Chapter 4

3.6K 148 32
                                    

MAKULIMLIM ang langit paglabas ko ng building kaya napailing na lang ako. Kung hindi ako magmamadali sa paglalakad, baka wala na akong maabutang jeep sa terminal tapos nagbabadya pang bumagsak ang malakas na ulan!

Kaya nga kulang na lang ay tumakbo ako para maabutan ang huling jeep na nasisipat ng mga mata ko pero kitang-kita ko kung paanong naunahan na ako ng isang pasahero at tuluyan nang napuno ang sasakyan. Ibig sabihin, kailangan ko pang maghintay sa terminal ng panibago. 

Nakakainis dahil uwing-uwi na ako pero wala naman akong magagawa!

Pag-alis ng naturang jeep ay umupo agad ako sa isang tabi at pinanuod ang mga takatak boys habang nagpaparamihan ng kita nila. Lumipas ang kinse minuto, kataka-taka na wala pa ring bagong jeep na dumarating. This time, bumuhos na ang ulan kaya naisip ko na nagkanda-buhol-buhol na ang traffic.

Lamig na lamig na ako sa kinauupuan ko dahil manipis lang naman ang suot kong blouse at wala pa akong baong jacket. Yung pagod ka na tapos dumoble pa ang pagod mo, ganu'n na ganu'n ang pakiramdam ko!

Ang malas ko talaga!

Nagmumura na ako sa isip habang tahimik na tinitiis ang kapalaran ko nang biglang mag-vibrate ang phone ko sa bulsa indikasyon na may tumatawag. Kaagad ko 'yung kinuha at sinagot tapos laking gulat ko nang marinig ko boses ng boss ko sa kabilang linya!

"Eli, where the hell are you?" Sa isip ko, bakit galit kaagad bungad n'ya? Wala bang "Hello, ganda" muna d'yan?

"Nasa terminal na po ng jeep, Ma'am..."

"Ang sabi ko, wait for me, 'di ba? May kinausap lang ako sa phone, bigla ka naman nawala kanina." Anya dahilan para magsalubong ang mga kilay ko. Hindi ko na maalala na sinabi n'ya 'yun. Baka uwing-uwi lang talaga ako. Pero tapos na rin naman ang working hours kaya ano'ng kinagagalit n'ya? Unless, pinag-o-overtime n'ya ako, patay!

"Eh, sorry po. Hindi ko po narinig 'yung... Hachooo!" Nakakahiya!

"Are you okay? What's happening?" Bakas sa boses n'ya ang pag-aalala. Kanina parang tigreng manlalapa ngayon daig pa ang maamong tupa. Baka nakonsensya sa pagsusungit n'ya.

"Ms. Rivera, tinatanong kita. Sabi mo nasa terminal ka ng jeep. Naghihintay ka pa rin ba?"

"Opo. Naiwan po kasi ako nung huling jeep na umalis. Kaya lang dahil sa ulan, baka na-traffic 'yung mga susunod kaya 'di pa nakakarating dito." Sagot ko. Totoo naman dahil bahain ang mga kalsada na dinaraanan ko pauwi. At alam na alam ko 'yung struggle.

"Kaya mo bang pumunta sa pinakamalapit na convenient store pag tumila ang ulan? Sabi rito sa waze, meron d'yan sa area mo. Du'n mo 'ko hintayin, sunduin kita." Anya. Kokontra pa sana ako pero binabaan na n'ya ako ng phone. Napa-iling na lang ako at saka inayos ang aking sarili. Mabuti na lang dahil humina na kahit paano ang ulan at kaya na ng payong kong suungin ito.

Naawa yata sakin ang langit.

Habang daan, napapaisip ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit ako susunduin dun ng boss ko pero natutuhan kong manahimik na lang kesa magtanong. In-expect ko na baka pagagalitan n'ya ako kasi umuwi na ako kaagad.

Bahala na. Magso-sorry na lang ulit ako.

Nang makarating ako sa pinaka-malapit na convenient store, natanaw ko kaagad ang kotse ng boss ko. Bumusina s'ya at ibinaba ang bintana nito. Lumapit ako pero bago pa ako magsalita, binuksan na n'ya ang pinto at inutusan akong pumasok katabi n'ya sa driver seat. 

Napaka-maotoridad talaga n'ya, wala akong palag kaya 'di na ako nahiya na mabasa ang sahig ng kotse nya ng sapatos ko. Pagsakay ko sa kotse n'ya, nag-chill ako sa aircon kaya hininaan n'ya. Okay, considerate naman.

Always, loving you (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon