Kabanata Labing Dalawa

16.5K 187 2
                                    

Chapter 12

Hanggang ngayon,nag eecho pa rin sa pandinig ko yung sinabi sa kin ni Nathan kahapon.

First time nya kong sabihan ng ganun. As in never siya nagsasabi ng bad words sakin kahit na super kulit ko at kahit na sobrang sama ko sa kanya. NEVER NIYA KO SINAMPAL.

Am I that bad? Am I the bad person here? Hindi ba dapat, sarili niya ang sampalin niya? SIYA ang may kasalanan ng lahat eh! Eh anu naman kung may iba kong kasamang lalaki, ibig bang sabihin SLUT na ko?

POtek!

Flashback

 

Gaya nga ng sabi ni Rulf, hinatid nga niya ko sa unit namin. Buhat buhat pa nga niya ko dahil hindi talaga ako makalakad sa sobrang sakit ng paa ko. Napaka gentleman naman niya >.<

 

Kung sa ibang lalaki siguro, baka pinabayaan na ko at humingi lang ng sorry or worst, iwanan ako with no’sorry’ at all.

 

Nasa tapat na kami ng unit namin ng biglang bumukas yung pinto. Syempre, sinong lalabas dun di ba?

 

Si Nathan…

 

 

 

But…

 

 

With a girl.

 

Langhiya tong asawa ko! Ang kapal ng mukhang magdala ng babae sa pamamahay NAMIN.

 

Pag kasal kayo diba, ang pag-aari niya ay pag-aari mo rin? In short, conjugal property? Ibig sabihin, may karapatan akong angkinin ang condo niya.

 

Lahat kami nagulat, except syempre kay Rulf. Hindi naman niya kilala si Nathan eh. Mas lalo naman siguro si girlaloo na kasama ni Nathan. Si girlaloo yung mala-Girls Generation ang peg last time. Yung umiiyak na pinaalis ni Nathan.

 

Hinila ko yung sleeve ni Rulf para isenyas na ibaba niya ko. Ginawa naman niya. Humarap ako kila Nathan. Expressionless as expected.

 

Napansin kong ang daming bruises ni girl. As in ang dami. Yung iba naman eh nakabandage.

 

“San ka galing?” tanong ni Nathan sakin pero bago pa ko sumagot eh muntikan na ko tumumba, buti na lang naagapan ako kaagad ni Rulf. Ang sakit pa rin kasi ng paa ko.

 

Lumapit samin si Nathan at inalis yung kamay ni Rulf na nakakapit sa braso ko. Dahil dun, natumba ako.

 

“Wag kang umarte diyan Sai. Tumayo ka!” sigaw sakin ni Nathan.

 

Naiiyak ako hindi dahil sa masakit ang paa ko kundi pakiramdam ko galit na galit sakin si Nathan though hindi ko naman alam kung may dapat ba siyang ikagalit sakin. Wala naman akong ginagawang masama.

I'm His Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon