Kabanata Pito

20.7K 262 0
                                    

Chapter 7

 

“BREAK NA KAYO??????!!!!!” sigaw ni Grace sakin. Sinabi ko na sa kanila kasi na nakipagbreak na ko kay Ralf. Well, pinalipas ko muna ang one week bago ko sinabi sa kanila.

“Bat kayo nag break?” tanong naman sakin ni Ethan. Pakiramdam ko nasa hot seat ako ngayon. Feeling nasa ‘The Buzz’ ako sa ginagawang pagtatanong nang dalawang toh. Makareact kala mo sila si Ralf.

“OO nga! Bat kayo nagbreak?!”

 

“Pwede ba best, hinaan mo boses mo?”

 

“Sorry. Ge, sagutin mo na yung tanong namin.”

 

“Third party ba yan?”

 

“Oh baka naman sumegway ka na rin tulad ko? Naligaw ka na rin ng daan? Di ka na straight?”

 

“WILL YOU JUST SHUT UP FOR A WHILE?” gustuhin ko mang sigawan tong dalawang toh, hindi ko magawa dahil nasa foodcourt kami. Ayoko namang mag-iskandalo dito.

Nag nod naman sila pareho. Buti naman.

“First, walang third party. Uhm, pero pwede rin.”

 

“ANO BA TALAGA???!” sabay nilang sabi.

I gave them my super death glare. Ugh! Paano ba ko makakapagpaliwanag nang maayos kung ganyan sila di ba?

“Continue.”

 

“Mamaya na kayo magreact please?” nag nod naman sila as their response.

“Mamili kayo ng way ng pagpapaliwanag ko, the long way or the short one?”

 

“Short” sagot naman nila.

“Tutal short ang pinili niyo, direct to the point na tayo. Wala ng paligoy-ligoy pa. Actually, nag break kami because of one thing. Held your breath… This is it. Ano? Gusto niyo na malaman?” binatukan naman ako ni Ethan. HAHA. Ang seryoso kasi nila eh XD

“Sabihin mo na kasi!”

 

“Nice one Ethan. Thank you sa batok.”

 

“Welcome. Go on.” I rolled my eyes.

“Nagbreak kami dahil nandito na sa Pilipinas ang asawa ko.”

 

I'm His Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon