May special extra scene si Carl diyan beh :)
Hahaha. Kapupulutan kasi ng aral eh. Gusto ko lang ishare xD
LOL, Baka mabasa niya pa to matroll pa ko haha
Chapter 31
“Can we talk?” tanong ko kay Sai. Tumingin muna siya kay Nathan at binigyan siya nito ng go signal.
Sa bandang veranda ng glass house ko siya dinala.
“Kamusta ka na?” paunang tanong ko sa kanya nang makaupo na kami sa bench.
“Eto pretty pa rin.” Nakangiti niyang sagot sa akin. Napangiti na lang din ako.
I sighed. “Parang kailan lang no? College pa lang tayo at wala pang masyadong problema. Isa lang ang problema natin, yun ay kung paano tayo papasa sa mga quizzes at exams. Oh, ako nga lang pala ang namomroblema dun hahahaha. Matalino ka kasi eh.” We’re now reminiscing our memories together.
“Yeah. Nakakamiss yung mga moments natin nung college. We used to sing in the rain. Hahaha. Naalala ko nga nung naligo tayo nila Joe sa ulan nung sportsfest natin then kumakanta rin tayo na para bang mga baliw. Hahahaha. Naglaro pa nga tayo ng habulan nun eh.” Kwento naman niya. Nakatingin lang ako sa kanya. She’s really beautiful. Yung ganda niya, hindi nakakasawa. Kahit buong araw mo siyang titigan, hinding hindi ka magsasawa. Plus, shes funny to be with.
Ang swerte swerte talaga ni Nathan sa kanya.
“Oo, naalala ko pa nga yun. Naalala mo pa nung time na yun si Carla? Yung laging binubully nila Jie Em at Lorely? Di ba gumawa sila ng kababalaghan sa 5th floor ng boyfriend niya? Kaya nga palagi silang laman ng blind item ni Allan nung time na yun. Naalala mo pa ba?”
Tumawa naman siya sa kwento ko. Mukha ngang aliw na aliw siya sa pagrereminisce ng college life namin.
“Oo naaalala ko pa yun. Kadiri nga siya eh. Pero siguro mahal lang talaga niya yung boyfriend niya kaya handa siyang gawin lahat wag lang siyang iwan. Kahit na sarili pa niya ang sinisi…ra… niya.” Bigla naman siyang lumungkot dahil sa huling sinabi niya.
Umayos ako ng upo at tumingin sa langit. Ayokong makita siyang nalulungkot. Ganoon din ang nararamdaman ko. Malakas talaga makahawa si Sai. Pati emosyon niya, maaabsorb mo.
“Ganoon talaga minsan pag nagmamahal ka. Di mo namamalayan, nagiging selfish ka na. Masama bang maging madamot? Masama bang maging matalino minsan? Pag mahal mo ang isang tao, hindi maiiwasang maging makasarili ka. Yung tipong handa kang gawin ang lahat makasama lang ang mahal mo, mahal ka man niya o hindi.” Napabuntong hininga na lang kaming pareho.
“I’m sorry Sai kung naging ganyan man ako. Yung time na naging makasarili ako, hindi ko pinagsisisihan yun. Naging Masaya ako sa loob ng limang taon. Sa limang taon nating pagsasama, naging tao ako. Bakit ako magsisisi kung naging maligaya naman ako kahit papano?”
BINABASA MO ANG
I'm His Wife [COMPLETED]
RomanceBasahin ang prologue kung gusto niyo XD Post nyo yung email add nyo sa profile page ko if gusto nyo ng softcopy.