Chapter 23

1.7K 70 4
                                    

“ELI, please. Kausapin mo naman ako.” Pagsusumamo ni Debbie. Napasinghap ako nang hawakan n’ya ang dalawang kamay ko habang pinipisil-pisil yaon. Aaminin kong sobrang na-miss ko talaga ang balat n’ya sa ‘king balat kahit na sabihing ilang araw pa lang na hindi kami nagkikita.

Nandito pa rin kami sa opisina ni Maggie at bagaman nagtataka ako kung bakit s’ya nandidito ay nagtatalo naman ang isip ko kung dapat ko pa bang tanungin ‘yun sa kan’ya lalo na’t hiwalay na kami. Hindi n’yo ‘ko masisisi, mukha silang close ni Maggie. Sabagay, magkakilala nga sila kasi sinamaan n’ya ito ng tingin noong nagkita sila sa event na in-attend-an namin noon. Pero kung gaano ‘yun kalalim ay wala akong ideya.

“Debbie, ano pa bang dapat nating pag-usapan?” Sabi ko sabay buntong-hininga. Sinubukan kong bawiin ang mga kamay ko sa kan’ya pero pinigilan n’ya ‘yun. Kulang na lang ay mapangiti ako pero pinigilan ko ang sarili ko.

“Marami.”

“Tungkol saan?”

“Sa ‘tin. Sa relasyon natin. At sa pagre-resign mo sa trabaho.” Sasagot pa sana ako pero kita ko na namang nagsalubong ang kilay n’ya. Minasahe n’ya ang kan’yang sintindo habang nakapikit ang mga mata na para bang nai-stress sa nangyayari. Di ko nga lang matukoy kung saan o puede ring pareho.

“Eli, siraulo ka ba?” Aniya dahilan para matameme ako. Gusto kong matawa kasi hindi ko akalain na tatawagin n’ya akong siraulo! But at the same time, tama naman s’ya dahil nasisiraan na nga ako ng ulo. “Nakipag-break ka na nga sa ‘kin tapos umalis ka pa sa trabaho. Tapos ngayon, makikita kitang nag-a-apply sa kompaniya ni Maggie?”

“Eh, ikaw nga nakita kong nandito kasama s’ya. At mukhang hindi lang tungkol sa trabaho ang pinag-usapan n’yo.”

“What did you just say?” Namimilog ang mga mata ni Debbie habang umiiling. Hindi s’ya makapaniwala sa tanong ko pero imbes na sagutin ang tanong n’ya’y inirapan ko s’ya. Kinagat ko na rin ang dila ko para hindi na ako makapagsalita ng kung ano. Sa likod ng aking isip ay gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pagiging padalos-dalos.

Ayokong lumabas na nagseselos kahit na ‘yun ang eksaktong termino sa damdamin ko.

“Nagseselos ka ba?”

“Hindi. At bakit?”

“Baka lang naman kaya tinanong ko.”

“Alam ko naman na wala na akong karapatang magselos kasi hindi na tayo.” Pagdidiinan ko sa salita. This time, iniiwas ko na sa kan’ya ang aking paningin dahil hindi ko na kayang makita na reaksyon n’yang nasasaktan sa tuwing sinasabi ko na tapos na kami.

“Eli, please. Wag mo namang gawin sa ‘kin ‘to. Hindi ko kayang mawala ka sa ‘kin, mababaliw ako.” Aniya.

“Noong sinabi mo sa ‘kin na gusto mong makipaghiwalay, wala akong imik kasi nasaktan talaga ako ng husto. Yet, ayokong ipagpilitan sa ‘yo ang ayaw mo na kaya binigyan kita ng espasyo. Ako rin, gusto ko ring isipin ang mga sinabi mo sa ‘kin at tama ka naman na hindi sa lahat ng oras at panahon ay maipagtatanggol kita laban sa mga taong may ayaw sa ‘yo. Lalo na kay Vincent. Hindi ako superhero na available 24/7…” Gusto ko na talagang umiyak ng oras na ‘yun dahil masakit pa lang marinig ang katotohanan kahit alam mo na ito. Sabagay, sinabi ko nga na hindi lahat ng klase nang pag-ibig ay ipinaglalaban. Meron ‘yung mas mainam na isuko na lang at palayain para sa ikabubuti ng lahat. Mas doble lang talaga ang sakit kapag sinasampal na ‘yun sa mukha mo ng taong mahal na mahal mo pa.

“… pero alam mo ba ang na-realize ko pagkaraan ng ilang araw na hindi kita kasama? Mas lalo kitang nami-miss, Eli. At mas lalo kong gustong patunayan sa ‘yo na hindi kita kayang mawala sa buhay ko. Kaya eto, nagpunta ako rito kay Maggie para personal s’yang kausapin tungkol sa kapatid n’yang si Vincent at sa pinaggagawa nito sa ‘tin. Kahit s’ya hiyang-hiya sa kagaguhan ng kapatid n’ya at nangako s’ya sa ‘kin na pagsasabihan n’ya ‘to.”

Always, loving you (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon