Kabanata Tatlumpu't Apat

9.3K 102 3
                                    

Eto muna sa ngayon, K? I'm tired po kasi eh. Saka inuna ko muna yung update nung sa My Oniichan, My Boyfriend, My Everything since nakakarelate ako ugali ng lead character dun. So, ayun, baka sa makalawa pa yung karugtong nito. Ok lang ba?

Chapter 34

“War pa rin kayo hanggang ngayon? 1 week na lumipas ah. Wala ba kayong balak magbati?”

“Ewan ko, Grace. Parang nagdadalawang isip na siyang pakasalan ako.” Sagot ko saka nagpakawala ng buntong-hininga.

Oo, 1 week na kaming hindi nag-uusap ng matino ni Nathan. 2 days na rin kaming hindi nagkikita. Hay buhay parang life.

Namimiss? Oo, miss na miss ko na siya.

Hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin sa kanyang buntis ako eh. Paano, 2 days na kaming hindi nagkikita at kahapon lang ako nagpacheck-up. Positive nga daw. 1 week pregnant. Best gift na to para sa birthday ko next month. I’m happy kasi may jr na naman ulit si Nathan. Sana wag na twins. Mahirap manganak. Normal delivery pa naman sila Xteffane.

Tinapik-tapik ni Grace ang likod ko. Paano, naiyak na naman ako. Tuwing naiisip ko na nagdadalawang isip si Nathan na magpakasal sakin, hindi ko mapigilang hindi maiyak.

“Ang dami niyo nang pinagdaanan, ngayon pa ba susuko si Nathan? Mahal ka nun best, wag kang mag-alala. Wedding jitters lang siguro . Haha.” Patawa talaga to si Grace. Wedding jitters pa gusto.

“Siraulo!”

“Haha. Alam mo naman ang imagination ko, masyadong malawak. Haha.”

 

“K.”

 

“Oy best.”

 

“Ow?”

 

“Kanina pa tingin ng tingin sayo yung mga nasa kabilang table oh.” Aniya sabay turo sa katabi naming table.

Napalingon naman ako sa tinuro ni Grace. Nahuli ko nga silang nakatingin sa amin. Magkatabi lang kasi kami ni Grace at malapit pa sa may bintana. Ayaw namin sa bandang gitna. Madadaanan kasi ng mga pupunta sa counter.

Nasaan kami ngayon? Eh di nasa paborito naming mcdo! Dito kami palaging napunta kapag break time namin nung college pa kami.

Hmm.. May itsura naman sila pero hindi naman super gwapo. Siguro kung ako pa rin yung Sai nung college, malamang na pinatulan ko na sila. Nene pa ako nun eh. Pero ngayon? Na-uh. They’re not my type.

Kinindatan pa ako nung isa. Inirapan ko nga. Feeler. Feeling mo gwapo mo kuya. Chura mo.

“Eeww lang Grace. Hindi sila pogi.” Sabi ko kay Grace. I’m just saying the truth. Hindi nga sila pogi. May itsura nga lang di ba?

I'm His Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon