Play the music mamaya para ma feel niyo yung pagkanta ni Nathan :)
Chapter 23
“We miss you ‘pre!” bungad sa akin ni Jolo, Ed at Christian nang makarating ako sa NAIA.
“Aminin niyo nga, bading ba kayo?” natatawa kong tanong sa kanila. Paano, lahat sila yumakap sakin. You know. Group hug which is girls lang ang gumagawa nun madalas haha.
“Gago ka ‘tol! Sinong bading? Sapakin kita riyan eh.” React kaagad ni Ed.
Napangisi naman kaming tatlo.
“Well.. Ano nga ba ang kasabihan? Ang unang pumutak, guilty! Hahahaha.” Sabi ko sabay bunghalit ng tawa. Nakitawa na rin sina Jolo at Christian.
Pabiro naman akong sinuntok ni Ed sa braso.
“Gago ka ‘tol.”
“Mas gago ka Ed.”
“Oh sya sya, tara na.” yaya samin ni Christian.
Ok naman silang tatlo maging kaibigan although madalas din kaming mag-away away dahil sa pagiging pakialamero nila but I guess ganun siguro talaga kapag may kaibigan ka. May key na sila sa buhay mo at may karapatan naman silang pakialaman ka sa mga desisyon mo lalo na’t makasasama sayo bandang huli.
“Musta buhay sa Japan ‘pre?” tanong kaagad sakin ni Jolo nang makasakay na kami sa kotseng dala nila.
I ignore his question. “Kaninong kotse to?”
“Sakin.” Sagot ni Christian na siyang nagdadrive.
“Bagong bili?”
Ngumiti naman siya sabay tango. “Alam mo namang kuripot ako di ba? Si daddy ang bumili niyan. Regalo ba.”
“Wow ha. Kailan pa kayo naging close ng daddy mo?” di makapaniwala kong tanong sa kanya.
“Last week lang. Napag-isip isip ko kasing wala rin namang patutunguhan ang pagrerebelde ko kaya I stopped. Besides, ayoko namang mamuhay kami ni Lianne na may galit pa ko sa daddy ko.”
Automatic namang napangiti ako sa sinabi niya. Nagbago na nga talaga si Christian. Sabihin na nating he’s a bad boy and a Casanova at the same time nung hindi pa niya nakikilala si Lianne. Lianne is his present girlfriend and soon to be wife. Ayaw nang pakawalan ni gago kaya niyaya na niyang pakasal. Mahal naman siya ni Lianne kaya pumayag na rin. Seriously, ang bait bait ni Lianne para mapunta lang kay Chris. Hahaha. Masama ba ako? I’m just being honest. Pero siguro nga ganun talaga. Opposite attracts hindi ba? I guess tama ang physics.
BINABASA MO ANG
I'm His Wife [COMPLETED]
RomanceBasahin ang prologue kung gusto niyo XD Post nyo yung email add nyo sa profile page ko if gusto nyo ng softcopy.