"KUMUSTA na ang lola mo, Eli?" Tanong ni Maggie isang umaga habang busy ako sa pagtipa sa kompyuter ko. Hindi ko naramdaman na nakabalik na s'ya sa office n'ya after ng morning meeting n'ya sa labas. Oo nga pala, nag-leave ako sa work nu'ng isang araw kasi kailangan kong bantayan si Lola sa ospital. Under observation pa rin kasi s'ya. And nag-notice rin ako sa boss ko tungkol du'n kaya alam n'ya ang nangyayari.
"Mabuti na po sa ngayon. Sa makalawa na s'ya lalabas sa ospital kaso iniisip ko 'yung bill namin. Sabi ni Debbie, tutulungan n'ya ako pero nahihiya po akong tanggapin kahit na s'ya naman ang nag-alok." Pag-amin ko. Isinandal ko ang likod ko sa silyang kinauupuan ko't pinanatag ang tensyonado kong balikat. Nakita ko namang lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Maggie saka tumango. Napangiti naman ako. Napaka-panatag ng pakiramdam ko 'pag kasama s'ya. Hindi lang s'ya boss ko kasi para ko na rin s'yang kaibigan.
"Kung s'ya naman ang nag-alok, tanggapin mo. Hindi naman kayo iba ng lola mo sa kan'ya. Saka kilala ko si Deb, mas malulungkot 'yun 'pag tinanggihan mo. Alam mo, Eli, isa sa mga natutuhan ko sa buhay eh 'yung hayaan natin ang ibang tao na tulungan tayo. Sa ganu'ng paraan, nabibigyan natin sila ng kasiyahan." Napangiti ako dahil sa mga sinabi n'ya kasi ramdam kong bukal sa puso ang bawat katagang lumalabas sa kan'yang bibig.
"Pero naiintindihan ko naman na nahihiya ka. Siguro, puede ka namang bumawi sa susunod lalo na kapag may kakayahan ka na. And speaking of that..." Sinundan ko ng tingin ang boss ko habang rumarampa s'ya tungo sa kan'yang table. Tapos hinila n'ya ang drawer doon saka may kinuhang papel. Titig na titig ako sa hawak n'yang dokumento nang lumapit s'ya sa 'kin at ilapag 'yun sa mesa ko.
"Ano po 'to?"
"Mag-sign up ka d'yan kung gusto mong matuto ng ibang skills. May program kasi ang company natin tungkol sa mga employee na willing kumuha ng mga short term courses for improvement and self-development. Libre 'yan, sagot ng kompanya as part of our new project. Since wala naman tayong pasok tuwing weekend and ilang oras lang din naman 'yan, puedeng d'yan mo igugol 'yung araw mo. Or, puedeng after work, mag-extend ka na lang. Yan ay kung gusto mo lang naman, walang sapilitan." Gagi, s'yempre, gustong-gusto ko! Sinong engot ang papalagpasin ang oportunidad na 'to? Iniisip ko pa lang na puede akong matuto ng ibang skills na magagamit ko in the future eh nasasabik na ako!
"Thank you po, Boss." Sabi ko kaya natawa s'ya.
"No worries. Chance mo na 'yan para ma-discover kung ano 'yung trabaho o business na magpapayaman sa 'yo." Aniya sabay kindat. Natawa na lang ako bago pinagpatuloy ang pagtipa sa 'king computer.
Let other people help you- madalas, kinakaya ko ang mga bagay-bagay kasi nasanay akong gawin 'yun ng mag-isa. Hindi 'yun masama pero aminin na natin na mas madali kung merong mga tao na tumutulong sa 'tin. Hindi naman sa lagi mo na silang aasahan, pero kapag nakakatulong tayo, napapasaya natin ang ibang tao. At 'pag napasaya natin sila, nagiging masaya na rin tayo.
Sabi ko sa sarili ko, magsisikap ako para umasenso. Tapos kapag may kakayahan na ako, ako naman ang tutulong sa kapwa ko.
***
BREAD and pastry production ang short term course na kinuha ko since matagal ko nang pangarap na matutong gumawa at mag-design ng mga pastry products na puede kong ibenta online or sa physical store kapag nagkaroon na ako nito balang-araw. Hindi naman masamang mangarap pero para magkatotoo ang mga pangarap na 'yun kailangan nating pagtrabahuan. Sabi ng lola, hindi magkakatoo ang isang mithiin kung patuloy lang nating hihilingin.
"So busy ng baby ko, hindi na ako maasikaso." Natawa ako sa sinabi ni Debbie and at the same time ay nangilabot matapos n'yang himas-himasin ang braso ko. Magkasama kami ngayon sa condo unit n'ya, date night.
"Pero masaya ako kasi masaya ka sa ginagawa mo, Eli. I'm so proud of you!" Sabi pa n'ya dahilan para mamayani ang labis na ligaya sa puso ko.
"Thankful ako kay Maggie kasi may ganu'n silang programa sa company nila. Ang laking bagay nu'n sa mga empleyado na gustong matuto ng ibang skills. Pero napaisip lang ako, hindi ba s'ya threaten kasi baka iwanan s'ya ng mga employee n'ya in the future?" Takang tanong ko. Natawa naman si Debbie bago nagsalin ng wine sa baso naming dalawa.
"May tini-train naman si Maggie na mga tao for the specific position kaya alam kong hindi s'ya mawawalan. Ganu'n lang talaga ang babaeng 'yun, mahilig tumulong sa iba kasi hindi naman daw n'ya madadala sa hukay ang mga kayamanan n'ya." Tumango ako sa sinabing 'yun ni Debbie.
"Parang katulad mo rin s'ya, Deb. Pareho kayong nakakabilib sa mga field at advocacy n'yo." Sabi ko.
"Thanks. At alam namin na ikaw din, sa kung anoman ang gusto mong i-pursue." Ang sarap sa pakiramdam na merong mga taong handang sumuporta sa 'yo anoman ang mangyari. Malaking bagay 'yun para ka ganahan at ma-motivate.
"Thanks pala sa pagbabayad ng bills ni Lola sa ospital. Balang-araw, maibabalik ko rin sa 'yo ang mga tulong mo sa 'min." Napatitig sa 'kin si Debbie tapos tumango at ngumiti.
"Tungkol pala sa bagay na 'yan, walang kaso 'yun, Eli, pero may gusto sana akong hilingin."
"Ano 'yun?"
"Umhhh... pa'no ba 'to?" Ramdam ko ang alinlangan sa boses n'ya kaya natawa ako. Ang cute n'ya kasing tingnan!
"Deb, sabihin mo na."
"Mag-move in na kayo ni Lola kasama ko. Aside sa condo unit ko, may bahay pa ako. Du'n, du'n tayo titira. Please, Eli, pumayag ka na. Hindi ko na kaya 'tong setup natin na hindi kita laging nakikita o nakakasama. Saka para ano, para... para maging maayos na rin ang surroundings n'yo ni Lola. I have maids. And nurses na puedeng i-hire para ma-monitor natin ang kalagayan n'ya. That way, hindi ka na mag-aalala sa kan'ya 'pag nasa work ka or nasa training center. Pumayag ka na, okay? Oo lang saka oo ang tatanggapin kong sagot." Hinawakan pa n'ya ang kamay ko saka hinalik-halikan 'yun. Tapos nagpa-cute pa s'ya kaya paano pa ako makakatanggi, sige nga?
Oh my gosh talaga, Deborah.
💐🍁🌷
BINABASA MO ANG
Always, loving you (gxg) (COMPLETED)
RomanceSimple lang naman ang pangarap ni Eli, 'yun ay ang magkaroon sila ng maginhawang buhay ng kanyang lola. Ito na kasi ang nagpalaki sa kanya simula nang maaga syang maulila sa ina at iwan sya ng kanyang ama. Kaya gagawin nya ang lahat para maitaguyod...