"A-ANO 'ka mo?" Natawa ako nang bumuntong-hininga si Cara sa kabilang linya. Kausap ko kasi s'ya sa phone right now dahil miss na raw n'ya ako. Kahapon ay nagpasa ako ng resignation letter sa opisina ni Debbie pero hindi ko s'ya naabutan du'n. Sabi lang ni Cara, may lunch out meeting with the client si Debbie kaya wala s'ya doon. Hindi ko na rin s'ya hinintay sa halip ay iniwan ko na lang sa table n'ya ang resignation letter ko. Tapos umalis na ako't umuwi sa 'min.
"Paulit-ulit, Eli? Ano, nabinggi ka na salagay na 'yan?" Anya dahilan para matawa ulit ako. Napasapo ako sa 'king pisngi na bahagyang nag-iinit at alam kong namumula na.
"Hindi lang kasi ako makapaniwala sa sinabi mo."
"Alin ba? Yung pinunit ng amo natin ang papel na iniwan mo 'pagkakita n'ya du'n sa desk n'ya kahapon? Maniwala ka kasi ako mismo ang nakakita kung paano umusok ang mga mata ni Boss Debbie nang mabasa n'ya 'yung sulat mo sa kan'ya. Ay, sandali. If you don't mind, ano ba kasi 'yung iniwan mo? Saka ba't ilang araw ka nang absent? Kelan mo balak pumasok? Ako kaya ang gumagawa ng trabaho mo, mahiya ka naman sa 'kin!" Maktol n'ya. Bigla tuloy akong na-guilty kasi hindi ko nabanggit sa kan'ya na resigned na ako.
"Ang totoo, resignation letter 'yun, Cara. For formalization, ganun."
"What?! You mean, nag-resign ka na? Napaka gaga mo naman. Hindi ka na ba magre-render ng 30 days? Saka bakit? Ayaw mo na ba sa office natin? O, baka naman nag-away kayo ng boss mo? Sinungitan ka ba n'ya? Ako kasi ilang araw na n'yang tinatarayan dito kaya baka sumunod na ako sa 'yo." May halong biro na saad n'ya. Lalo tuloy nadagdagan ang pagka-guilty na nadarama ko dahil sinalo ni Cara ang trabahong iniwan ko. Ayaw ko naman sana itong abandunahin kaso gusto ko na lang mag-move on sa buhay ko.
Besides, considered AWOL na ako base sa company guidelines namin dahil 3 plus days na akong absent. For formality na lang talaga ang resignation letter ko na pinunit nga raw ni Debbie kahapon. Wala namang karapatang pigilan ng employer ang empleyado n'ya kung gusto na nitong umalis, 'di ba? So, anyway, natawa lang ako sa thought na nagawa 'yun ng ex-girlfriend and former boss ko. Nai-imagine ko tuloy na iritang-irita s'ya but at the same time napapaisip ako kung galit ba s'ya sa 'kin or what dahil sa pakikipag-break ko. Until now, hindi pa rin n'ya ako kino-contact sa phone ko. So, siguro natanggap na n'ya na tapos na talaga ang lahat sa 'min.
Sabagay, sino lang ba ako para pag-aksayahan ng panahon ng katulad n'yang busy na tao?
Okay, ginusto ko 'to kaya dapat kong tigilan ang pagse-self-pity.
"Hindi na ba magbabago ang desisyon mo? Sure na sure ka na ba talaga na aalis ka na?" Tanong ni Cara. Napakamot tuloy ako ng kilay kasi para namang mamamaalam ang peg ko.
"Oo, sorry hindi ko nasabi sa 'yo at hindi ko pa kayang sabihin sa 'yo ang dahilan. Pero umasa ka na okay lang naman ako." Sagot ko sa kan'ya. Muli ay bumuntong-hininga si Cara at tila naunawaan naman ang sitwasyon ko. Mabuti na lang dahil kahit ako mismo ay lutang at hindi hundred percent sure sa mga desisyon ko.
"Anong plan mo? May nahanap ka na bang new job kasi, 'di ba, hindi ka puedeng matengga ng matagal?" Tama s'ya. Hindi ako anak ng hari at reyna.
"Hmmm, wala pa pero meron na akong in-apply-an. And in fact..." Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-vibrate ito't nakita ko ang email na pumasok sa account ko. Pansamantala kong hinold ang tawag namin ni Cara para buksan at basahin ang naturang mensahe. Nanlaki ang mga mata ko't natuwa ako dahil imbitasyon 'yun for an interview and assessment sa isang kompanya na pinasahan ko ng resume. At bukas 'yun ng umaga!
"... may naka-schedule na akong interview bukas." Pagtatapos ko sa sinasabi ko. Bago namin ibaba ang call ay nagkuwentuhan pa kami ni Cara ng kung ano-ano tapos sinabihan n'ya ako ng "goodluck" para sa interview ko bukas. Nag-thank you lang ako and nagba-bye na. Aaminin kong na-miss ko rin s'ya and thankful ako sa universe dahil nagkaroon ako ng kaibigan na katulad n'ya sa office.
Bittersweet lang talaga ang pakiramdam kapag may isa sa inyo na kailangang umalis. Pero iniisip ko na lang na for greener pasture ang pangunahing dahilan ba't ko 'to gagawin. Anyway, excited na ako and at the same time ay kabado para sa job interview ko bukas. Plano kong matulog ng maaga at wag mag-overthink para masagot ko ng maayos ang itatanong sa 'kin.
Kailangan ko ang trabahong ito!
***
"So, ELI, bago ka umalis, pinapapunta ka ng boss sa office n'ya kasi gusto ka raw n'yang kausapin." Napatango ako nang sabihin 'yun ng kausap kong HR. S'ya kasi ang nag-initial interview sa 'kin tapos sinabi n'yang tatawagan na lang n'ya ako kapag may result na ang exam ko and whatnot. Kaso along the way, bigla akong pinatawag for final interview, I'm not sure, sa boss daw nila.
Nang ituro sa 'kin kung saang pinto ako papasok matapos n'ya akong ihatid ay nag-inhale-exhale muna ako ng dalawang beses. Paraan ko 'yun para mawala ang kaba sa dibdib ko kahit imposible namang mangyari 'yun. Di n'yo ako masisisi kung nerbyosa talaga akong tao. Pero may mga natutuhan naman ako sa ilang buwan kong pagtatrabaho kay Debbie sa kompaniya n'ya since same job description din naman ang in-apply-an ko sa company na kinaroroonan ko.
Nang mai-compose ko na ang aking sarili ay kumatok muna ako sa pinto ng tatlong beses. Nang may marinig akong nagsalita sa loob ng kuwarto hudyat na puede na akong pumasok ay pinihit ko na ang doorknob saka itinulak ang pinto.
Napapikit pa ako ng mata kesyo nasilaw ako sa tinding liwanag pagbukas ko ng pinto. Bakit naman kasi hindi sinasara ang kurtina sa pagkalaki-laking glass wall ng opisina? Akala ko tuloy si San Pedro na ang sasalubong sa 'kin pero ganu'n na lang ang gulat ko nang magsalubong ang mata namin ng lady boss na nasa loob.
"Oh, it's you." Aniya dahilan para lalo akong magtaka. Sandali, kilala ko 'tong magandang babae na 'to na kahawig ni Ann Colis, eh. Alam ko talaga nakita ko na s'ya somewhere. Wait, iniisip ko pa pero kapwa na kami napukaw sa 'ming pagtititigan nang may nag-flash ng toilet sa CR na nasa silid na 'yun at pagkatapos ay may pumihit ng doorknob mula sa loob. Nang bumukas ang pinto at lumabas ang tao galing sa naturang CR ay kulang nalang sumayad sa sahig ang bibig ko nang makita ko s'ya, aba, lalo na nang magkatitigan kami!
"Eli?"
"Debbie?"
"Wow, isali n'yo naman ako sa reunion n'yo."
"Maggie, ano'ng ibig sabihin nito? Ba't nandito ang girlfriend ko sa office mo?"
"She's an applicant, Deb."
"She's my girlfriend!"
"Correction, ex-girlfriend." Pagtutuwid ko. Kita ko naman na tiningnan ako ng masama ni Debbie sabay tiim bagang kaya bigla akong natakot para sa buhay ko.
Oh, fudge.
🏵️💐🌸
BINABASA MO ANG
Always, loving you (gxg) (COMPLETED)
RomanceSimple lang naman ang pangarap ni Eli, 'yun ay ang magkaroon sila ng maginhawang buhay ng kanyang lola. Ito na kasi ang nagpalaki sa kanya simula nang maaga syang maulila sa ina at iwan sya ng kanyang ama. Kaya gagawin nya ang lahat para maitaguyod...