Chapter 18

2.3K 91 9
                                    

"DEBBIE, apo, pumirme ka nga. Ako ang nahihilo sa 'yong bata ka, eh. Kumalma ka."

"Pero, La, paano ako kakalma? Hanggang ngayon, hindi pa rin nagigising si Eli. Paano kung hindi pala s'ya okay katulad nang sinabi ng doktor kanina? Pag nagkataon, hinding-hindi ko talaga mapapatawad si Vincent!"

"Yan bang Vincent na 'yan eh takas sa mental hospital? Kasi kung oo, dapat i-report mo na s'ya, apo. Pa'no kung napuruhan n'ya si Eli ko? At pag nagising 'yang bata, wala nang maalala?" Sabi ni Lola dahilan para kumirot ang sintido ko. Kahit kailan nakakaloka talaga s'ya! At partida, ang hilig pang gumawa ng kuwento! Lalo tuloy nag-alala si Debbie matapos n'yang marinig ang sinabi ng lola ko.

Kaya nga para mabawasan ang dinadala n'ya, nag-desisyon na akong umeksena. Una kong ginawa ay ginalaw ko ang mga daliri ko sa kamay tapos ay dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata.

Hindi naman malubha ang nangyari sa 'kin para ma-comatose pero kamuntik-muntikan na rin dahil sa ginawa sa 'kin ng Vincent na 'yun. Ang lalaking 'yun, plano ba talaga n'yang patayin ako? Ganu'n na ba talaga kalala ang galit n'ya sa 'kin?

Sa pagkakatanda ko, wala naman akong ginagawang mali. S'ya nga ang may ginawang mali at patuloy lang n'yang dinadagdagan ang mga kasalanan n'ya.

"Tubig..." Garalgal ang boses ko dahil uhaw na uhaw ako. Tapos kitang-kita na magkasabay na napalingon sa 'kin sina Lola at Debbie. Partida, nag-unahan pa silang dalawa papalapit sa higaan ko. Pero s'yempre pinauna ni Debbie si Lola.

"Apo, ikaw ba 'yan?" Tanong ni Lola. Pambihira, ni-retoke ba ang mukha ko para pagdudahan n'ya kung ako ba talaga 'to?

"La, naman. Malamang."

"Oo nga, Debbie, s'ya nga ang Eli ko..." Bakas sa boses ni Lola ang labis na saya. Nakita ko rin na namasa ang mga mata n'ya tapos naramdaman ko na lang na niyapos n'ya ako. Pati ako naiyak na rin dahil na-miss ko ang lola ko.

Nakita ko namang nakangiti si Debbie nang magtama ang mga mata namin. Tila nagka-intindihan kami kahit hindi kami nag-uusap. Alam kong masaya rin s'ya dahil ligtas ako,

Gosh, I miss my gorgeous girlfriend!

"I'll make sure na magbabayad ang Vincent na 'yun sa ginawa n'ya sa 'yo, sweetheart. Hinding-hindi ko s'ya mapapatawad dahil sinaktan ka n'ya." Banta ni Debbie. Napalunok laway naman ako dahil sa tono n'ya. Alam ko na medyo intimidating na s'ya pero mas nakakatakot s'ya this time.

"Aba, dapat lang, Debbie. Wag mong hahayaan na masaktan pa ulit ng Vincent na 'yun ang Eli ko." Segunda ni Lola. Grabe, daig pa nila 'yung nagpa-plano ng assassination, help!

***

"I'M REALLY sorry kasi hindi kita na-protektahan. Bilang girlfriend mo, responsibilidad ko na alagaan ka at wag kang hayaang masaktan ninoman. At hindi ko 'yun nagawa dahil hinayaan kong puntiryahin ka ng ex-husband ko, Eli." Malungkot na saad ni Debbie.

Hapon na nito pero nasa ospital pa rin ako. Sabi naman ng doktor na tumingin sa 'kin ay okay ang vitals ko at puede na akong ma-discharge. Pero nag-insist si Debbie na bukas na lang ako lumabas since gusto pa nila akong pagpahingahin.

Seriously, ang sakit na ng likod ko kahihiga pero wala na lang akong sinabi kasi pinagtulungan na nila ako ni Lola. And by the way, lumabas lang sandali si Lola para kausapin ang doktor or para mag-CR or ewan ko actually. So, kami lang dalawa ng girlfriend ko ang nasa kwarto ngayon.

Grabe, sasabihin ko ulit na na-miss ko s'ya.

Kaya nga hindi ko na napigilang haplusin ang pisngi n'ya dahilan para lumambot ang mga tingin n'ya. Napangiti naman ako bago s'ya pasimpleng hinalikan sa pisngi. S'yempre, 'di pa ako nagto-toothbrush 'no? Baka may masabi s'ya.

"I miss you, Deb. Parang isang siglo kitang 'di nakita. Ba't lalo kang gumanda?" Okay, ang harot ko, please. Nakita ko naman s'yang natawa kaya sumaya ang puso ko. Ang seryoso kasi n'ya kanina while saying sorry to me samantalang wala naman s'yang kasalanan. Kung meron mang may kasalanan 'yun 'yung damuho n'yang ex-husband.

"Ikaw talaga. Pero na-miss rin kita. Nu'ng wala ka ngang malay, hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong sira, aligaga, stress at frustrated. Mabuti pinakalma ako ni Lola kasi, naku..."

"Deb, I'm okay."

"I'm really sorry pa rin."

"Wala ka namang kasalanan kaya hindi ka dapat mag-sorry."

"Pero pinatuloy ko sa bahay ko ang lalaking 'yun. 'Yan, sinaktan ka n'ya. Feeling ko kasalanan ko talaga." Pagpipilitan n'ya. Napailing na lang ako sabay haplos sa makinis n'yang braso para mapakalma s'ya.

"Mukhang hindi pa rin nakaka-get over sa 'yo si Vincent. He's trying to win you back, Deb. Ang totoo, natatakot ako sa mga puedeng mangyari." Sabi ko sa kan'ya. Kasi kahit ano'ng pagmamatapang naman ang gawin ko, nakakatakot pa rin talaga.

Kilalang personalidad si Vincent. Hindi s'ya basta kung sino. May mga koneksyon s'ya sa business and politics industry, pa'no kung gamitin n'ya 'yun para paghiwalayin kami ni Debbie? Or saktan si Debbie para lang makuha n'ya ulit? Mas 'yun ang hinding-hindi ko matatanggap.

"Pwes, wala s'yang mapapala dahil hinding-hindi na ako babalik sa kan'ya. Nagkakaganu'n lang naman s'ya kasi nadungisan ang reputasyon n'ya at pagkalalaki dahil sa divorce namin. Pero sana naisip na n'ya 'yun bago s'ya nagloko at naging abusado. Yung paghihiwalay namin ng landas is actually a blessing to me, Eli. Tapos..." Napalunok-laway ako nang magtama ang aming paningin. Sobrang sinsero n'ya kasi sa mga sinasabi n'ya. Tipong bawat salitang lumalabas sa bibig n'ya ay tumatagos sa puso ko.

"Tapos dumating ka pa sa buhay ko. Iniligtas mo 'ko. Tinuruan mo 'kong maging masaya, magmahal ulit at maging malaya." Anya sabay ngiti. Grabe, parang gustong mag-sirko balentong ng puso ko sa kilig dahil sa mga linyahan n'ya. Pero s'yempre hindi ko 'yun masyadong pinahalata. Baka sabihin n'yo marupok ako, well, medyo.

"Ako nga ang dapat magpasalamat kasi nand'yan ka. Kaya wag na wag mong sisisihin ang sarili mo sa nangyari sa 'kin dahil wala kang kasalanan. Sinisisi ka ba ni Lola?"

"Hindi."

"Sinisi ba kita?"

"Hindi rin pero..."

"Enough. Walang may gusto sa nangyari. Okay?" Sabi ko dahilan para tumango si Debbie. Napangiti naman ako dahil mukhang nakumbinsi ko s'ya. Tapos naramdaman kong hinawakan ni Debbie ang mga kamay ko at marahang pinisil 'yun.

"Masaya ako dahil okay ka na." Saad n'ya. Tapos napasinghap ako nang ilapit n'ya ang mukha n'ya para magdikit ang labi namin. Mag-iinarte pa ba ako? S'yempre, nagpatianod na ako nang halikan n'ya ako.

Sakto nang maghiwalay ang labi namin ay s'ya namang pagpasok ni Lola.

"Ay, naku! Ang haharot n'yo talaga. Dito pa kayo naglampungan!"

🌷💐🌻

Always, loving you (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon