Kabanata Tatlumpu't Pito

10.3K 89 0
                                    

Chapter 37

“Bakit ka nakatulala lang diyan, oneechan? Naghihintay na ang groom mo sa labas.” Napatingin ako sa nagsalita.

Agad akong ngumiti sa kanya. “Nagre-reminisce lang.”

 

“Reminisce?” nagtatakang tanong niya sakin. Ngumiti lang ako sa kanya at itinuon ang tingin sa salamin.

Tinitingnan ko ngayon ang sarili kong repleksyon. Akalain mo yun, may happy ending din pala ang story ko.

Matapos ang maraming problemang dumaan, sa simbahan din pala kami mapupunta ni Nathan. Akala ko nga, hindi talaga kami para sa isa’t isa. Akala ko, wala na ang Nathan at Sai couple.

Marami kaming pinagdaanang problema pero lahat yun nalusutan namin. Nagawan ng solusyon. Nang magkasama.

Ang sabi nga ng iba, ang tibay daw ng “relasyon” namin dahil ilang problema na ang inabot namin pero nanatili paring kami.

 

Siguro nga kung para talaga kayo sa isa’t isa, kahit ano pa ang dumating, kayo at kayo pa rin sa huli. Hmmm.. Noon, hindi ako naniniwala diyan pero sa pinagdaanan namin ni Nathan? Naniniwala na ako.

“Neechan, let’s go. Hinihintay ka na nila.” Untag sakin ni Rai sabay abot ng kamay. Inabot ko naman ito at nakangiting tumango sa kanya.

“Let’s go.”

 

*~*~*~*~*~*

 

What if I never knew?

What if I never founded you?

I’d never had this feeling in my heart…

 

How did this come to be?

 

Napatingin ako sa mga kumakanta habang mabagal akong lumalakad sa aisle.

Ngumiti ako kay Ralf na kumakanta kasama ang bago niyang girlfriend. Naalala ko tuloy nang sabihin ko sa kanyang ikakasal na ulit kami ni Nathan. Iyon din ang time kung kelan ipinakilala niya sa akin ang girlfriend niya.

“Congrat’s Ralf! Ang ganda ganda ng girlfriend mo! Kelan kasal?”

 

Naiiling na tumingin siya sakin. Namula naman ang kasama niya.

 

“What’s her name?”

 

“Sheena.” Sagot ni Ralf.

 

“I’m happy for you Ralf.”

 

“I’m happy for you too, Sai.”

I'm His Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon