Epilogue

4.9K 81 8
                                    

Epilogue

Siguro nga hindi kami perfect ni Nathan.

May mga flaws din kami.

Parati kaming nag-aaway kahit na sa maliliit na bagay lang.

May hindi lang mapagkasunduan, nag-aaway na kaagad.

Hindi kami kasing sweet tulad ng mga couples sa pelikula at koreanovela.

Hindi rin kami sobrang dedicated sa buhay asawa tulad  ng iba.

Pero isa lang ang alam ko.

Hindi man kami kasing perfect ng iba, madalas man kaming hindi magkasundo over little things, hindi man kami super sweet sa isa't isa, hindi mawawala ang pagmamahal namin para sa isa't isa.

Magunaw man ang mundo ngayon, siya pa rin ang mamahalin ko. Kunin man ako ni Lord ngayon (wag naman sana), hihilingin ko pa rin na sana siya ang makasama ko sa susunod kong buhay.

Si Nathan lang wala ng iba.

Parang wala nang saysay ang buhay ko kung hindi rin lang si Nathan ang makakasama ko.

Till death do us part. 

Oo, till death do us part. Sisiguraduhin kong kahit kamatayan, hindi kami mapaghihiwalay. Mamatay man ang isa sa amin, mananatili pa rin ang pagmamahal namin. Hinding hindi kami makakalimot at sisiguraduhing magkakasama rin kami sa kabilang buhay.

Mahal na mahal is just an understatement. Hindi kayang mameasure ng siyensya at math ang pagmamahal ko para kay Nathan at alam kong ganoon din siya sakin.

Para siguro sa iba, sobrang nakakaantig ang story namin dahil naharap naming pareho ang lahat ng pagsubok nang magkasama.

Maswerte ako kay Nathan. Hindi dahil sa mayaman siya kung hindi dahil wagas ang pagmamahal niya sakin. Hindi niya ko iniwan kahit na kailan. Ako lang ang nag-iisang babae sa buhay niya at mananatiling number one sa puso niya.

Siguro nga nakakainggit ako pero totoo talaga yun. Mainggit lang kayo dahil nasa akin si Nathan.

Pero tiwala lang. makakakita rin kayo ng prince charming niyo balang araw. Ay wag pala prince charming. Wag kayong maghahangad ng prince charming dahil tatanda lang kayong dalaga sa kakaantay sa kanya.

Walang prince charming. Walang perfect na tao. Si prince charming, nasa fairtytale lang. matuto tayong tanggapin ang flaws ng bawat isa. Kung mahal mo talaga ang isang tao, tatanggapin mo siya ng buong buo at iaalay mo naman ang sarili mo nang buong-buo. Yun bang tipong sure ka na sya lang ang mahal mo at hindi nahahati ang puso mo sa dalawa.

Mahirap yun at nakakasakit. Dapat isa lang. Isa lang ang puso natin kaya isa lang dapat ang taong mahalin natin. Hindi naman dalawa ang puso natin para maging dalawa ang mahal natin hindi ba?

Be thankful of what you have. Be contented. Don't ask to much. Nakakasama ang sobrang dami. Humiling ka kay Lord ng tamang lalaki para sayo, hindi ng perfect. Walang perfect na tao. Si Lord lang.

You need to be sure kung sino ba talaga ang mahal mo. Wag kang gumamit ng iba just to forget someone. Sometimes applicable yun. Sometimes not. May mga tao na nakakalimutan ang past lover nila kapag nakakatagpo sila ng gagawing "Panakip Butas". Remember, walang gustong maging panakip butas. Kung ikaw kaya ang gawing ganoon ng mahal mo, kakayanin mo ba? Siguro sa umpisa oo, pero paano kung dumating ang araw at magkatagpo sila ng past lover niya at nagkasundong ituloy ang naudlot nilang pagmamahalan, sa tingin mo, sinong maiiwanan? Ikaw lang din hindi ba?

Hindi ko sinabing magmahal ka sa wala pang experience sa love. What I mean is, pumili kang mabuti ng mamahalin. Yun bang worth niya ang pagmamahal mo. Yung tipong kahit hindi ka niya masuklian, hindi ka nagsisising pinabayaan na lang siya sa iba at hindi mo na hiningi pa ang sukli mo dahil dun naman siya sasaya. Magulo ba ang sinabi ko? Mas magulo pa diyan ang love.

I'm His Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon