"Kailangan ba talaga ate Jia na mag-attend? And may costume talaga?" nag-aalangan na tanong ni Jema dito pagkatapos ng training nila. Medyo pagod pa kasi ito mula sa weekend getaway nila ni Deanna sa Baguio. Tapos ngayon ay mukhang kailangan niya pang maghanda para sa annual party ng Creamline sa Miyerkules. Ayaw na sana pang umattend ni Jema, dahil medyo naiilang pa siya kay Ella dito. Iniisip niya din si Deanna, baka kasi pagsimulan pa nila ito ng away.
"Hay naku ka Jema! Mag-attend ka. Baka mamaya eh last ko ng annual party to. Alam mo naman na balak na rin naming magpamilya ng kuya mo." Pangungonsensyang sagot niya dito.
"Diyan, diyan ka magaling sa pangongonsensya mo ate Jia eh. Ako pa ang talaga masisisi sa takbo ng pagpapamilya niyo ni kuya!" Nakapamaywang na turan nito dito.
"Sino ang gusto mong sisihin ko? Si Deanna?" Katwiran nito tsaka dahan-dahang inilabas ang phone nito. "Teka nga't matawagan nga siya ng makausap ko ng masinsinan." Wala naman talagang balak tawagan ni Jia si Jema, niloloko niya lang ito.
"Amin na nga yan ate!" sabay hablot sa phone ng ate Jia niya. "Panay kalokohan ka talaga eh! Kapag ako inaway nun... nakkuuuu!" Inis na sabi niya rito.
"Hahaha. Aysus, lumabas din ang totoo. Inaalala mo ang sasabihin ni Deanna dahil kay Ella? Naku, ayos lang yun sakanya. Intindi na niya iyon." Paniniguro niyang sabi kay Jema.
"Haaayy.. Hindi ko alam ate eh. Hindi pa namin masyadong napag-usapan yung about kay ate Ella kasi eh. I know na kasama natin siya sa training, she understands it naman. Pero kapag itong party, things might happen sideways. And as much as possible, ayaw ko na magka-issue kami about it." Paliwanag niya rito.
"Hmmmm.. May point ka naman Jema. Pero how about you trust Deanna about this? And yourself too. Besides, magkikita at magkikita pa rin kayo ni Ella. Same team, same circle of friends. Lagi mo na lang ba iiwas si Deanna kay Ella, sayo and vice versa?" Maya ay seryosong sabi ni Jia dito.
Napabuntong-hininga si Jema. May tama si Jia sa sinabi nito. Why prolong things from happening if they are bound to happen anyway?
"You're right ate Jia. Napapangunahan lang siguro ako ng takot. Takot na mag-away kami ni Deanna, at takot na masaktan lalo si Ella." Malungkot sa sabi nito.
"At kahag hindi mo hinarap yang takot na yan, hinding-hindi yan mawawala. You will always be afraid. Iniiwasan mong makasakit, pero pwedeng sa kakaiwas mo, mas may masasaktan sa bandang huli." Sagot ni Jia dito.
"Haayy.. Salamat ate Jia. Tama ka. Besides, mas malaki na din talaga yung pang-unawa namin ni Deanna isa't-isa."
"Oh yun naman pala. Pareho na kayo na nagmature, and ngayon, mas alam niyo ng dalawa ang dapat niyong gawin at dapat niyong pagtuunan ng pansin. Maiintindihan ka ni Deanna. Si Ella naman, sure ng masasaktan kasi syempre minahal ka niya. Soon, she'll accept it."
"Thank you ate. Paano na lang ang gagawin ko kung wala ang ate Jia ko?" Biglang paglalambing nito na sinabayan niya ng yakap.
"Aysus! Pareho talaga kayo ni Deans na bolera!" Natatawang sabi nito. "Tanong ko lang naman kanina eh umattend ka sa party, biglang napunta sa MMK ang usapan eh. Hahaha. Ewan ko sa'yo Jemalyn!"
"Hahaha. Ate naman! Labyu na nga! Tsaka oo na, makikiparty na ako." Pagpayag niya rito.
"Mabuti naman, akala ko sa wala pa mapupunta ang pagpapayo ko sa'yo eh. Isama mo si Deans ha. Namiss ko na rin yun." Excited na sabi ni Jia.
"Sige sabihan ko siya ate." Sabi nito habang nakayakap pa din ito dito. "Hmmmm.." Pag kwa'y sabi nito.
"Oh, para san na naman yang 'Hmmm..' na yan?" Tanong ni Jia dito.
YOU ARE READING
GaWong: I Choose You
RomanceThe Queen Falcon and the Queen Eagle. This is fiction, na sana maging makatotohanan. #Gawong Walang akong maisip pa na synopsis guys. Pakibasa na lang ang part 1. Hehe. Parang synopsis na rin ito ng story.