Chapter 1
“Meta tag is one of the elements that help to define and manage the document’s content. It is used to identify the properties of a document that provide information related to the browser or search engines such as describing the content of the web browser.”
Hay tae. Mahina talaga ako sa mga terms na ganyan. Kasalanan ko ba kung makakalimutin ako? Di naman di ba? Kung bakit kasi kailangan pa idiscuss yan eh, dapat tinuturo na lang kung pano gamitin. Boring talaga sakin yang mga ganyan.
Nagtaas na lang ako ng kamay. May itatanong din naman kasi ako eh.
“Anong tag yung kailangan para magamit yan Sir? Pwede ba magamit yan kahit na mag CSS ka?”tinawanan naman niya ko. Psh. Alam ko naman kung bakit eh J
“Ituturo ko nga yun eh. Atat ka naman ata Sai? Haha.” Tawanan yung buong klase.
“Sensya na Sir, excited lang.” nakangiti ko namang sagot sa kanya. Tropa kami niyan ni Sir Yeng eh. Tropa in a way na parang barkada lang kung kausapin ko siya pero alam ko naman yung limitation ko. Alam ko namang dapat na galangin siya kasi Prof ko siya pero buddy buddy kami. Kaya nga kahit na boring talaga yung klase niya pinipilit ko magising XD
Ini-scroll down naman niya yung slide na pinoproject ng projector sa white board (LOL di ko alam kung paano ipapaliwanag haha XD).
<Meta name= “value” Content = “value”> </Meta>
“Oh ayan na yung sagot sa tanong mo ah? Excited ka naman kasi eh. Haha”
“Sige lang Sir Yeng tawa lang. Hmp.”
“Excited ka kasi masyado best eh! Hinay hinay lang. Alam na naming alam mo na yan pero kami di pa namin alam. Maawa ka naman” bestfriend ko ‘yung nagsalita. Actually she’s one of my bestfriends.
Tatlo kasi silang bestfriend ko eh. Actually, she’s a lesbian. Her name is Grace. Tapos yung dalawa ko pang bestfriend eh parehong lalaki. Si Joemar at Ethan.
My name is Ma. Sai Lopez. Oo alam ko, adek ang name ko. May maria na tapos ang ikli pa ng second name ko. Kaya nga Sai ang tawag sakin ng karamihan. Ayoko ngang patawag na Maria. Kainis lang kasi eh. Lola ko kasi nagdagdag ng Maria sa name ko. Dapat Sai lang sabi sakin ni mama dati.
I’m a 3rd year College Student sa *SECRET SCHOOL*. Bawal sabihin. Basta censored. LOL. Wag niyo na alamin. I’m turning 20 years old this coming august 23. Second semester na namin ngayon and Web Programming naman ang subject namin ngayong araw na to. Last subject na namin ngayon yan.
Boring nga lang kasi 3 hours eh. Tapos lecture pa. Take note, one day lang yan. As in isang araw lang ang meeting namin every week pwera sa laboratory every Thursday.
Oh, before I forgot, Bachelor of Science in Information Technology ang course ko J
Nung una talaga, ayoko sa course ko. Well, hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na mahilig sa computer eh. Marunong akong gumamit pero I do not care about the terms regarding that. Hindi rin ako bookish na tao and I do hate memorizing some lessons. Hindi kasi sakin uso yung long-term memory eh. Sabi nga minsan ng Prof ko General Psychology, “Mas maganda kung kabisaduhin niyo yung mga terms para pumasok sa long-term memory niyo. That way, mas mataas yung score na makukuha niyo and maalala niyo pa yun next time na irecall niyo.”.
BINABASA MO ANG
I'm His Wife [COMPLETED]
RomanceBasahin ang prologue kung gusto niyo XD Post nyo yung email add nyo sa profile page ko if gusto nyo ng softcopy.