Kabanata Labing Walo

13.8K 146 6
                                    

Humihingi ako ng paumanhin sa maikling update na nagawa ko. Pasensya na talaga. Na adik na naman kasi ako sa idate eh. Sorry naman >.<

Basahin niyo po ang authors note sa dulo ng update na to. Nandun lahat ng kasagutan kung naguguluhan man po kayo sa story.


Ja ne ~


Chapter 18

“Why are you staring at me Mr. Choi?” nakairap niyang tanong sakin.

Andito kami ngayon sa isang coffee shop at idinidiscuss niya sakin ang mga designs na kailangan naming gawin. Isang architectural firm ang business ko. Magpapatayo sila ng bagong branch sa may Las Piñas kaya heto’t sa company namin lumapit ang kuya niya. Nasa business trip daw si Mr. Sekirei kaya si Sayuri na ang nakipag-usap samin.

Nalaglag ng secretary ko ang kutsara niya kaya naputol ang titigan namin ni Sayuri. Halata namang sinadya niya eh. Kanina ko pa rin napapansing iniirapan niya ang client namin. Bad secretary.

“You’re explaining right? I’m just listening.”

 

“Psh. Let’s end this meeting. I think nasabi ko na sayo lahat ng requirements ko.” Yun lang at tumayo na ito pero mas mabilis ang reflexes ko kesa sa kanya kaya’t nahawakan ko kaagad ang kanang braso niya. Naaasar naman niya akong nilingon.

“What?!”

 

Ngumiti ako sa kanya. “Can I get your number? I mean, your personal number?”

 

Binawi niya ang braso niya sakin. “Get lost!” yun lang at bumira na siya ng alis. Naiwan naman akong nakangiti.

“Bat niyo ginawa yun sir?”

 

“Cause I like her. Isn’t that obvious?”

Umirap siya sakin. “Hindi kayo bagay, Sir.” She said sabay hawi sa buhok niya.

Style mo bulok.

Ngumiti siya ng very seductive at binasa ang labi niya. Oh shoot. Hindi ako nate-turn-on. Please lang.

“Then kung hindi kami bagay, sinong bagay sakin?”

 

“Ako.”diretso niyang sagot.

“Oh. Mas lalong hindi tayo bagay. Bumalik ka na sa office. Wag mo na rin ako antayin.”

 

Mukha naman siyang naasar at hindi na umangal sakin. Nagdiretso na ko sa parking lot at hindi na siya isinakay. Ano siya sinuswerte?

I'm His Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon