DESERVE naman natin maging masaya pagkatapos nang mga hindi maganda nating pinagdaanan sa buhay, 'di ba? Pero sa kabila ng lahat, naramdaman n'yo na ba na parang hindi n'yo deserve na maging bigay-todo sa sitwasyon kasi natatakot kayo na baka may kapalit 'yung happiness na nararanasan n'yo tapos mas doble 'yung kalungkutan na kasunod? Yun ang eksaktong feelings ko kaya hindi ko magawang enjoy-in ang bakasyon namin ni Debbie.
Nag-desisyon ang girlfriend ko na mag-leave muna kami sa trabaho nang makalabas na ako sa ospital. Katwiran n'ya ayaw n'ya akong ma-stress kaya wala na rin akong nagawa kahit humindi ako't sinabi kong ayos lang na bumalik ako sa trabaho. Pero as usual s'ya pa rin ang boss sa 'ming dalawa. So, s'ya pa rin ang masusunod. I
lang araw na rin akong nasa condo unit n'ya habang nagwo-work from home s'ya. At nang mapansin n'yang malapit na akong tubuan ng ugat sa mga paa ko ay nagtanong s'ya kung gusto kong magbakasyon kami. Para maiba lang ang ambiance. Hindi na ako tumanggi kasi gusto ko rin magliw-aliw at pansamantalang lumayo.
Nagpunta kami sa beach resort na pinuntahan namin noon. Ang saya ko nang dumating kami rito. Natatandaan ko pang nagmamadali akong ibaba ang gamit namin sa nirentahan naming kuwarto para makapagtampisaw na sa tubig-dagat. Nakasimangot pa nga sa 'kin noon si Debbie nang lapitan ako kasi iniwan ko raw s'ya sa pampang. Aba'y paumanhin sa 'king magandang nobya, mas'yado lang akong pinangibabawan ng labis na saya.
Pero sa paglipas ng mga oras, unti-unti ring nawala 'yung pakiramdam na 'yun lalo na ngayon sa dinner date namin.
Ewan ko, pero noong bata ako, iniiwasan ko talagang maging masaya nng husto kasi natatakot ako sa balik-karma na kalungkutan pag nagkataon. At dahil nga hindi na naman maipinta ang mukha ko ay napansin 'yun kaagad ng girlfriend ko.
"Ayaw mo ba ng pagkain?" Tanong n'ya dahilan para mapukaw ang naglalagalag kong isipan sa kawalan. Agad kong sinalubong ang nag-aalala n'yang tingin dahilan para makonsensya ako. Pero ano nga ulit ang tanong n'ya?
"Gusto. Pero mas gusto kita." Maharot kong sagot. Nakita ko s'yang ngumiti kaya gumaan ang pakiramdam ko.
"Eli, 'yung totoo. Wag mo nga akong binobola-bola d'yan. Although..." Pinagmasdan kong mabuti ang buka ng labi n'ya para sa susunod n'yang sasabihin.
"Alam ko namang patay na patay ka sa 'kin." Shuta! Ramdam kong nag-init ng todo-todo ang pisngi ko dahil sa kapilyahan n'ya. Agad kong tinakpan ng mga kamay ko ang aking mukha upang isalba ang sarili ko sa matinding kahihiyan. Paano, totoo naman kasi na patay na patay ako sa kan'ya. At kung ako ang tatanungin n'yo, handa rin akong mamatay para sa kan'ya.
Pero wag ho muna ngayon, Lord. Paranas muna ng langit dito sa lupa.
"Okay pero seryoso, bakit hindi mo masiyadong binabawasan ang pagkain mo? Sige ka, malapit ko nang ipatawag ang chef na nagluto niyan para pagsabihan."
"Plano mo pa talagang mag-eskandalo."
"Biro lang. Wala sa personality ko 'yun pero hindi ko pa rin mapigilang mag-alala kasi hindi ka kumakain. Tapos pansin ko rin na ang lalim ng iniisip mo, hindi ko maarok!" Napangiti ako sa paggamit n'ya ng terminolohiya.
Hindi rin kasi maarok ang pagmamahal ko sa 'yo kaya apektado ako ng ganito.
"Wala naman." Matipid kong sagot. Pero tinaasan n'ya ako ng isang kilay na nangangahulugang hindi s'ya satisfied sa sagot ko. Tapos naramdaman ko na lang na hinawakan n'ya ang kamay ko sabay pinisil-pisil yaon para ibaba ako sa lupa dahil nagsisimula na namang lumutang sa kawalan ang isipan ko.
"Alam mong puede mong sabihin sa 'kin ang laman ng isip mo." Alam ko naman 'yun pero paano ko uumpisahan?
"Deb, naranasan mo na bang magmahal ng matindi sa isang tao?" Kita ko ang gulat sa reaskyon ng mukha n'ya pero agad din n'yang in-absorb ang tanong ko. Tapos tumango s'ya.
"Oo." Sagot n'ya. Sinang-ayunan ko sya saka pinagpatuloy ang aking sinasabi.
"Ako rin. At sa sobrang tindi, natatakot na akong ipagpatuloy."
"Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan." Napalunok-laway ako nang bumakas sa boses n'ya ang tinding takot at pag-aalala. Pero hindi ako masiyadong nagpa-apekto. Binawi ko rin ang kamay ko sa pagkakahawak n'ya at kinuyom ang aking kamao.
"Natatakot ako na baka naglolokohan lang tayo sa relasyon nating 'to, Deb. Natatakot ako na baka hindi tayo mag-workout tapos maghiwalay din tayo sa huli. Naisip mo na ba 'yun? Naisip mo na ba na baka 'pag pinagpilitan nating ipagpatuloy ang kung ano'ng meron tayo eh baka magkaroon lang ng komplikasyon sa dulo?"
"Ano bang komplikasyon ang sinasabi mo?"
"Alam mo kung anong sinasabi ko, wag ka nang magbulag-bulagan!" This time, hindi ko na napigilan ang bugso nang damdamin ko nang tumaas na ang boses ko. Pero dahil ayokong pagtinginan kami ng ibang tao ay pinilit kong kumalma. Isinandal ko ang likod ko sa upuan at bumuntong-hininga.
"Ayaw sa 'kin ng mama mo. For sure ayaw din sa 'kin ng papa mo. At mas ayaw sa 'kin ng ex-husband mo..."
"Sino ang may pakialam sa opinyon ni Vincent? Kasi kung ako ang tatanungin mo, wala akong pakialam kung ayaw n'ya sa 'yo..."
"Pwes, ako meron! Deb, hindi ka ba nakikinig? Natatakot ako na baka may mangyaring masama sa 'yo o sa 'kin, o sa pamilya ko kapag hindi pa kita nilayuan. At 'yung takot na 'yun nanggagaling sa mga taong may ayaw sa 'kin na maging tayo. Lalong-lalo na si Vincent. Sino lang ba ako? Wala akong laban sa kanila."
"Pero po-protektahan naman kita kaya hindi mo kailangan matakot!"
"Hindi mo ako palaging mapo-protektahan laban sa kanila dahil darating ang araw na mapapagod ka rin. Paano kung mangyari nga 'yun tapos nasa punto na ako na hindi ko na kayang mawala ka sa 'kin? Paano ko kakayanin 'yun, sige nga?" Nakita ko s'yang sarkastikong natawa habang pinapahid ang mga luhang nag-umalpas sa kan'yang mga mata.
"Sinasabi mo ba sa 'kin ngayon na kaya mo 'kong mawala sa 'yo nang dahil sa mga kinatatakutan mo?"
"Oo. Yun lang kasi ang nakikita kong paraan para matapos na 'to. Pag naghiwalay tayo, hindi na tayo guguluhin ni Vincent kasi alam n'ya wala na s'yang karibal sa 'yo. Puede kayong magbalikan kung gusto mo. Tapos mas magiging maayos ang relasyon mo sa parents mo, lalo na sa mama mo..."
"Mas gugustuhin ko pa na hindi na mangyari ang mga sinabi mo kesa ang mawala ka sa buhay ko, Eli. Please, wag ka namang ganyan..." Naiiyak na rin ako pero tinatagan ko lang ang loob ko. Ayokong bumigay nang dahil sa kan'ya kasi baka hindi na ako makapag-isip ng matino.
Pero matino nga ba ang naiisip ko ngayon?
"Kung mahal mo 'ko, hindi lang kung anong gusto mo ang iisipin mo. Kasi kung talagang mahal mo 'ko, pagbibigyan mo ang hiling ko.
Maghiwalay na tayo, Debbie."
🌺🌹🌷
BINABASA MO ANG
Always, loving you (gxg) (COMPLETED)
RomanceSimple lang naman ang pangarap ni Eli, 'yun ay ang magkaroon sila ng maginhawang buhay ng kanyang lola. Ito na kasi ang nagpalaki sa kanya simula nang maaga syang maulila sa ina at iwan sya ng kanyang ama. Kaya gagawin nya ang lahat para maitaguyod...