ito.
"Hmmm.. siguro sapatos na lang?" Nagsasalitang mag-isa na sabi ni Jema habang nasa elevator ng mall. Madami naman siyang oras para maglibot. May idea na rin siya sa sapatos na gusto ni Deanna, meron kasi siyang laging tinitingnan sa Nike store pero di niya mabilibili. Lagi niyang nirarason na too expensive to wear, pero tulo laway naman siya habang pinagmamasdan ang mga yun. Nangingiti si Jema while imagining Deanna's reaction once she sees her "too expensive to wear" gift.
"Ma'am eto na po yung shoes na binili niyo. Paki-keep na lang po ang receipt just in case wrong size or may makita kayong sira. May 3 month warranty and eligible for complete refund po kayo." sabi ng Nike staff.
"Okay. Salamat miss." Nakangiting sagot ni Jema rito.
Naisipan na rin ni Jema na bilhan si Deanna ng necklace at palagyan ng 'J' na pendant. Yes, 'J' for Jessica, wala ng iba. Markahan na ang dapat markahan.
Nasa gitna siya ng pamimili ng kwintas sa isang jewellry shop ng maramdaman niyang parang may nakatingin sa kanya. Nag-angat siya ng mukha para icheck ang paligid. Bigla niyang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso nito ng makita kung sino ang nasa harapan niya.
"Jema?" rinig niyang sabi ng ginang na lumapit na sa kinatatayuan nito. Nanatiling nakatayo naman malapit sa cashier ang kasama nitong lalaki. First time makita ni Jema ng personal ang mga ito. Kung kanina matinding kaba ang nararamdaman niya, ngayon ay unti-unti ng napapalagay ang loob niya pagkakita sa mga ngiti mula sa mga mukha ng mga ito. Kahit ngayon lang sila nagkita-kita, ay kilalang-kilala sila ni Jema. Deanna would always talk about her parents and show Jema their photos.
YOU ARE READING
GaWong: I Choose You
RomanceThe Queen Falcon and the Queen Eagle. This is fiction, na sana maging makatotohanan. #Gawong Walang akong maisip pa na synopsis guys. Pakibasa na lang ang part 1. Hehe. Parang synopsis na rin ito ng story.