It has been a pure bliss between Deann and Jema for the last 2 weeks. Syempre alam naman nila na may mga magiging tampuhan pa rin sila, pwedeng bukas, sa susunod na mga araw or mga buwan. Pero ipinangako nila na kahit ano'ng mangyari, aayusin at pag-uusapan nila ito agad before the day ends. Jema is happy and contented of how much Deanna has grown. Ganun rin naman ang pakiramdam ni Deanna sa dalaga. Ramdam na niya dito na tumapang ito at hindi na nag-aalinlangan sa relasyon nila.
"I just really need to make sure that this time, my family is with us." sabi ni Deanna sa sarili nito.
Sinorpresa naman ni Deanna si Jema ng weekend getaway sa Baguio City, hindi pa kasi ito nakakapasyal dito. Sa Tagaytay sana sila, kaso fully booked ang mga magagandang accommodations doon. They stayed at The Forest Lodge in Camp John Hay. May sariling balcony ang room nila kaya kita nila ang mala-winter view ng lugar sa dami ng pine trees. Buti na lang at maganda ang weather sa Baguio habang nandun sila, hindi mainit pero hindi rin ganun kalamig.
"Hmmmmmmmmmm..." Jema inhaled deeply habang nakatayo siya sa balcony ng room nila. Napakapresko ng hangin, idagdag pa ang pine scent mula sa mga punong nakapaligid sa hotel.
"Are you happy?" bulong ni Deanna malapit sa tenga nito. Ramdam niya ang init ng hininga nito habang yakap siya mula sa likod. Deanna's hug gave her the tender warthm she exactly needed for the city's cool breeze.
"Very happy." masayang sagot nito habang hawak ang mga braso ni Deanna. "Thank you, baby." patuloy nito.
"One is glad." sabay halik nito sa balikat ni Jema. "Ready for breakfast?" Tumango naman si Jema bilang pagsagot dito.
Pagkatapos nilang mag-agahan ay dumiretso na sila sa mga tourist destinations sa Baguio. Pinasyal siya ni Deanna sa Burnham Park, and of course, sinubukan ni Jema ang boating, biking at skating. Todo kuha naman ng pictures si Deanna sakanya.
Pinuntahan din nila ang Lourdes Grotto at pareho silang hiningal sa dami ng hagdan paakyat. "Haaaay! Kakapagod umakyat, baby!" sabi ni Deanna sa girlfriend niya. Athletic sila pareho, pero dahil siguro sa medyo maginaw at higher altitude kaya hiningal silang dalawa kunti.
"Hahaha. Kaya mo yan baby, 5 more steps!" Sabay abot ni Jema sa kamay nito. Magkaholding hands na silang umabot sa tirikan ng kandila. May tig-tatlo silang hawak na puting kandila.
For Jema, her three candles are for her family health and safety, para sa relationship nila ni Deanna at ang pagtanggap ng pamilya nito sa relasyon nila.
It was all the same for Deanna. Pero mas pinagdasal niya ang relasyon ni Jema sa pamilya nito. For her, that's the biggest missing piece in her life. Napunan na sana a year ago, but things went the other way. This time, she'll make sure na maaayos na din ang lahat. Taimtim niya itong pinagdarasal habang habang hawak ang kamay ni Jema. Huminga siya ng malalim pagkatapos nun. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay sinalubong siya ng maamong mukha ni Jema.
"Hmmm.. parang ang dami mo yatang hiling, baby ah.." sabi nito dito sabay pisil sa kamay nito.
Ngumiti lang ito dito. "Secret na namin yun ni Big Boss baby." tugon naman niya rito. "Lunch?"
"Hmmm.. starving!"
Maya pa ay naglalakad na sila sa Magsaysay Street papuntang Center Mall. Madaming tao sa daan, pero hindi gaya sa Manila, mas safe ang feeling ni Jema rito. Wala siyang alam sa Baguio kaya mahigpit ang kapit niya sa braso ni Deanna. Ang alam lang niya ay mukhang matao ang lugar na pupuntahan nila. Not a high-end restaurant or a fine-dining place, pero sa dami ng tao, mukhang it's a place that they should visit while in the city.
"Good Taste." Binasa ni Jema ang pangalan ng kainan. Malaki ang space dito, na akma naman dahil ang daming taong nakapila para kumain dito. Ang mga customers dito ay mukhang mga regular employees, mga simpleng pamilya at mangilan-ngilan na estudyante. Jema can smell nothing but yumminess. Kumalam tuloy ang sikmura nito.
YOU ARE READING
GaWong: I Choose You
RomanceThe Queen Falcon and the Queen Eagle. This is fiction, na sana maging makatotohanan. #Gawong Walang akong maisip pa na synopsis guys. Pakibasa na lang ang part 1. Hehe. Parang synopsis na rin ito ng story.