Chapter 6

3K 132 8
                                    

NAPAILING AKO habang pinagmamasdan ang boss ko na parang nawala na ang kahinhinan matapos mapasukan ng alak ang sistema. Lasing na lasing na s'ya pero wala pa rin s'yang planong huminto sa pag-inom!

Sa katunayan, 'di ko na alam kung nakakailang bote na s'ya ng wine, isa, dalawa, tatlo? Hindi na n'ya ginagamitan ng wine glass, diretso tungga na s'ya!

"Eli, bakit hindi ka na umiinom? Sa lagay, ako lang malalasing sa 'ting dalawa?" Anya sabay ngisi at alok sa 'kin nang hawak n'yang bote ng alak na agad kong tinanggihan.

"Eh, kasi... Ma'am..." Alanganin kong sabi.

"Debbie na lang itawag mo sa 'kin kapag wala tayo sa opisina. Saka ilang taon ka na ba? Twenty five, right? Di ka naman menorde edad para 'di uminom at magpakalasing."

"Hindi ko naman po sinabing 'di ako umiinom pero ayoko lang at wala akong planong malasing tonight. Baka gumapang na ako pauwi sa 'min pag nagkataon." Bakas sa boses ko ang pag-aalala at nakahalata naman si Debbie kaya nilapitan n'ya ako pero bakit sobrang lapit naman na parang kulang na lang ipagduldulan na n'ya ang mukha n'ya sa 'kin? Ramdam ko din ang mainit n'yang hiningang amoy alak kaya lalo akong natuod.

"Ma'am, uhm..."

"Sabing Debbie na lang. Kulit mo rin, 'no? Dapat marunong kang sumunod sa boss mo." Sabi n'ya. Napalunok laway ako dahil sumeryoso ang boses at reaksyon ng mukha n'ya!

Nakakatakot talaga kapag boss mode s'ya!

"Kung ayaw mo, eh, 'di wag. Sa 'kin na lang 'tong isang bote." Anya pero bago pa s'ya makipag-lips-to-lips sa bote at malagok 'yung wine ay agad ko na itong hinablot sa kamay n'ya.

"Hoy, akin na 'yan!" Maktol n'ya pero itinaas ko ang kamay ko para mailayo sa kan'ya 'yung bote. Hindi ko na s'ya papayagang magpakalasing pa.

"Sorry pero sobra na ang nainom mo. Saka bakit ka ba nagpapakalasing?"

Nakita kong natigilan s'ya at para bang nalungkot pero 'di 'yun nagtagal dahil mabilis n'ya akong tinitigan ng masama at dinamba! Dahil sa gulat, nabitiwan ko ang hawak kong bote at natapon ang laman nito sa carpet. Napahiga naman ako sa sofa na inuupuan namin habang pinaiibabawan ng amo ko! Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa kan'ya samantalang naka-ngisi naman s'ya sa 'kin!

"Alam mo, Eli, nagagandahan talaga ako sa 'yo. Simula pa lang nung nakita kita." Saan n'ya ako nakita? Dun sa opisina n'ya after namin magkabungguan? Yun pa talagang alaalang 'yun eh mukha akong ewan dun!

"Nakalimutan mo na, 'no?" Pilya n'yang saad. Siguro nakita n'yang lumipad na naman ang isip ko. Syempre, para 'di halata eh ngumisi na lang ako.

"Di kaya. Di ba, nabunggo pa nga ako sayo nun tapos tinulungan mo 'kong tumayo?"

"Oo. Pero hindi 'yun. Meron pa." Napa-tsk s'ya sabay iling.

"Nakalimutan mo na talaga. Du'n sa chapel."

"Kasama mo pa nga lola mo at nakikipag-away ka sa kan'ya. Pero in fairness, ganda mo talaga kaya di na mawala sa isip ko yung mukha mo." Sandali pa akong napa-isip bago ko naalala 'yung sinasabi n'ya! Gusto kong matawa sa sarili ko kasi nakalimutan ko na 'yun.

Pero sandali, ano ngang sabi n'ya? Maganda ako?

"Oo, maganda ka." Hala, nasabi ko pala ang iniisip ko?

"Pero may pagka-inosenteng hindi ko maintindihan." Dugtong n'ya.

Nagsalubong naman ang mga kilay ko dahil sa kumento n'ya. Magtatanong sana ako pero nanlaki ulit ang mga mata ko nang makita ko na lang na papalapit ang mukha n'ya sa 'kin! Sa taranta ko, ibinaling ko sa ibang direksyon ang ulo ko at naramdaman ko na lang na sumubsob sa leeg ko ang baliw kong amo! Gusto ko sanang makiliti dahil nararamdaman ko ang hininga n'ya na tumatama saking balat kaso nataranta ako nang ma-realize kong nawalan s'ya ng malay!

Baka naman nakatulog lang tapos ginawa akong kama?

Niyugyog ko s'ya para magising pero hindi s'ya nagre-response. Dinadaganan pa rin n'ya ako kaya ramdam na ramdam ko ang pagdidikit ng aming mga katawan, lalo na ng aming mga dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso ko at nag-iinit na rin ako sa hiya! Sana lang hindi n'ya mapansin kasi baka nagtutulog-tulugan lang s'ya.

"Debbie? Debbie?" Sabi ko habang hinahaplos ang buhok n'ya.

Ni sa hinagap, hindi ko naisip na mauuwi kami sa ganitong posisyon ng boss ko. Para kaming nag-aano, basta. Pero bago pa mapunta sa kamanyakan ang isip ko, narinig ko nang umungol si Debbie. Nagising na yata ang mahal na reyna. Sinamantala ko naman 'yun para alalayan s'yang makaalis sa ibabaw ko kasi malapit na akong maubusan ng hangin at mawalan din ng malay!

"Aray ko naman. Dahan-dahan..." Reklamo n'ya.

Sinamaan ko s'ya ng tingin pero naawa rin ako sa kan'ya dahil sa hitsura n'ya. Hulas na ang makeup, magulo ang buhok at malayong-malayo du'n sa boss kong may pagka-sopistikada at sosyal. Pero infairness, maganda pa rin naman s'ya.

"Wala po akong ginagawa sa inyo. Kayo ang dumagan sa 'kin. Kamuntik na akong ma-suffocate." Narinig kong natawa s'ya. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Sorry. Nawalan lang ako ng balance." Sabi n'ya sabay ngisi. Kita ko ang dimple n'ya at mapuputing ngipin, lalo tuloy akong nahumaling sa kan'ya.

"Wag ka nang umuwi. Dito ka na matulog kasi gabi na rin." Nataranta naman ako sa sinabi n'ya.

"Pero baka maabutan tayo dito ng asawa mo." Sabi ko. Natawa pa ako internally dahil tunog-kabit 'yung pagkakasabi ko nu'n. Yun bang tipong worried kasi mahuhuli ka ng asawa ng kalantari mo? Hay, kakapanuod ko ito ng teleserye. Si Lola kasi. Pero, hello, ano na lang ang iisipin nu'n pagdating sa bahay nila tapos lasing na lasing pa 'tong misis n'ya, 'di ba? Saka ayokong magkita ulit kami ng asawa n'ya dahil hindi ako kumportable sa prisensya nito. Kanina nga habang nasa event kami, ang sama kung makatingin sa 'kin, 'di ko naman inaano.

"Hindi s'ya nakatira rito. Bahay ko lang 'to. Kaya puede kang matulog dito dahil tayong dalawa lang naman. Ano pang hinihintay mo? Tabihan mo na ako rito sa sofa, may space pa naman."

"Seryoso ka ba talaga?" Tanong ko sabay iling. Pero ngumisi lang s'ya sa 'kin. Naisip kong may pagka-pilya at isip bata pala ang boss ko kapag lasing. Malayo sa personalidad n'yang matapang at kagalang-galang sa opisina. Nagagawa nga naman ng alak sa tao. Pero sabagay, sino nga ba naman ang may iisang personalidad? I mean, 'di ko naman sinasabing sinto-sinto itong boss ko o ano pero parang ganu'n na nga, hehe!

Nasa gano'n akong pag-iisip nang maramdaman ko na lang na hinila n'ya ako sa braso para mapalapit sa kan'ya. Tapos kaagad n'yang inilingkis ang binti n'ya sa 'king mga binti at sinubsob ang kan'yang mukha saking leeg. Kinilabutan naman ako nang gumapang ang kamay n'ya sa taguliran ko sabay kabig sa bewang ko para lalong magdikit ang mga katawan namin.

Napaka-intimate ng posisyon namin. Kung iisipin, para kaming mag-jowang naglalampungan. Pero puede rin namang ginawa lang n'ya talaga akong human pillow.

"Goodnight, Eli. Thanks kasi sinamahan mo 'ko." Anya tapos ilang sandali pa narinig ko na ang hilik nya.

Hala, bilis nakatulog!

Nakakahiya naman dahil mukhang kumportableng-kumportable s'ya samantalang ako ay iniisip kung pa'no makakatulog ng mahimbing habang katabi s'ya at napakalapit namin sa isa't isa! 

🌷🌼🥀

Always, loving you (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon